Julius Rocas

Karanasan, mga pananaw at kwentong buhay

Bagong oras ng pagtulog?  

Ngayong sem­break at walang pasok ay maghapon ako sa bahay. Walang ibang gagawin kung hindi ang umupo sa harap ng kompyuter at mag­basa nang mag­basa ng mga blogs, maghanap ng mga mp3, mag­basa ng mga balita at mang-​away ng mga tao sa forums. (Biro lang, ;) )

Shempre hindi talaga maghapon akong nakababad sa harap ng kompyuter. Pap­atayin ako ng nanay ko kapag ganoon. Nag­pa­pahinga rin kaming dalawa ng kompyuter ko. Lalo na kapag hapon at mainit na sa kwarto ko dahil nakatu­tok na ang sikat ng araw. Para bang pugon ang aking kwarto sa init.

Hindi ko kayang tii­isin ang init at wala naman akong air­con­di­tioner. Higit sa lahat ay ayaw kong maso­bra­han sa init ang kompyuter ko kaya pina­p­atay ko ito at lumal­abas ako ng kwarto para malami­gan. Nanonood ako ng telebisyon sa ibaba o kaya sa kwarto ng mga mag­u­lang ko kung saan malamig. Iyun ay kung bakante ang mga lugar na iyon.

Kung hindi, ay nag­babasa ako ng libro. Sa aking pag­babasa, hindi ko talaga mai­wasang antukin, hindi dahil sa nakakaan­tok ang bin­abasa ko, marahil dahil sa iti­nanim ko sa aking isipan na ngay­ong sem­break ay babawi ako sa tulog. Yung oras na sana ay nasa paman­tasan ako ay ilalaan ko sa dalawang gawain ngay­ong nasa bahay lang ako. Ang mag­in­ter­net mula umaga hang­gang tang­hali at sa hapon naman ay mat­u­log. Para maka­pag­pahinga at kahit pano ay tumaba naman daw ako. Ganoon din ang gagawin ko sa gabi. Hindi na ako masyad­ing mag­pupuyat ngay­ong sem­break. Mga alas-​onse o 11pm ay matu­tu­log na ako.

Sana lang ay matu­pad ko ang mga munt­ing planong ito na humi­hingi sa akin ng kakaibang antas ng pagkon­trol o disi­plina sa sarili. Kakayanin ko kaya?

Written by jhay

October 18th, 2006 at 10:21 pm