Ano ang plano nyo sa sembreak?

Isang linggo na lang at tapos na ang unang semes­tre. Akalain mo iyon? Nakali­pas na ang isang semes­tre ng ganoon-​ganoon na lang? Pero ganoon na nga lang ba talaga?

Kakaiba ang semes­tre na ito. Bukod sa mga malak­ing pag­babago sa buhay-​estudyante ko, ang daming mga bagay na nang­yari sa labas ng paman­tasan na lub­hang nakaapekto sa loob.

Nariyan ang mga kag­u­luhang nang­yari sa puli­tika at ekonomiya at ang pinkahuli ay ang pin­sala at tra­hedyang idin­u­lot ng magka­sunod na bagy­ong Ondoy at Pepeng.

Mat­a­pos ang lahat-​lahat, pala­gay ko ay dapat sulitin ang darat­ing na sem­break. Dahil sa pagbabalik-​eskwela sa ikawalang semes­tre, sa pala­gay ko ay mas magig­ing abala at lahat dahi­lan sa mga pani­bagong hamon at mga gawain sa paman­tasan. Shempre, lalong magig­ing mabi­gat ang mga bagay-​bagay dahil sa mas maiksi at mas mabilis na takbo ng pana­hon tuwing 2nd semester.

Para sa sem­break, balak kong basahin ang mag librong nabili ko noong Agosot pa, pero hindi ko pa nasisim­u­lan kahit isa. At dahil dito, sisim­u­lan ko din ang bago kong blog na mata­gal ko nang pinag­pa­planuhan at bin­a­balak na gawin. Bukod dito, balak ko din na mamalagi, hangga't posi­ble, sa bahay. Para naman maka­pag­pahinga at sana, hari-​nawa, ay magka­roon ng kahit kaunt­ing dagdag tim­bang. :D

Shempre, hindi mawawala ang pag­tam­bay kasama ng mga kaibi­gan ko dito sa Silang, pero dapat ay maging mahi­na­hon dahil dapat sulitin ang sem­break para makapagpahinga.

Pero sa kutob ko ay hindi ko malu­lu­bos ang sem­break para maka­pag­pahinga. May mga ilang bagay na kailan­gang pag­tu­u­nan ng pansin at ito ang kakain ng mga oras at araw ng akin sem­break. Nariyan ang pagig­ing SERVE Vol­un­teer, pinuno ng SENTRO, pasimuno muli sa Sining Bayan at shempre sa pagig­ing blogger.

Gaano man kaiksi o kahaba, mabuti nang may sem­break kaysa sa wala.

Tags: ,

Share thy love

4 Comments so far

Trackback URI | Follow up comments through RSS Feed | Post a comment

Leave a Comment

You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>