Julius Rocas

Karanasan, mga pananaw at kwentong buhay

Archive for December, 2008

Ano ang gagawin ko sa Pasko?

without comments

Noong maliit na bata pa ako, inaa­ban­gan ko ang Pasko, dahil nakakatang­gap ako ng mga regalo mula sa aking mga mag­u­lang, kamag-​anak, mga ninong at ninang. Paki­ram­dam ko ba ay napaka-​espesyal ko tuwing araw ng Pasko.

Bagong damit, sap­atos, laruan at malu­lu­tong na perang papel, yung mga tig-​sasampung piso at beinte pesos, ang nagha­hatid ng ngiti sa akin.

Ang paborito ko sa lahat ay ang mga bagong LEGO sets na natatang­gap ko mula sa mga ninong ko as Amerika. Halos maubos ang maghapon ko sa kakalaro ng mga LEGO, ito ang paborito kong laruan.

Yun lang, sa pagli­pas ng pana­hon, nawala ang mga LEGO, nawala ang mga pamasko, ako na ang bumibili ng bagong damit at sap­atos para sa akin at ngayon, ako na rin ang hina­hanap at inaa­ban­gan ng dalawa kong inaanak.

Sadyang para sa mga bata lang ang Pasko. haiz....

Pero hindi ito dahi­lan para tuluyang malungkot at mag­mukmok. May mga bagay na pwede pa ring gawin sa edad kong ito para kahit papaano ay sumaya rin ngay­ong Pasko.
Read the rest of this entry »

Written by jhay

December 21st, 2008 at 11:35 pm

Posted in Daily Dose

Tagged with ,

Tag-hirap ngayong pasko

without comments

"With great money, comes many responsibilies..."

Ayus ba? Binase ko ang kata­gang yan mula sa isang linya mula sa Spi­der­man, hindi ko lang alam kung anong yugto ng peliku­lang iyon.

Bakit ko nalikha ang kata­gang iyon? Basahin muli ang titulo ng post na ito. hehehe

Ilang araw na lang at pasko na, pero mukhang darat­ing ang paskong ito na wala akong pera.

Ayus lang naman, dahil karami­han sa mga napun­ta­han ng aking kita mula sa blog­ging ay maha­laga at kailan­gan naman.

Nariyan ang bill ng kuryente, tele­pono, matrikula, baon araw-​araw at libro.

Guma­gal­ing na ako ng bahagya sa pag-​iingat ng aking kita mula sa blog­ging, kadalasan kasi dati ay wala pa sa kala­hati ng buwan ay halos naubos ko na ang aking kita dahil sa padalos-​dalos kong gastos.

Ngayon, guma­gawa ako ng badyet para sa isang buwan base sa darat­ing na kita mula sa blog­ging. Hindi man agad ako nakakaipon ng limpak-​limpak na salapi, alam ko naman na hindi nasasayang ng todo ang aking kita. Kailan­gan lang talaga na pag­ibayuhin pa ang pagkon­trol ko sa aking sarili at sug­puin ang komer­syal­ismo sa aking pagkatao.

Buti na lang at isang linggo na lang aking pasok sa paman­tasan, mababawasan ng bahagya ang aking mga pang araw-​araw na gastusin.

Sana nga, dahil ang nai­isip ko naman, dahil nasa bahay lamang ako, ay lalakas ang mga food trips at pag­ga­gala na syang magig­ing mas mag­a­s­tos. :P

Pero kailan­gang maghig­pit na muna ng sin­turon dahil kaka­pusin na talaga ako. Baka dumat­ing ang bagong taon ay walang laman ang aking bank account, wallet at bulsa. Hindi ko naman matan­daan ngayon kung malas o swerte ba ito, ayon sa mga nakakatanda kong kamag-​anak na may dugong Instik.

Magk­aganoon pa man, masaya akong makakasama muli ang aking pam­ilya at mga mala­pit na kabarkada ngay­ong pasko. Bumaha man ng alak at ikabu­tas ng aking bulsa, ayus na iyon kaysa mapunta ito sa droga. Naks!

Written by jhay

December 16th, 2008 at 8:45 am

Posted in buhay estudyante,Daily Dose,Ekonomiya

Tagged with ,

Pagbabalik-loob

with one comment

Buo na ang plano ko sa kung anong gagawin sa blog na ito.hehehe

Aayusin ko na lang ang dis­enyo at mga ilang laman ng side­bar. Naging abala sa labas ng blog­ging nitong mga nakaraang buwan kaya ngayon lamang uli naka­pag­blog dito.

Bago sumapit ang pasko ay:

Papal­i­tan ko ang mga image head­ers ng blog na ito para magka­roon ng 'per­sonal touch' ika nga.

Aayusin ang mga kat­e­go­rya ng blog na ito para mas maging maayos at organ­isado ang mga bagay-​bagay.

Sim­u­lan ang reg­u­lar na pag­bablod dito. (Good luck!)

Yun na muna, hang­gang sa muli.

Written by jhay

December 15th, 2008 at 11:24 pm

Posted in Daily Dose

Tagged with