Ano ang gagawin ko sa Pasko?

Noong maliit na bata pa ako, inaa­ban­gan ko ang Pasko, dahil nakakatang­gap ako ng mga regalo mula sa aking mga mag­u­lang, kamag-​anak, mga ninong at ninang. Paki­ram­dam ko ba ay napaka-​espesyal ko tuwing araw ng Pasko.

Bagong damit, sap­atos, laruan at malu­lu­tong na perang papel, yung mga tig-​sasampung piso at beinte pesos, ang nagha­hatid ng ngiti sa akin.

Ang paborito ko sa lahat ay ang mga bagong LEGO sets na natatang­gap ko mula sa mga ninong ko as Amerika. Halos maubos ang maghapon ko sa kakalaro ng mga LEGO, ito ang paborito kong laruan.

Yun lang, sa pagli­pas ng pana­hon, nawala ang mga LEGO, nawala ang mga pamasko, ako na ang bumibili ng bagong damit at sap­atos para sa akin at ngayon, ako na rin ang hina­hanap at inaa­ban­gan ng dalawa kong inaanak.

Sadyang para sa mga bata lang ang Pasko. haiz....

Pero hindi ito dahi­lan para tuluyang malungkot at mag­mukmok. May mga bagay na pwede pa ring gawin sa edad kong ito para kahit papaano ay sumaya rin ngay­ong Pasko.

Ini­isip kong kamus­tahin ang mga kabarkada ko noong hayskul o kaya ang mga kasama­han ko sa Sining Bayan. At dahil pare-​pareho kaming hindi na bata para mamasko, sama-​sama kaming mag­didi­wang at magsasaya sa paraang alam namin at bagay sa amin(g edad)....hehehehe

Ipag­pa­p­at­u­loy...

Tags: ,

Share thy love

0 Comments so far

Trackback URI | Follow up comments through RSS Feed | Post a comment

You are the first one to start the discussion.

Leave a Comment

You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>