Julius Rocas

Karanasan, mga pananaw at kwentong buhay

Archive for October, 2008

Wala namang maisulat…pero madaming kwento

with one comment

Noong nakaraang kwento ko, sinabi kong inspired akong mag­su­lat. Pero halata naman na wala akong nais­usu­lat. Pero sa totoo meron. Hindi lang para sa mga blogs ko pero naka­pag­su­lat naman ako nitong mga narakaang araw.

Nariyan yung mga assign­ments ko, mga projects, mga kon­sep­tong papel at iba pang mga teknikal na pag­susu­lat. Pero sa malikhaing aspeto ng pag­susu­lat, wala. hehehehe

Isa sa mga dahi­lan ay ang kawalan ko ng inter­net con­nec­tion tuwing gabi. Nagtitigil kasi ako ngayon sa isang dorm sa labas ng La Salle Dasma at walang inter­net. Walang silbi din naman ang Globe Mobile inter­net kaya wala din. Ayaw ko namang mag­punta sa inter­net shops na napakadami dito sa labas ng paman­tasan kasi ayaw kong gumamit ng iba pang kompyuter. Mas gusto ko pa rin ang laptop ko. Isa pa, hindi ako kom­portable sa paggamit ng mga pam­pub­likong kompyuter dahil sa mga spy­ware na nagli­pana sa bawat inter­net shop.
Read the rest of this entry »

Written by jhay

October 2nd, 2008 at 12:12 pm