Julius Rocas

Karanasan, mga pananaw at kwentong buhay

Archive for June, 2010

Kay Bangit Ibinaling ang Galit

without comments

Hindi maikakaila na madaming iti­nalaga ni Gloria Macapagal-​Arroyo sa iba't-ibang pwesto sa gob­y­erno ay aal­isin din nama ni Noynoy Aquino kapag nagsim­ula na siya sa kanyang ter­mino bilang Pan­gulo ng Pilipinas.

Lalo na 'yung mga "mid­night appoint­ments". Kaya nga mula't sapul, tini­tira na ng mga Lib­eral si Chief Jus­tice Renato Corona mat­a­pos itong maita­laga sa tulong ng mga mahistradong mabait kay GMA.

Lumu­tang din ang bulung-​bulungan na posi­bleng ipa-​impeach ni Aquino si Corona pero dahil sa gara­palan na ito, uma­tras din sila ban­dang huli. Minabuti na lang nila na hindi pansinin si Corona dahil wala na silang mag­a­gawang ligal na paraan para maalis ito sa pwesto bilang punong mahistrado. Deadma na lang kumbaga.

Kung kaya, si AFP Chief of Staff Gen Delfin Bangit, na isa ding "mid­night appointee" ni GMA ang napag­balin­gan ni Aquino bilang pag­wawasto sa mga ginawa ni Arroyo.

Mas madali kasing galawin si Bangit dahil bilang Commander-in-Chief, nakay Aquino ang lahat ng ligal na kara­p­atan upang gawin kung ano ang gus­tuhin nito tungkol sa AFP.

Napa­subo si Bangit nang mag­mati­gas siya, pero sa ban­dang huli, sumuko din ito at nagre­tiro ng maaga mula sa ser­bisyo mil­i­tar. Wala naman talaga siya mag­a­gawa dahil kahit 5-star Gen­eral pa siya, wala siyang binat­bat sa Commander-in-Chief.

Parang tulad lang ng sa larong "Game of the Gen­er­als" talo ng "Spy" ang 5-Star Gen­eral. Nananaig sa mil­i­tar ang kapang­yari­han sibilyan.

Written by jhay

June 24th, 2010 at 6:13 pm

Posted in opinyon

Tagged with ,

Kalahating tulog, kalahating gising

without comments

Ang nakakai­nis sa aking sarili ay kung kailan ako inaan­tok saka dumarat­ing ang malakas na motibasyon para mag­su­lat. Bukod sa motibasyon, dumadagsa din ang madaming ideya o pak­sang gus­tong kong isulat.

Pero dahil nga sa inaan­tok na ako, hindi ko na naga­gawang isulat ang mga ideyang puma­sok sa aking isipan at ang motibasyon kong mag­su­lat ay natat­alo ng pan­gun­gulila ng aking katawan sa malam­bot na higaan.

Minsan nga ay nai­isip kong subukan 'yung tinatawag nilang "power naps" o mai­iks­ing pag­tu­log - mga 30 minuto - saka muli gigis­ing at ipag­pa­p­at­u­loy ang naud­lot o bagong gawain, tulad ng pag­susu­lat. Pero palpak ako sa "power naps" dahil ang dapat sana'y 30 min­u­tong pag­tu­log ay nagig­ing 6 hang­gang 8 oras na pagkakaidlip!

Sa katu­nayan, ang artiku­long ito ay sinusu­lat ko habang nasa bingit ako ng matind­ing pagkaan­tok at hina­hayaan ko na lang ang aking mga kamay na tumipa sa aking laptop sa saliw ng kumpas ng aking isipan.

Pero hindi tungkol sa reaksyon ko sa huling pama­maalam ni Gloria Macapagal-​Arroyo bilang pekeng Pan­gulo ng Pilip­inas ang naisu­lat ko. Bagkos, ang paki­ram­dam ng pag­susu­lat habang kala­hat­ing tulog at kala­hat­ing gising.

Written by jhay

June 24th, 2010 at 12:33 am

Posted in Daily Dose

Tagged with ,