1,000 tagapakinig

Isang libong estudyante. Ito ang mga sal­i­tang kanina pa nasa isip ko. Puma­sok ito sa aking isipan mat­a­pos kong mala­man na ito ang posi­bleng bilang ng mga taga­pakinig sa Lasal­lian Forum sa darat­ing na Lasal­lian Fes­ti­val na gaganapin sa Jan 23, 2008. Ako ay isa sa mga taga­pagsalita sa forum na ito. Ang halos isang libong estudyante na binang­git ko ang makikinig sa akin!

Sanay na akong magsalita sa harap ng mga maram­ing tao, bata man o matanda, mas maram­ing napa­gar­alan sa akin o hindi. Pero ngayon lang talaga na 1,000 ang makikinig sa akin. Sa Ugnayang La Salle pa gaganapin kaya kakaiba ang kaba at takot na nararam­daman ko.

Magkaka­mali kaya ako? Mag­bubuhol ang dila? Magkakalat na lang dun sa harap nila? Ilan lang ito sa mga bagay na bum­abagabag sa akin.

Isa pa sa mga lalong nag­pa­p­ataas ng aking kaba at pangamba ay ang pak­sang napunta sa akin. Tungkol ito sa 'Bokasyon ng Pagig­ing Kabataang Lasalyano.' Ubod ng hirap hindi ba?

May prob­lema ako sa paksa dahil parang hindi tugma na ang pagig­ing Kabataang Lasalyano ay isang bokasyon. Paano ko ito nasabi?

Sa Jan­u­ary 23 ko sasabi­hin ang sagot. Dahil ito ang magig­ing buod ng aking pananalita sa nat­u­rang forum. Sana ay may mapu­lot na kapakipak­in­a­bang ang mga makikinig at hindi ako awayin ng mga taga ULFO na syang nag­im­bita sa akin bilang tagapagsalita.

Medyo bitin at magulo diba? Sa susunod, ikuk­wento ko ng mas maayos ang mga bagay-​bagay tungkol dito.

This entry was posted in buhay estudyante and tagged , , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>