Isang buwang ulan ang katumbas ng ulan na ibinuhos ng bagyong Ondoy sa Maynila sa loob lamang ng 6 na oras nitong nakaraang Sabado. Kung kaya naman mahigit 70 katao ang namatay at halos 300,000 pamilya ang nagsilikas mula sa kanilang mga tahanan.
Milyun-milyong piso ang halaga ng mga pinsala sa mga ari-arian at sari-sari pang suliranin ang idinulot ng bagyong Ondoy. Samantalang nangyari lahat ng ito sa loob lamang ng 6 na oras. Minsan nga ay magtataka ka kung bakit hindi tinawag na "super typhoon" si Ondoy samantalang pwede mong ihambing sa Milenyo ang pinsalang naidulot nito.
Sa aking palagay ay simple lang, bunga ito ng nagbabagong klima sa ating planeta na dulot ng pag-init ng mundo o global warming. Kung saan ang mas mainit na mga karagatan ay nakakapaglikha ng mga maliliit na bagyo pero may mga matinding ulan na baon.
Kaya kung sino man ang nagdududang totoo ang "climate change" ay dapat sanang nahagupit o kaya ay inanod ng bahang idinulot ni Ondoy.







my friends in Philippines were also victimized by the flooding caused by Typhoon Ondoy. i just hope that you guys could recover soon from this natural disaster. `
Kawawa talaga yung mga nabiktima ng Typhoon Ondoy, buti na lang at medyo naka-recover na tayo ngayon. ~