Julius Rocas

Karanasan, mga pananaw at kwentong buhay

Archive for the ‘adbokasiya’ Category

Car shows are conventions for Air polluters

without comments

Aaminin ko na mahilig ako sa mga sports cars, pan­garap ko ang mak­a­bili ng isang Fer­rari F430, pero dahil ubod ng mahal ang kot­seng ito at madaming lubak at humps sa kalsada ng Pilip­inas, hang­gang pan­garap na lang siguro ito. :P

Pero nana­natil­ing buhay ang pagkahilig ko sa mga mag­a­garang sasakyan, bumibili ako ng mga mag­a­zines noon, madami din ang akong laro sa PC na tungkol sa mga kotse at karera tulad ng For­mula 1, Need for Speed at GTA. Bumili pa nga ako ng isang MOMO Racing Wheel na gawa ng Log­itech para kahit man lang sa mga com­puter games ay nararanasan ko ang paki­ram­dam ng mag­maneho at maki­apg unahan kasama ang mga kampyon na sina Michael Schu­macher at Mikka Hakkinen.

Hindi lang sa pan­garap bagkos ganoon din sa mga real­i­dad ko, sa uri ng aking mga gawain sa loob at labas ng DLSUD, kung saan-​saan ako nakakarat­ing. Tuwing mai­im­bita­han ako na maging ispiker o taga­pagsanay sa mga pal­i­han o train­ing work­shops, mga con­ven­tions, mga sem­i­nars at sim­pleng paglilibang, madaming nagsasabi na kailan­gan ko ng sar­il­ing sasakyan para maging maal­wan para sa aking sarili.

Pero hindi, mas gusto ko, mas sanay ako na mag­byahe sa pama­m­ag­i­tan ng pam­pub­likong sasakyan. Mas tipid ngayon kaysa sa pag­ma­maneho ng sar­il­ing sasakyan dahil sa ubod ng mahal ng gasolina at krudo. Mas magaan sa paki­ram­dam dahil pwede akong mat­u­log, mag­text at makinig ng tug­tu­gin habang nasa byahe nang walang pag-​aalinlangan dahil hindi naman ako ang nagmamaneho.

Pero ang isa sa mga malak­ing dahi­lan kung bakit kun­tento ako sa pagig­ing bya­hero at hindi nag­ma­maneho ay dahil sa isa sa aking mga adbokasiya ang pan­gan­galaga sa kalikasan. Sa pana­hon natin ngayon na lumala ang sit­wasyon dahi­lan sa global warm­ing, gina­gawa ko ang lahat ng aking makakaya, sa per­sonal na kapasi­dad, upang mak­abawas sa poluyson.

Aminin natin na tayong mga tao lamang ang nakaka­likha ng polusyon kaya sa atin lamang pwe­deng isisi ang pagkasira ng kalikasan. Nakakita ka na ba ng mga hayop na gumawa ng pabrika para makakuha ng pagkain nila?

Maba­lik ako, ano ang koneksyon ng pan­gan­galaga ko sa kalikasan at pagig­ing kon­tento sa pagig­ing bya­hero imbis na bumili ng sar­il­ing sasakyan? Narito ang sagot:

The impor­tant sources of atmos­pheric pol­lu­tion on a global or regional scale are:

1. Auto­mo­biles. Accord­ing to the U.S. Envi­ron­men­tal Pro­tec­tion Agency (EPA), dri­ving a car is the single most pol­lut­ing thing that most of us do. Motor vehi­cles emit mil­lions of tons of pol­lu­tants into the air each year. In many urban areas, motor vehi­cles are the single largest con­trib­u­tor to ground-​level ozone, a major com­po­nent of smog.

The pri­mary pol­lu­tants pro­duced by auto­mo­biles are:
1. Hydro­car­bons. They come from the evap­o­ra­tion of fuel, espe­cially on hot days, leak­ing fluids, and during refu­el­ing at gas sta­tions.
2. Nitro­gen oxides. Pro­duced by high heat during the burn­ing of fuel.
3. Carbon monox­ide. Pro­duced by the incom­plete burn­ing of fuel.

Modern auto­mo­biles pol­lute much less than older models thanks to emis­sion con­trols includ­ing cat­alytic con­vert­ers. But the number of cars is so large, and they are driven so much, they are still major sources of pol­lu­tion. (source)

Kitams? Malak­ing kasalanan para kay Inang Kalikasan ang paggamit ng sar­il­ing sasakyan ngayon. Pero dahil hindi mai­wasan, minu­mungkahi ko na mag car­pool o magsama-​sama sa isang sasakyan kung meron ang isa sa mga kasama nyo. May polusyon pa rin dahil sa sasakyan pero nabawasan dahil isang sasakyan lang ang dala niyo, sa halip na tag-​iisa kayong lahat na magkak­abarkada o grupo.

Sa bayan nga ng Silang kung saan ako lumaki, umuso ang mga scooter o motor na pam­bi­nata. Guma­gas­tos sila ng malaki para maging "maporma" ang kani­lang motor. May mga ilaw, malakas na soundsys­tem, magara ang pin­tura, pero ang resulta ay ingay at polusyon. Saga­bal pa nga sa mga pru­sisyon at parada dahil nakakai­nis na usok at ingay lamang ang kani­lang nalilikha. Ubod pa ng yabang ang karami­han sa mga ito, nagka­roon lamang ng motor ay akala mo kung sinong may maha­la­gang gina­gawa sa lipunan, tambay lang naman pala ang iba. (Pas­intabi po)

Ganoon din sa mga kotse o sasakyan na apat ang gulong. Totoong maporma at mag­a­rang tingnan, pero sa ban­dang huli, ano ang epekto nito sa ating kapali­gi­ran? Sa ating mga kapwa tao at ibang nilalang?

Kaya kung mapa­pansin nyo, noong eleksyon sa DLSUD, hindi kami kumukuha ng mga sasakyan at nag­mo­mo­tor­cade. Bukod sa wala kaming pondo para sa gasolina, Ingay at polusyon lamang naman ang nililikha nito, dagdag dito, nagig­ing maya­bang kami sa mata ng mga nakararam­ing estudyante na ang ini­isip ay nang-​iinggit lamang kami sa tuwing may sasakyan kami. Tapos hiram lang pala ang mga sasakyan, kaya sino ang niloko namin? (Muli, pasintabi)

Ngayon, kung ang isang sasakyan at pag­ma­maneho nito ay isa sa mga pinaka-​malakas sa polusyon, ano pa kaya kung magsama-​sama ang mga ito sa isang car show o convention?

Sa tingin ng mga may malasakit sa kalikasan ito ay con­ven­tion ng mga air polluters

Written by jhay

June 14th, 2008 at 8:55 am

Ang martsa para mag-apila sa Korte Suprema

without comments

Kabado kaming dalawa ng aking kasama dahil alas-​otso na ng umaga ay nasa Bacoor, Kabite pa rin kami. Akala ko nga, kaya matindi ang trapik ay may­roong mga check­points muli sa kahabaan ng Aguinaldo Hi-​way. Hina­hanap muli kaming mga taga De La Salle Das­mari­nas upang harangin at pig­i­lang maka­punta sa Adam­son Uni­ver­sity kung saan magtatagpo-​tagpo ang mga grupo, estudyante, reli­hiyoso at iba pa na sasama sa mga Senador na magsasampa ng kani­lang apila sa desisyon ng Korte Suprema sa petisyon ni Romulo Neri patungkol sa "exec­u­tive privilege."

Pero bakit ba kailan­gan kami o kahit sino pa mang papunta sa pagti­tipong iyon ay harangin. Hindi naman iyon rali, maglalakad lang naman mula Adam­son Uni­ver­sity hang­gang Korte Suprema, mag­susum­ite ng apila sina Sen. Alan Peter Cayetano at Nonoy Aguino at ayun, tapos na. Uuwi na kami.

At ganoon nga ang nang­yari. Mala­pit nang mag alas-10 ng umaga nang makarat­ing kaming dalawa sa Adam­son Uni­ver­sity. Akala nga namin ay nakaalis na sila papun­tang Padre Faura kung saan naroon ang Korte Suprema. Nakala­gay kasi sa imbita­syon na natang­gap ko mula sa Lasal­lian Jus­tice and Peace Com­mis­sion ay ala-8 ng umaga ang pagti­tipon at maa­gang pupunta ng Korte Suprema.

Mabait talaga ang Diyos sa mga naninindi­gan para sa kato­to­hanan dahil sakto lamang ang aming dating. Nagkatipon-​tipon na ang mga taga suporta at mga nag­ma­malasakit na grupo at handa nang maglakad papun­tang Korte Suprema.

Hindi naman sobra ng dami ang mga taong naroon. Sa aking pag­taya, humigit kumu­lang 300-500 katao ang nagtipon-​tipon roon kan­i­nang umaga.

More LasalliansTeam La Salle

Kaya madali naming nakita ang mga kasama­han naming Lasalyano mula sa De La Salle Manila, La Salle Provin­cialate at Col­lege of St Benilde, na kumpleto pa sa mga dalang para­pel­nalya at mga tar­pau­lin na naglala­man ng mga tema, saloobin at men­sahe para sa okasy­ong ito.

Strong messagesTama na! Itama na!

Bukod sa mga pam­il­yar nang mukha mula sa De La Salle, naroona ng mga bigat­ing tao sa hanay ng pagha­hanap para sa kato­to­hanan sa likod ng NBN scan­dal. Naroon ang batikang aktor na si Pen Medina, ang taga­pagsalita ng UNO na si Adel Tamano, Sen. Alan Peter Cayetano, Sen Benigno "Noynoy" Aquino III at shempre si Jun Lozada.

Adel TamanoJun Lozada & Pen Medina

Nakasama rin namin sina Con­gress­woman Riza Hon­tiveros Baraquel, Fr. Joe Dizon at Bro Armin Luistro, FSC.

Congresswoman Riza Hontiveros BaraquelBro Armin Luistro, FSC & Fr Joe Dizon

Ban­dang 10:30 ng umaga ay nagsim­ula na kaming humanay, dalhin ang mga para­pel­nalya at maglakad papun­tang Korte Suprema.

March towards the SupremesTama na! Itama na!

Habang nasa daan at nasisikatan ng init ng araw, masigla, masaya at puno ng pag-​asa ang bawat isa habang naglalakad. Dahil sa paligid namin, sa mga bangketa ng Manila, madaming mga tao ang kahit naa­bala ng mabi­gat na trapiko ay hindi nagsalita ng masama laban sa amin. Ang iba pa nga ay nakik­isabay din sa aming mga hiyaw at pananawa­gan. Totoong buong bansa ay gusto nang mala­man ang kato­to­hanan. Ang tang­ing paraan sa ngayon ay magsalita si Neri sa mga imbesti­gasyon ng Senado.

Marahil kaya hindi masyadong nagalit o nai­i­nis ang mga taong nasa paligid ay dahil sa tama, wasto, ligal at mapayapa ang aming pagk­i­los. Ito ay tama at wasto dahil ang paninindi­gan sa kato­to­hanan ay sadyang dak­i­lang bagay. Ito ay ligal at mapayapa dahil hindi kami nagtipon doon para mag-​rali, nagtipon-​tipon kami doon para sama-​samang ipakita ang aming suporta sa mga tama, ligal at demokratikong pros­eso para maresolba ang mga isyung kat­u­lad nito.

Pero may isang malak­ing babala. Tulad ng ilang panawa­gan ng mga aming mga kasama­han mula sa UMDJ, kung dadayain ang pros­esong ito, humanda talaga sila sa pwersa ng taum­bayan. Sa ban­dang huli, maa­gang nat­a­pos ang pagti­tipon dahil maayos namang na-​isumite nina Sen Cayetano at Sen Aquino III ang apila ng Senado sa Neri vs Senate Committees.

At para sa pag­wawakas, narito ang isang video ng mga pangya­yari mat­a­pos ngang ma-​isumite sa Korte Suprema ang apila ng Senado:

Ayon sa huling balita, April 15 pag-​didiskusyunan ng Korte Suprema ang api­lang ito ng Senado. Hang­gang sa araw na iyon mula ngayon, ang mata ng taum­bayan ay muli ngay­ong nakatitig sa Korte Suprema. Nawa'y pag­palain sila ng Maylikha.

Written by jhay

April 8th, 2008 at 11:27 pm

Posted in adbokasiya

Tagged with , , ,

Talumpati ng Ina ni Cris Mendez+

with one comment

Maik­ling Talumpati ng ina ni Cris Mendez sa National Con­fer­ence to Stop Hazing na iti­naguyod ng Sol­i­dar­ity for Anti-​Hazing Via Edu­ca­tion (SAVE) at UP Student-​Led Anti-​Hazing WAtch (UP SAWA)

Mag­a­n­dang umaga po sa inyong lahat.

Ilang linggo lang po ang nakakaraan ay nag­tagum­pay kaming buksan ang mga e-mails na natang­gap ng aking anak na si Cris Mendez bago siya pumanaw noong August 27, 2007.

Isa po sa mga huling e-mails na natang­gap niya ay may pet­sang August 22, 2007 na ang title ay “Sigma Rho Tenets.” Galing po ito sa isang nag­n­gan­galang “JJ Ocana” na sinabi niya sa anak ko na mem­o­ryahin daw ng anak ko ang mga tenets ng Sigma Rho at idin­ug­tong niya na “see you on sat­ur­day. we are look­ing for­ward to having you as a brod.”

Doon po sa ipinadala ni Jj Ocana na Sigma Rho Tenets ay kasama yung mga sinasabi niyang “Codes of Action of a Sigma Rhoan.” Ang pinaka-​number one po sa mga Codes of Action na ito ay ganito ang sinasabi: “To stand by the side of any brother Sigma Rhoan right or wrong.”

Kahit nak­a­gawa ng mali, kakampi­han pa rin nila ang brod nila. Kahit gumawa ng krimen, o pumatay ng tao, pag­tatak­pan pa rin nila ang brod nila. Walang kwenta sa kanila ang Diyos. Ang batas ay bale-​wala rin. Kahit bulong ng kon­sen­sya nila ay di pinapansin.

Mag-​aapat na buwan na po mula ng saktan at kitilin nila ang buhay ng kaawa-​awa kong anak. Ang napak­abait kong anak. Kami po ay isang mahi­rap na pam­ilya lamang at ako po ay umabot lamang sa high school. Wala po akong gaanong alam sa mga fra­ter­ni­ties at ang kani­lang mga ritwal. Ang alam ko lamang po ay ang itin­uro sa akin ng aking mga mag­u­lang na itin­uro ko rin kay Cris at sa bunso niyang kap­atid na si Renz. Ito ay ang magka­roon ng takot sa Diyos. Ang pag­gawa ng tama. Ang pag­mama­hal sa kapwa. Ang pagharap sa respon­si­bil­i­dad at pag­galang sa batas. At ang paghingi ng tawad sa kapwa pag nak­a­gawa ng mali.

Kung ito lamang po sana ang tenets ng mga fra­ter­ni­ties hindi po siguro nang­yari ang nang­yari sa aking anak.

Sala­mat po.

Note: JJ Ocana is a sopho­more law stu­dent, and was a USC coun­cilor maybe 2 terms ago.

Tahasang kinopya mula AWBHoldings

Written by jhay

December 18th, 2007 at 11:48 am

Posted in adbokasiya,karapatang pantao

Tagged with , , , ,

Paggunita sa ika-35 taon anibersaryo ng Martial Law

with 11 comments

35 taon na ang nakali­pas mula nang idineklara ng dik­tadu­rang Marcos ang Batas Mil­i­tar o Mar­tial Law sa Pilip­inas upang sug­puin ang mga pwer­sang nais mag­pabagsak sa pasis­tang si Fer­di­nand Marcos at wakasan ang pag­pa­pahi­rap sa mama­mayang Pilipino.

Dahil sa Batas Mil­i­tar, daan-​daan ang nabi­langgo, tinortyur, pinaslang, at nala­pas­tan­gan ang mga kara­p­atang sibil at pang­tao. 35 taon na ang nakali­pas ngunit tila walang pinagkaiba ang pana­hong kasalukuyan. Halos 900 kaso na ng paglabag sa kara­p­atang pantao, mga pinaslang na mamama­hayag, mga aktibista, mga estudyante at lider-​manggagawa ang hang­gang sa ngayon ay nawawala.

Pat­u­loy pa rin ang giyera sa Min­danao kung saan libu-​libong mga Muslim ang naghi­hi­rap. Hang­gang sa ngayon, ang mga bik­tima ng pang-​aabuso ng pasis­tang rehi­meng Marcos ay pat­u­loy na nagha­hanap ng hus­tisya. Mas nakakalungkot pa nito'y ang mga tulad nilang bik­tima ng gara­palang pang-​aabuso sa kara­p­atang pantao ay nadadagda­gan pa.

May mga nagsasabi na hindi naman buma­lik ang pana­hon ng Mar­tial Law, tama sila, sapagkat wala namang deklarasyon mula sa pekeng pan­gulo na nagsasabi nga ng ganito. Ngunit, sa istilo ng paggamit sa kinamkam na kapang­yari­han, sa mga polisiya at batas na ipinasa ng admin­is­trasy­ong Arroyo, hindi na nga kailan­gan ng deklarasyon ng Batas Mil­i­tar, dahil sa kabu­uang epekto ng mga ito, wala nang pinagkaiba ang kala­gayan ng bansa 35 limang taon na ang nakalipas.

Nariyan ang EO 464, PD 1017, "No Permit, No rally", ang mga polit­i­cal har­ras­ment sa mga pro­gre­sibo at maka-​kaliwang mam­ba­batas, at ngayon ang huling ele­mento sa pag­si­sis­tem­a­tisa ng 'Mar­tial Rule' ang Human Secu­rity Act of 2007 o ang Anti-​Terrorism Law. Kung buhay si Marcos ngayon, sa aking pala­gay ay mama­mangha siya sa nagawa ni GMA. "Small but ter­ror­ist, ter­ri­ble" ika nga.

Kaya nga kahit 35 limang taon na ang nakali­pas, hindi lamang ang mga mapangabu­song gawain ni Marcos ang nabibi­gyan ng buhay at nanunum­ba­lik sa ating mga alaala. Kung hindi, ang mga pagk­i­los na ginawa ng mga mang­ga­gawa, mar­alita, kabataan, layko at reli­hiyoso at lahat ng lum­a­ban sa dik­tadura at pasis­tang rehi­men ni Marcos.

Par­tiku­lar dito ang isang men­sahe at talumpati ng isa sa mga tanyag na lider-​manggagawa na buong tapang, lakas, at tal­i­nong lum­a­ban sa dik­ta­dor, at sa huli'y buhay niya ang naging kapalit. Ang tin­u­tukoy ko ay ang men­sahe ni Felixberto Olalia, Sr. sa huling araw ng kanyang huling araw ng pag-​aayuno sa Plaza Roma noong ika-4 ng Disyem­bre, 1983. Mula ito sa librong "20 Speeches that Moved a Nation" - mga koleksyon ng mga talumpat­ing naglalarawan ng maku­lay na kasaysayan ng Pilip­inas at ang maya­mang tradisyon ng mga Pilipino sa pakikipag­talumpati - ni Manuel Quezon III, o MLQ3.

Sa kanyang talumpati o men­sahe na pina­mata­gang "Men­sahe sa Limang-​araw na Pag-​aayuno Para sa Pag­pa­palaya ng Lahat ng Detenidong Lider-​manggagawa at iba pang Bilang­gong Poli­tikal" gin­unita niya ang tula ng isang rebo­lusyu­naryo, ni Mano de Ver­dades Posadas upang isalarawan ang kala­gayan ng Pilip­inas noong pana­hon ng Batas Mil­i­tar, isang malaki at malawak na bartolina:

Gapos sa kamay, piring sa mata;
Suntok, bayo, tadyak, sampal,
Iniksyon, kuryente, hipo, sakal,
Plantsa, pang­gugutom,
pang­ga­ga­hasa.
Buhos ng tubig o paso ng sigar­i­lyo;
At pagkat­a­pos ay ilan­taong
pagkaku­long
Nang walang paglili­tis o
wala man lang kaso.
Ganito ang pinai­iral na kala­gayan
Sa bar­tolina ng piitang kapuluan.

Sa ban­dang huli ng kanyang men­sahe, kung saan hin­imok niya ang mga mama­mayan na kumi­los at lum­a­ban muli niyang gin­unita ang isa pang tula, muli ni Mano de Ver­dades Posadas:

Ang pagkakapiit
Sa halos pusikit
Na karim­lan
Ay di dhilan
Upang tayo'y
Sa kababaan ng kisame
Huwag na tayong dumapa
Sa malamig na sahig;
Sa kali­itan ng silid,
Huwag na tayong sumik­sik
Sa suok at humalukip­kip.
Ang pagkaku­long
Sa pana­hong
Wari'y di matat­a­pos
Ay di dapat makau­pos
Sa ating pagk­i­los
Tungo sa paghu­lag­pos
Upang lalong makakilos.

Maku­lay, makubu­luhan at hang­gang sa ngayon ay nana­natil­ing tumpak sa ating kasalukuyang kala­gayan ang mga tulang ito, kahit na 35 taon na ang nakali­pas. Hang­gang kailan pa kaya ito mag­tata­gal? Hang­gang kailan pa natin ito hahayaan? Kapag tayo o ang ating mga mahal sa buhay ay bigla na lang rin maglalaho?

Para wakasan ang munt­ing pag­baba­hagi na ito, isang dalan­gin ang aking iaalay, para sa mga naging bik­tima ng kara­hasan at pan­gaabuso sa mga kara­p­atang pantao noong pana­hon ng Batas Mil­i­tar at ngay­ong sa pana­hong kasalukuyan:

Written by jhay

September 21st, 2007 at 8:00 am

Posted in adbokasiya,karapatang pantao,kasaysayan,Pulitika

Tagged with , , , , ,

Round 2 para sa mga anti-JPEPA! Huray!

with 3 comments

Nakakatuwa talaga ang Senado ngayon, bukod sa mga pag­dinig at imbesti­gasyon niyo sa NBN deal ay sabay din nitong pinag-​aaralan ang JPEPA ang kon­trober­syal na tratado o kasun­d­uang na siyang lalong lulugmok sa ating mga Pilipino at gagawin tayong basur­a­han ng bansang Hapon.

Sa gani­tong banda, nalu­lunkot ako dahil ang bansang pinag­mu­lan ng Gundam Wing at Naruto, mga paborito kong anime, ay siya pang kumik­i­los upong pahi­ra­pan lalo ang Pilip­inas. Hindi ba sapat na kaming mga bagets (naks) na Pinoy ay mahilig na sa mga anime? Ngayon ay gagawin pa tayong basur­a­han at aagawan ng mga nurses at duktor?

Maba­lik tayo sa Senado kung saan muli ay naka­pun­tos ang mga pwer­sang tumu­tu­tol sa JPEPA, aniya nga sa ulat mula Inquirer.net:

Sen­a­tor Miriam Defensor-​Santiago, chair­man of the com­mit­tee on for­eign rela­tions, has threat­ened to sit on the JPEPA and not spon­sor it on the floor, which would effec­tively make for a diplo­matic rejec­tion of the treaty.

During the hear­ing, San­ti­ago told gov­ern­ment nego­tia­tors, headed by Trade Under­sec­re­taries Thomas Aquino and Elmer Her­nan­dez: “If I find it impos­si­ble to defend it on the Senate on the basis of your state­ment, then as chair, I will be com­pelled to defer sub­mis­sion of my com­mit­tee reports. In other words, JPEPA will be dead.”

This after Sen­a­tor Manuel Roxas II failed to get answers to the fol­low­ing questions:

“In the last hear­ing, I was left dis­ap­pointed because it has been made clear why it is good for us…We are fin­ished with the period of gen­er­al­i­ties. We want to move…to specifics,” Roxas said.

Mahusay hindi ba? Bravo kina Mar Roxas at Miriam San­ti­ago. Sana nga ay magtuluy-​tuloy na ang pag­baba­sura ng JPEPA, kung hindi man ay muling makipag negosasyon sa bansang Hapon upang lin­isin at gawing mas makatarun­gan ang kasun­d­uang ito.

Para naman sa mga ahente ng pekeng pan­gulo, tama na. Wala namang may gusto sa JPEPA, kayo lang ang mapilit, bakit? Malaki ba ang pam­padu­las o grasyang kayo lang ang makikinabang?

Written by jhay

September 20th, 2007 at 4:08 pm

Posted in adbokasiya,kalikasan

Tagged with , , , , ,