Julius Rocas

Karanasan, mga pananaw at kwentong buhay

Ang Taumbayan hindi ang Simbahan  

Nakapukaw ng aking interes ang blog post ni Ederic ngayon, "EDSA 2: isang "pagkaka­mali" ng simbahan?"

Ito ay bunga ng reaksyon niya sa doku­men­tong isin­u­lat ni Fr. Sid T. Mari­nay, na ini­l­abas kamakailan ng Arch­dio­cese of Manila. Ang “The Con­tem­po­rary Brand of Polit­i­cal Activism of the Catholic Bish­ops’ Con­fer­ence of the Philip­pines (CBCP): Strength­en­ing Polit­i­cal Struc­tures to Solve and Pre­vent Polit­i­cal Crises

Ayon sa pagkakahi­may ni Ederic, tila ipina­pal­abas ni Fr. Mari­nay na ang EDSA 2 ay isang "pagkaka­mali" ng sim­ba­han sa dahi­lang hindi dapat ito nangin­gialam sa buhay puli­tika ng bansa. Nakabase ito sa dok­tri­nang hiwalay ang estado at ang simbahan.

Sang ayon ako kay Ederic nang sabi­hin niyang:

Hindi ko maintindi­han kung paanong ang pakiki­isa ng Sim­ba­han sa mga kilos-​protesta laban sa kati­walian — sa mga kade­mony­ohan ng ating mga lider — ay magig­ing isyu ng pagkakahi­walay ng Sim­ba­han at Estado. Sa tingin ko, kung sinasama­han o pina­mu­munuan lamang ng Sim­ba­han ang mga kasapi nito sa pagsasabuhay ng kara­p­atan nilang humingi ng isang mabuti at makatarun­gang pamama­hala, sakop ito ng Bill of Rights ng ating Sali­gang Batas. Ang masama ay kung tuwirang didik­ta­han ng Sim­ba­han ang pan­gulo na ipatu­pad sa gob­y­erno ang mga utos ng Simbahan.

Tama rin naman si Fr. Mari­nay na hindi dapat magdikta ang sim­ba­han sa kung paano pap­atak­buhin ang ating gob­y­erno dahil hindi naman ito ang bokasyon nito, pero tungkulin ng sim­ba­han na ipaalala at umalalay sa mga tao tuwing kumik­i­los sila para itaguyod ang anu­mang matuwid, demokratiko at makatwiran.

Sa gani­tong punto, hindi na ang sim­ba­han ang nagsasabi sa kung ano ang gagawin sapagkat nagawa na nila ang kani­lang tungkulin, iyon ay ang ipaalala sa mga tao na may­roon silang dapat gawin. Ang mga susunod na hak­bang ay dapat ipaubaya na sa taum­bayan dahil sa kanila nag­mu­mula ang kapang­yari­han ng estado at gob­y­erno, ika nga sa Latin, "vox populi, vox dei" at ito ang esenya ng demokrasya.

Kung hindi man sang-​ayon ang pamunuan ng sim­ba­han sa mga gagawin ng taum­bayan, ay huwag sanang mag-​inarte o maba­hala ito, dahil ang mga tao ang sim­ba­han na siya namang bumubuo sa katawan ng Maykapal.

Tungkol naman sa EDSA 2 o anu­mang direk­tang pagk­i­los ng taum­bayan, hihi­ramin ko muli ang sin­u­lat ni Fr Marinay;

The cur­rent direc­tion of the CBCP to strengthen polit­i­cal insti­tu­tions to solve and pre­vent polit­i­cal crises is a kind of a cor­rec­tive mea­sure of EDSA II which weak­ened polit­i­cal insti­tu­tion in the sense that it did not wait for the ver­dict of the Senator-​Judges in the impeach­ment case against Pres. Estrada. It did not respect the rule of law. It did not give the duly insti­tuted polit­i­cal insti­tu­tion a chance to assert itself and prove its strength to handle such a polit­i­cal tur­moil. For this reason, the CBCP did not men­tion EDSA II, for it did not help strengthen our polit­i­cal insti­tu­tions. The par­lia­ment of the streets, also known as mob rule instru­men­tal in the ouster of Erap Estrada was a short­cut to achieve polit­i­cal change. It was coun­ter­pro­duc­tive, for it weak­ened our polit­i­cal structures.

Muli sang-​ayon ako kay Ederic na hindi dahil nagka­mali si Gloria Macapagal-​Arroyo ay kamalian na rin ang EDSA 2. Hindi ang EDSA 2 ang nag­pahina sa mga insti­tusy­ong pam­puli­tikal kung hindi ang mga kurakot at tray­dor na opisyales na nag­pa­p­atakbo sa mga ito, at nan­gun­guna si GMA.

Nakakalungkot na umabot sa gani­tong punto na ang CBCP mismo ang tata­likod sa diwa ng EDSA. Tiyak akong naghuhu­mi­lag­pos ang yumaong Car­di­nal Sin saan man siya naroon ngayon sa gina­gawa ng mga kasama niyang Obispo’t taong simbahan.

Ang hindi masyadong napag-​uusapan noon at hindi rin bini­gyang pansin ni Fr Mari­nay ngayon ay kung paanong napahina din ng Admin­is­trasy­ong Arroyo ang CBCP bilang insti­tusy­ong matatk­buhan ng taum­bayan sa pana­hon na wala silang ibang matatak­buhan upang ipagla­ban kung ano ang narara­pat at wasto. Paano? Sa pama­m­ag­i­tan ng mga envelopes na kumalat sa mga kasapi ng CBCP.

Sa gani­tong punto, hindi na lamang ang mga “polit­i­cal insti­tu­tions” ang mahina ngayon, ang lipunang Pilipino, kasama ang Simaba­hang Kato­liko sa ngayon, ay bulok na at mala­pit nang mapalitan.

Written by jhay

June 16th, 2008 at 10:55 pm