Ang mapanupil na Exam Permit

Exam permitSa wakas ay nat­a­pos na ang Pre-​lim exams sa paman­tasan. Nag-​aabang na lang ngayon ng resulta ng mga pag­susulit at lahat ay kinakaba­han, nanalan­gin na sana ay naka­pasa sa mga kin­uhang eksam.

Ngunit para sa iba, ngayon pa lang mag­sisim­ula ang kani­lang kalbaryo, ngayon pa lamang sila mag­susulit para sa Pre-​lims. Huli na sila ng isang linggo, yung iba ay deretso na sa kani­lang mga gawain, sila naman ay nagha­habol sa ibang mga guro, nagha­hanap ng bakan­teng oras sa gitna ng ibang gawain upang makakuha ng espesyal na pagsusulit.

Ito ang patakaran sa aming paman­tasan, lahat ng mga hindi nakakuha ng mga major exams sa kani­lang tak­dang iskedyul ay bibi­gyan ng mga espesyal na pag­susulit, isang linggo mat­a­pos ang reg­u­lar na bigayan. Ngunit mag­tatanong ang iba kung bakit hindi sila nakapag-​eksam.

Ang iba ay hindi nagek­sam dahil sa tina­mad, nag­gala, at iba pang mga mababaw at baluk­tot na katwiran. Yung iba naman, sinasadya dahil alam nilang mas madali ang 'spe­cial exam' kumpara sa reg­u­lar na eksam. Nakakalungkot hindi ba?

Nakakalungkot dahil yung iba naman, na may karami­han ay hindi nakakakuha ng mga exams dahil sa hindi sila bini­gyan ng exam­i­na­tion permit. Isang maliit na piraso ng papel na nagsasabing bayad ka na ng matrikula kaya pwede ka nang kumuha ng exam.

Hindi lahat ay isko­lar, at lalong hindi lahat ay may kakayanan na maka­pag­bayad ng matrikula na agad-​agaran, dahil para sa kanila, ang perang pam­abayad ay talan­gang hindi madal­ing malikom o kitain. Pero gagawin at hahamakin halos lahat, maka­pag­bayad lamang ng matrikula, nang sa ganoon ay maipag­pat­u­loy ang pakik­ibaka na makamit ang isang naka­pa­ha­la­gang pan­garap, ang maka­pag­ta­pos ng kole­hiyo. Bagay na sadyang maha­laga sa bawat pam­ilyang Pilipino.

Ang pan­garap na ito ay pino­pro­tek­ta­han sa pama­m­ag­i­tan ng ating kara­p­atan sa edukasyon, ano man ang antas ng iyong pamu­muhay at kakayanan. Pero ang nakakalungkot nga, hindi ganito ang nangya­yari. Lalo't-higit sa mga prib­adong pamantasan.

Pero teka, como ba nasa prib­adong paman­tasan ang isang mag-​aaral ay wala na o nababawasan ang kanyang kara­p­atan sa edukasyon? Matuwa sana ang mga kapwa ko mag-​aaral sa DLSUD dahil ayon sa ating Uni­ver­sity Stu­dent Coun­cil Constitution:

"No stu­dent shall be pro­hib­ited from taking any major exams because of unpaid accounts incurred during the semes­ter oth­er­wise the uni­ver­sity has the right to with­old the release of issuance of such stu­dent records or doc­u­ments until unpaid accounts are set­tled." Arti­cle III, Sec­tion 1, e.

Mali­naw na kahit hindi bayad ang buong matrikula ng isang estudyante ay pwede pa rin siyang kumuha ng major exam para sa Pre-​lim at Mid-​terms. Ngunit ang kato­to­hanan ngayon ay kahit Pre-​lims pa lang ay kailan­gan mo nang mag­bayad ng 40% (50% na raw ayon sa mga pinakabagong bulung-​bulungan sa campus) upang ikaw ay mabi­gyan ng Exam permit na siya namang magsasabi na pwede ka nang kumuha ng major exams.

Dahil hindi lahat ay nakak­abayad ng nasa tak­dang oras, marami ang hindi nabibi­gyan ng permit at hindi nakakakuha ng mga exams.

Ano na ang nang­yari sa ating kara­p­atang binang­git ko kanina? Ito ba ay inalis na sa bagong bersyon ng USC Con­sti­tu­tion? Ito ba ay nakalimu­tan na? O ito ba ay sadyang hindi igi­na­galang ng administrasyon?

Sana naman ay hindi, dahil natatan­daan kong kaya nalikha ang Paman­tasang De La Salle, ay upang magkaloob ng edukasyon para sa lahat, lalo na sa mga mahihirap.

This entry was posted in Daily Dose, kwentong eskwela, opinyon and tagged , , , . Bookmark the permalink.

4 Responses to Ang mapanupil na Exam Permit

  1. Arbet says:

    Hindi yata bind­ing para sa paar­alan ang USC Con­sti­tu­tion...

  2. jhay says:

    Kung gayon ay para saan pa ang pag­pa­pairal nito?
    Isa na namang nakakalungkot na kala­gayan sa aming paman­tasan.

  3. Arbet says:

    Sa wikang Ingles - lip ser­vice.

    Ang USC Con­sti­tu­tion ay para sa inyong mga mag-​aaral, ngunit hindi nito saklaw kung ano man ang naisin ng inyong paman­tasan.

    Mas masak­lap pa nga kung tutu­usin ang kala­gayan ng mga mag-​aaral sa mga prib­ado at sec­u­lar na paman­tasan at dalub­hasaan.

  4. jhay says:

    Marahil ay tama ka, pag-​aaralan namin ito sa USC at gagawan ng karam­patang aksyon.

    Aba'y para saan pa at nagka­roon ng gani­tong pro­bisyon sa Kon­sti­tusyon kung lim­i­tado ang saklaw at wala itong ngipin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>