Julius Rocas

Karanasan, mga pananaw at kwentong buhay

Archive for October, 2009

Ano ang plano nyo sa sembreak?

with 4 comments

Isang linggo na lang at tapos na ang unang semes­tre. Akalain mo iyon? Nakali­pas na ang isang semes­tre ng ganoon-​ganoon na lang? Pero ganoon na nga lang ba talaga?

Kakaiba ang semes­tre na ito. Bukod sa mga malak­ing pag­babago sa buhay-​estudyante ko, ang daming mga bagay na nang­yari sa labas ng paman­tasan na lub­hang nakaapekto sa loob.

Nariyan ang mga kag­u­luhang nang­yari sa puli­tika at ekonomiya at ang pinkahuli ay ang pin­sala at tra­hedyang idin­u­lot ng magka­sunod na bagy­ong Ondoy at Pepeng.

Mat­a­pos ang lahat-​lahat, pala­gay ko ay dapat sulitin ang darat­ing na sem­break. Dahil sa pagbabalik-​eskwela sa ikawalang semes­tre, sa pala­gay ko ay mas magig­ing abala at lahat dahi­lan sa mga pani­bagong hamon at mga gawain sa paman­tasan. Shempre, lalong magig­ing mabi­gat ang mga bagay-​bagay dahil sa mas maiksi at mas mabilis na takbo ng pana­hon tuwing 2nd semester.

Para sa sem­break, balak kong basahin ang mag librong nabili ko noong Agosot pa, pero hindi ko pa nasisim­u­lan kahit isa. At dahil dito, sisim­u­lan ko din ang bago kong blog na mata­gal ko nang pinag­pa­planuhan at bin­a­balak na gawin. Bukod dito, balak ko din na mamalagi, hangga't posi­ble, sa bahay. Para naman maka­pag­pahinga at sana, hari-​nawa, ay magka­roon ng kahit kaunt­ing dagdag tim­bang. :D

Shempre, hindi mawawala ang pag­tam­bay kasama ng mga kaibi­gan ko dito sa Silang, pero dapat ay maging mahi­na­hon dahil dapat sulitin ang sem­break para makapagpahinga.

Pero sa kutob ko ay hindi ko malu­lu­bos ang sem­break para maka­pag­pahinga. May mga ilang bagay na kailan­gang pag­tu­u­nan ng pansin at ito ang kakain ng mga oras at araw ng akin sem­break. Nariyan ang pagig­ing SERVE Vol­un­teer, pinuno ng SENTRO, pasimuno muli sa Sining Bayan at shempre sa pagig­ing blogger.

Gaano man kaiksi o kahaba, mabuti nang may sem­break kaysa sa wala.

Written by jhay

October 16th, 2009 at 11:25 pm

Posted in buhay estudyante

Tagged with ,

Bakit nga pala may school uniform sa DLSUD?

with one comment

Pormal nang nagsim­ula ang delib­erasyon tungkol sa pag-​babago ng Stu­dent Hand­book. Ang Stu­dent Hand­book Revi­sion Com­mit­tee ay bin­ubuo ng iba't-ibang sangay ng admin­is­trasy­ong ng DLSUD at mga lider-​estudyante ng bawat sektor sa pamantasan.

Hindi ko pwe­deng ide­talye ang mga napag-​usapan pero sa ngayon ay nat­a­pos kami sa Sec­tion 1 ng kasalukuyang Stu­dent Hand­book, par­tiku­lar tungkol sa detalye ng uniporme.

Naging masigla, mainit pero mala­man ang mga debate tungkol sa school uni­form. Pero kanina ko lang napag­tanto, bakit kailan­gan ng school uniform?

Kung babasahin ang Stu­dent Hand­book, makikita lamang ang pagsasalarawan ng unim­porme para sa lalake at babaeng estudyante ng DLSUD pero hindi mo mababasa kung bakit kailan­gang mag­suot ng uni­porme ang mga estudyante.

Ano sa pala­gay nyo? Para ba maging maayos tingnan ang paman­tasan? Para ba makat­u­long sa ating mga pag-​aaral? Para ba makatipid? Para ba sa seguri­dad? Para may dagdag kita ang school?

Bakit sa La Salle Manila ay walang uniporme?

Bakit nga kaya???

Written by jhay

October 8th, 2009 at 11:03 pm

Posted in buhay estudyante

Tagged with , ,