About

Patuloy na nangangarap
Sa blog na ito makikita ang mga kwentong hango sa pang-araw araw na pamumuhay, mga karanasan, kabiguan, kasiyahan, kwentuhan, pag-aaral, pangangarap at iba pa. Mga bagay na hindi nababagay sa The Four-eyed Journal.
Maaari kayong magtanong o lumiham sa akin tungkol sa mga bagay na mababasa nyo dito o kaya para sa mga nakakakilala sa akin sa personal, tungkol sa mga bagay na sa iyong palagay ay makakatulong o may kinalaman ako. Ipagpaumanhin nyo na lamang kung minsan ay matagal akong magsulat dito o sumagot sa inyong mga katanungan dahil iisa lang ako, dalawa lang ang aking kamay at kay dami kong mga bagay na ginagawa. Pero makakaasa kayong hindi ko naman kayo babaliwalain.