Julius Rocas

Karanasan, mga pananaw at kwentong buhay

Archive for September, 2010

Dati si Gloria, Ngayon naman ang Media

without comments

Ngayon ko lang napag­tanto, mula nang nakaraang eleksyon noong Mayo 2010, lagi na lang napag-​uusapan o napupunta sa aten­syon ng pub­liko ang pagk­i­los ng Media. Kung paano nila ginagam­panan ang kani­lang tra­baho at kilos sa pagha­hatid ng mga balita.

Nagsim­ula ito sa pagig­ing biased o may pagk­il­ing ng ilang malalak­ing Media sa mga kuman­didato sa pagka-​Presidente noong nakaraang eleksyon. Nariyan ang ABS-​CBN at ang pagk­il­ing nito kay Pres­i­dente Noynoy Aquino. Kaya nga karami­han sa mga miyem­bro ng kanyang Com­mu­ni­ca­tions Group ay galing at konek­tado sa ABS-​CBN.

Sumunod naman ang pagkuku­lang at pag­ma­mal­abis ng Media sa cov­er­age ng August 23, 2010 hostage taking tragedy. Lum­abas na ang ulat ng IIRC at sinasabing may mga pagkuku­lang din, hindi lamang ang kapulisan, ang Media na tumu­lak sa madugong pag­tat­a­pos ng krisis na iyon.

Ngayon naman, ang panawa­gan sa Media na igalang ang kara­p­atang mapag-​isa o pri­vacy ng ina ni George Fran­cis, ang sang­gol na iniwan sa basur­a­han sa isang ero­plano ng Gulf Air noong isang linggo.

Hindi ganito noong nasa Mala­canan pa si GMA. Dahil nga galit at suklam ang buong bayan sa kanya, ayos lang na pag­piyesta­han ng media ang bawat kilos nito at ng Mike Arroyo. Pero ngay­ong wala na si GMA, nakikita na ng mga tao ang ibang mali at baluk­tot sa ating lipunan. Bukod sa mga bulok na insti­tusyon ng gob­y­erno, nakikita na rin natin ang mga mali at baluk­tot na gawain ng Media.

Sa pagha­hangad na makakuha ng ekslusibo at maben­tang balita, madal­ing makalimu­tan ng media ang dig­nidad at mga kara­p­atan ng mga indibid­wal. Nalil­imu­tan agad ang mga eth­i­cal stan­dards of jour­nal­ism, na sila mismo ang bum­a­bali­wala. Saman­ta­lang napakalakas at napaka-​ingay nila kapag sila ang naiipit.

Ang mas nakakadis­maya, lahat ng ito ay gina­gawa umano nila para sa "kato­to­hanan" at "paglil­ingkod sa bayan."

Written by jhay

September 21st, 2010 at 12:48 pm

Posted in opinyon

Tagged with

Tumatanda ng paurong

without comments

Dati malaki ang bilib ko kay Arch­bishop Oscar Cruz dahil sa tapang nyang kal­a­banin ang jueteng at ang admin­is­trasyon ni Gloria Macapagal-​Arroyo saman­ta­lang mga kasama­han sa CBCP ay pat­u­loy na tumatang­gap ng mga sobra mula sa Palasyo o kaya nagbubulag-​bulagan sa mga kaliwa't-kanang pama­maslang ng mga aktibista, lider-​manggagawa, mamama­hayag at estudyante.

Ilang beses ko rin siyang nakita ng per­sonal sa mga pagk­i­los noong nasa Palasyo pa si GMA. Nito lang makailan ay nagsalita naman si Cruz at sin­abing dalawa sa mala­pit na opisyal kay PNoy ay tumatang­gap ng jueteng payola buwan-​buwan, sa hala­gang 2-milyong piso.

Narara­pat lang na imbesti­ga­han at panagutin ang mga opisyal na ito. Lalo't higit na isa sa mga ibin­a­bandila ng admin­is­trasy­ong Aquino ay ang pagtigil sa korup­syon at pagla­ban sa katiwalian.

Malaki sanang tulong si Cruz kung hindi lang siya nag-​inarte sa pagsabi ng "secret" tuwing tata­nun­gin siya na kung sino ang mga opisyal na ito.

Ano ba ang mapa­pala natin kung man­a­natil­ing ganito na lang ang isa sa mga masugid na kal­a­ban umano ng jueteng? Mag-​inarte sa media habang pat­u­loy na nag-​iisip ang taum­bayan sa kung sino ang mga walang-​hiyang opisyal na ito? Gusto ba niya tala­gang masugpo ang jueteng o maging laman na lang ng media?

Written by jhay

September 14th, 2010 at 6:59 pm

Posted in opinyon

Tagged with , ,