Julius Rocas

Karanasan, mga pananaw at kwentong buhay

Ang kakapal ng mukha nila!  

Ngayong nakal­abas na ng bansa ang malupit na bagy­ong Reming, mat­a­pos niyang magi­wan ng bakas ng pin­sala, at ang nakakalungkot na pagkawala ng mga inosen­teng buhay, sum­isikat na ng mali­wanag ang araw. Panalan­gin ang alay ko sa mga kamag-​anak ng mga nasawi sa kalami­dad at anu­mang tulong na maiaabot namin mula sa mga Lasalyanong boluntir.

Sa kasamaang palad, may isang bagyo o pwersa mas nakapip­in­sala at nakak­ag­im­bal ang nasa ating bansa. Bago pa man dumat­ing ang bagy­ong Reming ay nariyan na ang masama at kasuk­lam­suk­lam na pwer­sang tin­u­tukoy ko. Ito ay ang pwer­sa­hang gina­gawa ang halos lahat para lamang bagao ang ating Sali­gang Batas.

Ito ay mababasa sa edi­to­ryal ngayon ng Phil. Daily Inquirer. "By Hook or by crook" isas­alak­sak nila sa lala­mu­nan ng taum­bayan ang pag­babago ng Sali­gang Batas para lamang pagsil­bi­han ang kani­lang mga pansar­il­ing interes. Ngayon, hamakin man ako, ninanais kong silang mga trapo, bulok, kurakot at mga huk­lubang puli­tiko na lang sana ang nili­pad ng bagy­ong Reming. Inili­b­ing ng buhay sa putik, inanod sa pusod ng dagat o kaya ay hinam­pas ng mga naglili­parang yero o mis­mong buong bahay na nang sa ganon ay mawala ang isa sa mga malalak­ing prob­lema ng Pilipinas.

Ang mga bantay-​salakay na buwayang mam­ba­batas natin ay hin­in­tay lamang pala ang pagr­ere­tiro ni Chief Jus­tice Pan­gani­ban, sasaman­ta­lahin din nila pagkaa­bala ng taum­bayan sa pagha­handa sa darat­ing na pasko (kahit kakaunti o wala silang pang­handa) at ang paga­hon ng mga bik­tima ng bagy­ong Reming. At kapag nag­tagum­pay sila, magugu­lat na lang ang sam­bayanan, huli na ang lahat sapagkat nakon­sol­ida na ng mga elit­is­tang trapo ang kapang­yari­han ng gob­y­erno sa kani­lang mga poder, anak at kamag-​anak.

Nan­gu­nuna sa mga ito ang mga huk­lubang sina GMA at JDV. Kaya pala sila tahimik lang at halos walang imik ng pinagdede­bate­han sa Korte Suprema ang pekeng 'people's ini­tia­tive' ay sa dahi­lang may­roon silang reser­bang plano. Ngay­ong ibi­na­sura na nga ang pekeng 'people's ini­tia­tive' sila na mismo ang kumik­i­los nang sa ganoon ay wala ng maging aberya pa.

Mabilis silang kumik­i­los, kahit na gipit na sa oras ay nagha­habol pa rin sila. Hindi ba nakaka­pag­taka? Kapag mga ordi­nary­ong batas ay inaabot sila ng buwan o taon bago ito maipasa, pero ang pag­babago ng Sali­gang Batas na idi­ne­senyo nila para sarili nila ang mak­in­a­bang ay gagawin nila bago mat­a­pos ang sesyon ng Kon­greso o halos 4 na linggo lamang?

Nan­gangam­aba ako na sa sobrang pagkaa­bala ng mga tao sa darat­ing na pasko o ang labis na pananaghoy ng mga nabik­tima ng bagy­ong Reming ay makakalu­sot sa mata at kamay ng taum­bayan ang mga kaloko­han at kasaki­mang gagawin ng ating mga bulok at huk­lubang puli­tika kasama ng mga elit­is­tang kakuntsaba nila.

Ganoon pa man, isang babala ang nais kong iparat­ing sa mga kurakot na puli­tikong nag­susu­long ng CHA-​cha para lamang sa pansar­ili nila; sumu­so­bra na ang kaka­palan ng mukha ninyo, hindi maglalaon ay mapupuno na ang taum­bayan at kayo rin ang man­anagot sa ban­dang huli.

Written by jhay

December 2nd, 2006 at 7:33 am

Posted in opinyon,Pulitika

  • http://none karla

    hi to my friens