Julius Rocas » buhay estudyante
Ano ang plano nyo sa sembreak?
Isang linggo na lang at tapos na ang unang semestre. Akalain mo iyon? Nakalipas na ang isang semestre ng ganoon-ganoon na lang? Pero ganoon na nga lang ba talaga?
Kakaiba ang semestre na ito. Bukod sa mga malaking pagbabago sa buhay-estudyante ko, ang daming mga bagay na nangyari sa labas ng pamantasan na lubhang nakaapekto sa loob.
Nariyan ang mga kaguluhang nangyari sa pulitika at ekonomiya at ang pinkahuli ay ang pinsala at trahedyang idinulot ng magkasunod na bagyong Ondoy at Pepeng.
Matapos ang lahat-lahat, palagay ko ay dapat sulitin ang darating na sembreak. Dahil sa pagbabalik-eskwela sa ikawalang semestre, sa palagay ko ay mas magiging abala at lahat dahilan sa mga panibagong hamon at mga gawain sa pamantasan. Shempre, lalong magiging mabigat ang mga bagay-bagay dahil sa mas maiksi at mas mabilis na takbo ng panahon tuwing 2nd semester.
Para sa sembreak, balak kong basahin ang mag librong nabili ko noong Agosot pa, pero hindi ko pa nasisimulan kahit isa. At dahil dito, sisimulan ko din ang bago kong blog na matagal ko nang pinagpaplanuhan at binabalak na gawin. Bukod dito, balak ko din na mamalagi, hangga't posible, sa bahay. Para naman makapagpahinga at sana, hari-nawa, ay magkaroon ng kahit kaunting dagdag timbang.
Shempre, hindi mawawala ang pagtambay kasama ng mga kaibigan ko dito sa Silang, pero dapat ay maging mahinahon dahil dapat sulitin ang sembreak para makapagpahinga.
Pero sa kutob ko ay hindi ko malulubos ang sembreak para makapagpahinga. May mga ilang bagay na kailangang pagtuunan ng pansin at ito ang kakain ng mga oras at araw ng akin sembreak. Nariyan ang pagiging SERVE Volunteer, pinuno ng SENTRO, pasimuno muli sa Sining Bayan at shempre sa pagiging blogger.
Gaano man kaiksi o kahaba, mabuti nang may sembreak kaysa sa wala.
Related Posts
Bakit nga pala may school uniform sa DLSUD?
Pagod dahil sa OSS week
Libreng WiFi sa DLSUD, Libre ba Talaga?
Self Awareness seminar at Advanced Leadership Training ng SERVE
Pagbasbas sa La Salle Jeep-ikot
Bakit nga pala may school uniform sa DLSUD?
Pormal nang nagsimula ang deliberasyon tungkol sa pag-babago ng Student Handbook. Ang Student Handbook Revision Committee ay binubuo ng iba't-ibang sangay ng administrasyong ng DLSUD at mga lider-estudyante ng bawat sektor sa pamantasan.
Hindi ko pwedeng idetalye ang mga napag-usapan pero sa ngayon ay natapos kami sa Section 1 ng kasalukuyang Student Handbook, partikular tungkol sa detalye ng uniporme.
Naging masigla, mainit pero malaman ang mga debate tungkol sa school uniform. Pero kanina ko lang napagtanto, bakit kailangan ng school uniform?
Kung babasahin ang Student Handbook, makikita lamang ang pagsasalarawan ng unimporme para sa lalake at babaeng estudyante ng DLSUD pero hindi mo mababasa kung bakit kailangang magsuot ng uniporme ang mga estudyante.
Ano sa palagay nyo? Para ba maging maayos tingnan ang pamantasan? Para ba makatulong sa ating mga pag-aaral? Para ba makatipid? Para ba sa seguridad? Para may dagdag kita ang school?
Bakit sa La Salle Manila ay walang uniporme?
Bakit nga kaya???
Related Posts
Ano ang plano nyo sa sembreak?
Pagod dahil sa OSS week
Libreng WiFi sa DLSUD, Libre ba Talaga?
Self Awareness seminar at Advanced Leadership Training ng SERVE
Pagbasbas sa La Salle Jeep-ikot
Debate naman…para sa Finals
Simula na bukas ng "Finals" period namin sa Argumentation & Debate class at isa ako sa unang anim na magdedebate para sa aming finals exam.
Ang paksa ay tungkol sa mga "infomercials" na kumakalat ngayon sa telebisyon dahil sa nalalapit nang eleksyon. Sa aking palagay ay mas madali ito kumpara sa naunang paksa na tungkol kay Lacson vs Erap at sa mga paggamit ng mga 'privilege speeches' para sa pansariling interes at larong pulitika ng mga Senador at Kongresista.
Ang nakikita kong pagdedebatehan ay dapat bang ipagbawal ang mga "infomercials" mismo o ipagbawal ang mga opisyal ng gobyerno na lumabas sa mga "infomercials" na gagawin ng kanilang mga opisina o ahensya lalo na kung panahon na ng eleksyon.
Magiging mainit ang debate tungkol sa maagang pangangampanya o premature campaigning bukas. Kung ano pa man, magiging masaya, malupet at madugo ang debate dahil ang mga mahuhusay sa klase namin ang mga makakasama at makakatunggali ko sa debate.
Sana lang ay hinid ako magkalat at matandaan ko ang lahat ng aking mga ni-riserts tungkol sa paksang ito.
Ang nakakainis lang ay kailangan pa naming magsuot ng "formal attire" para sa debate samantalang sa classroom lang naman ito gaganapin. Mas okay lang sana kung sa Jose Basa ito gaganapin.
Related Posts
Pagod, pero masaya
Drama sa USC Scholarship
Nakatengga at darating na gawain…
Pagod dahil sa OSS week
Kakatapos lang ng OSS Week 2009 dito sa DLSUD. Kahit na dalawang araw lang ako opisyal na naka-duty bilang Direktor ng LCDC, pakiramdam ko ay buong linggo akong nagtrabaho dahil kinailangan pa din ang aking atkibong pakikilahok sa pagpapatakbo ng opisina nitong mga nakalipas na limang araw.
Masaya naman dahil mas organisado at mas madaming bagong boluntir ang nakasali sa mga naging student-administrator. Bagaman madaming naging aberya at problema, ang lahat ng ito ay nasolusyunan at natural lamang dahil sa karamihan ay mga bagong boluntir pa lamang.
Natapos ang linggong ito sa pamamagitan ng pagiging discussant ko sa isang forum ng NSTP at Pre-Law Society tungkol sa Automated Election System na gagamitin sa halalan ng 2010.
Panauhing pandangal namin si Director James Jimenez ang tagapagsalita ng COMELEC upang ipakilala at ipakita sa amin ang AES. Masaya, makabuluhan at matagumpay naman ang gawain.
Sa susunod ko na lamang ididetalye ang mga pangyayari dahil pagod na pagod na talaga ako at kinailangan ko lang maisulat ito bago pa tuluyang maglaho sa aking alaala.
Related Posts
Self Awareness seminar at Advanced Leadership Training ng SERVE
Ano ang plano nyo sa sembreak?
Bakit nga pala may school uniform sa DLSUD?
Libreng WiFi sa DLSUD, Libre ba Talaga?
Pagbasbas sa La Salle Jeep-ikot
Libreng WiFi sa DLSUD, Libre ba Talaga?
Malamang ay nakarating na sa inyo ang balita na mula sa pasukang ito, libre na ang WiFi access sa lahat ng mga estudyante at guro ng DLSUD.
Dati kasi ay kailangang mong magbayad para magkaroon ka ng access sa WiFi. Natutuwa ako dahil isa akong blogger at gustung-gusto namin ang libreng WiFi.
Pero sa kabilang banda, kung hindi mo na kailangang magbayad para sa WiFi dahil libre na ito, paano ito naging libre?
Magandang  balita kung ito ay dahil sa isang mabait at galanteng sponsor. O kaya naman ay may nakuha na Internet Service Provider and DLSUD na mababa ang singil sa internet connection kaya naging libre na ang WiFi.
Pero, kung naging libre ang WiFi sa DLSUD dahil sinisingil na ito sa lahat ng mga estudyante, bilang bahagi ng aming miscellaneous fees, parang hindi ata makatwiran at hindi tama.
Paano naging hindi makatwiran at hindi tama? Noon kasi sa "pay per use" model, kung saan magbabayad ka para makagamit ng WiFi, na tama lang dahil ikaw kasi ang gumagamit. Sulit ang iyong ibinabayad. Ikaw ang may pasan ng dagdag gastos na ito.
Noon pa man mayroon nang internet fee na bahagi ng miscellaneous fee at ito ay napupunta sa ERS. Magtiyaga lang muna sa paisa-isang oras ng paggamit at pagpila dahil kakaunti ang mga computers dito. Ayos lang din dahil may direktang access ka sa internet. At iyon ang mahalaga. Kahit sino may access sa internet na sinisingil sa iyo.
Pero ngayong libre na sa lahat ang WiFi, at kung totoo ngang kasama na ito sa miscellaneous fees na binabayaran ng lahat ng estudyante, totoo rin kaya na ang lahat ng siningil dito ay may access sa WiFi?
Malinaw ang kasagutan. Tumingin ka na lang sa iyong block or section at isipin mo kung ilan sa inyo ang may laptop? Ang bilang na iyon ang may access sa WiFi dahil sa laptop ka lang naman pwedeng maka-access ng WiFi. Totoo na pwede ring mag-WiFi sa mga cellphone, PDAs at iPod Touch or iPhone pero mas kakaunti ang mga mayroon nito sa DLSUD. At tiyak akong kakaunti ang magtitiyaga na magresearch gamit ang kanilang WiFi-capable phone.
Muli, malinaw na kahit lahat tayo ay sinisingil para sa WiFi, hindi lahat tayo ay makakagamit nito. Dahil hindi lahat ay may laptop. Sa ganitong sitwasyon, ang paggamit sa WiFi ay isang pribilehiyo o privilege, dahil may pre-requisite na kailangan para ma-access mo ito, at iyon ay ang pagkakaroon ng laptop.
Ang pribilehiyong makagamit ng WiFi ay para lamang sa kakaunting estudyante ng DLSUD na may laptop. Pero sinisingil ang lahat para ang iilang may laptop ay makagamit nito. Sa panahon ngayon ng krisis pang-ekonomiya at lalong humihirap na pamumuhay, ang ganitong sitwasyon ay tama at makatuwrian ba?
Base sa mga ganitong obserbasyon at konklusyon, mayroong ilang katanungan; paano nagkaroon ng ganitong patakaran? Sino-sino ang mga pumayag sa ganitong patakaran? Ang mga dapat bang masangguni o makonsulta para sa ganitong desisyon ay nakonsulta? Ang mga kinatawan at nasa posisyon ba ay kumilos upang pag-aralan ang sitwasyon at duminig sa totoong saloobin ng kanilang mga nasasakupan? Ang kapakanan at pangangailangan ba nila ay tunay na naprotektahan at napagsilbihan sa ganitong patakaran?
Sana ay mabigyang linaw ang mga kasagutang ito, dahil hindi mapapalagay ang aking isipan sa tuwing gagamit ako ng libreng WiFi sa DLSUD. Binabayaran ng lahat ang aking WiFi, pero silang mga nagbayad, hindi man lamang makagamit.
*Unang nalathala dito
Related Posts
Ano ang plano nyo sa sembreak?
Bakit nga pala may school uniform sa DLSUD?
Pagod dahil sa OSS week
Pasaway na Globe technicians…
Wala namang maisulat…pero madaming kwento
Tag-hirap ngayong pasko
"With great money, comes many responsibilies..."
Ayus ba? Binase ko ang katagang yan mula sa isang linya mula sa Spiderman, hindi ko lang alam kung anong yugto ng pelikulang iyon.
Bakit ko nalikha ang katagang iyon? Basahin muli ang titulo ng post na ito. hehehe
Ilang araw na lang at pasko na, pero mukhang darating ang paskong ito na wala akong pera.
Ayus lang naman, dahil karamihan sa mga napuntahan ng aking kita mula sa blogging ay mahalaga at kailangan naman.
Nariyan ang bill ng kuryente, telepono, matrikula, baon araw-araw at libro.
Gumagaling na ako ng bahagya sa pag-iingat ng aking kita mula sa blogging, kadalasan kasi dati ay wala pa sa kalahati ng buwan ay halos naubos ko na ang aking kita dahil sa padalos-dalos kong gastos.
Ngayon, gumagawa ako ng badyet para sa isang buwan base sa darating na kita mula sa blogging. Hindi man agad ako nakakaipon ng limpak-limpak na salapi, alam ko naman na hindi nasasayang ng todo ang aking kita. Kailangan lang talaga na pagibayuhin pa ang pagkontrol ko sa aking sarili at sugpuin ang komersyalismo sa aking pagkatao.
Buti na lang at isang linggo na lang aking pasok sa pamantasan, mababawasan ng bahagya ang aking mga pang araw-araw na gastusin.
Sana nga, dahil ang naiisip ko naman, dahil nasa bahay lamang ako, ay lalakas ang mga food trips at paggagala na syang magiging mas magastos.
Pero kailangang maghigpit na muna ng sinturon dahil kakapusin na talaga ako. Baka dumating ang bagong taon ay walang laman ang aking bank account, wallet at bulsa. Hindi ko naman matandaan ngayon kung malas o swerte ba ito, ayon sa mga nakakatanda kong kamag-anak na may dugong Instik.
Magkaganoon pa man, masaya akong makakasama muli ang aking pamilya at mga malapit na kabarkada ngayong pasko. Bumaha man ng alak at ikabutas ng aking bulsa, ayus na iyon kaysa mapunta ito sa droga. Naks!
Related Posts
Maligayang Pasko sa inyong lahat!
Ano ang gagawin ko sa Pasko?
Nag-eexist pa ba ako? :P
Napakadami nang blogging events ang hindi ko napupuntahan mula nang magsimula ang paskuan. WordCamp, paglulunsad ng mga netbooks ng Acer, Dell at Asus, at bukas ang ikalawang Philippine Blog Awards.
Siguro kapag nakadalo ako sa mga susunod na event madaming hindi makakakilala sa akin. Bukod sa hindi naman talaga ako ganoon kakilala sa blogosphere, mas mahihirapan sila ngayon dahil magmimistulang baguhang blogger ako at ito ang unang blogger event na aking nadaluhan.
Pero kung hindi naman ako nakakadalo sa mga blogger events, saan naman kayo ako nagpupunta?
Simple lang, dito pa rin sa DLSUD kung saan may mga obligasyon at abbokasiya akong kailangan tutukan at paglaanan ng mas maraming oras at atensyon.
Hindi naman sa pinagsisisihan ko ang ganitong sitwasyon, nababagabag lang ako na ang daming mga imbitasyon na dumadating pero kahit isang event ay hindi pa ako nakakadalo.
Pero ngayong malapit na ang semestral break, mas mataas ang posibilidad na makasama na ako sa kung ano mang blogger event na dadating.
Iyon ay kung may mag-iimbita sa akin.
Related Posts
Old school na WP themes
Balik blogging na si Shari, ako naman kaya?
Isa pa la akong alahas!
Wow! PR 4 agad!
Self Awareness seminar at Advanced Leadership Training ng SERVE
Dalangin ko na ang mga kalahati ng 60 bagong boluntir ay magiging aktibong boluntir mula ngayon hanggang sa makapagtapos sila ng pag-aaral sa DLSUD. Sana lang talaga. hehehe
Pero malaki naman ang tiwala at pananalig ko sa kanila, lahat ng mga pagkilos naming mga senior volunteers ay nakatutok sa kung paano sila matutulungan na maging aktibong boluntir. Nang sa ganoon, pagkatapos namin ay sila naman ang magpapatuloy ng Lasalyanong bolunterismo at makabuluhang pagbabago ng lipunan.
Hanggang dito na lang muna at sa aking pagbabalik, ibabahagi ko naman ang ilang mga kwento at litrato mula sa SAS at ALT 2008.
Related Posts
Pagod dahil sa OSS week
Ano ang plano nyo sa sembreak?
Bakit nga pala may school uniform sa DLSUD?
Libreng WiFi sa DLSUD, Libre ba Talaga?
Pagbasbas sa La Salle Jeep-ikot
Drama sa USC Scholarship
Ayon sa mga huling nagbahagi sa akin ng kanilang mga saloobin tungkol sa nakakalungkot na pangyayari sa scholarship ng USC ngayon, hindi ko maiwasang malungkot din at pilit kong iniiwasan ang mag-isip ng masama sa mga bagong USC officers.
Sa kasalukuyan, mayroong 20(?) iskolar ang USC ngayon, mas mataas kumpara noong nakaraang taon. Ngunit hindi ata naging usap-usapan ang pagtaas ng bilang ng mga iskolar. Ang mas napag-uusapan ay ang mga iskolar, magulang at mga ilang administrador na nababahala at nababagabag dahil kahit nadagdagan ang bilang ng mga iskolar, nabawasan naman ang mga tunay na matutulungan nito.
Sa 17 iskolar ng nakalipas na USC, mas madami ang bilang (percentage) ng mga may "full scholarship" kumpara sa ngayon, iisa o dalawa lang daw ang nabigyan ng "full scholarship" kaya, lubhang nakakalungkot, marami-rami sa mga nakaraang iskolar ang hindi makakapag-aral ngayong pasukan, kahit na 50% ang scholarship nila. Sa lalong pagtaas ng mga bilihin, langis, matrikula at iba pa ngayong kasalukuyan, higit na kinakailangan ng mga kapos-palad nating kapwa Lasalyano ang lahat ng tulong upang ipagpatuloy nila ang kanilang pag-aaral. Ang pagiging iskoloar ang isa sa kanilang mga malubhang inaasahan.
Ginawa ang mga mapayapa at tamang proseso para subukang umapila sa kasalikuyang USC na sana'y mabago ang kanilang desisyon at madagdagan ang matatanggap ng mga iskolar. Ngunit, matapos ang mga pag-uusap at pakikipagdayalogo, desedido na raw ang bagong USC na kung ano ang kanilang napagdesisyunan ay yun na talaga.
Totoo na may kalayaan at karapatan ang USC na pagdesisyunan ang pagbibigay ng mga scholarships. Totoo rin na may kalayaan at karapatan silang itakda ang panuntunan at proseso sa kung sino ang mabibigyan ng scholarships.
Pero hindi ibig sabihin nito ay bahala na sila sa kung ano man ang kanilang mapagdesisyunan. Bilang mga lider-estudyante, higit na inaasahan na ang kanilang mga desisyon ay para makapaglingkod sa interes at kapakanan ng mga estudyante at alinsunod sa mga dakilang aral ni San Juan Buatista De La Salle.
Aking napagalaman na isa sa mga dahilan kung bakit di umano'y ayaw nilang pagbigyan na magkaroon ng adjustment o dagdag sa matatanggap ng ibang iskolar ay "kapag nag-adjust sa isa, kailangang mag-adjust sa lahat."
Sa unang tingin ay tama at patas ang ganoong pangangatwiran hindi ba? Pero kung susuriin ay may kamailan. Ang mga bihasa o nag-aral ng Logic ay sasang-ayon sa akin sa ganitong pagaanalisa at paggiba sa ganitong argumento.
"kapag nag-adjust sa isa, kailangang mag-adjust sa lahat." Hindi ba't sa unang tingin pa lang ay may fallacy na sa argumentong ito? Ang fallacy na ito ay ang fallacy of generalization, o pagtingin na pare-pareho lamang ang lahat kahit na sadyang magkakaiba ang mga ito.
Kahit na pare-parehong matindi ang pangangailangan ng mga iskolars ay magkakaiba pa rin ang kanilang indibidwal na kalagayan at pinanggagalingang sitwasyon, circumstances ika nga.
Ito ang dahilan kung bakit kailangan nilang magpasa ng mga dokumento at papeles na magsasalarawan at magpapatunay sa kung gaanong kalubha ang kanilang pangangailangan at kaya isa-isa silang nakakapanayam sa screening interviews. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi sila pare-pareho ng mga antas o pursyentong  natatanggap para sa scholarship.
Kaya hindi pwede na sabihing dahil binawasan ang kay A, ay babawasan din ang matatanggap ni B, C at haggang kay Z dahil magkakaiba sila ng pangangailangan. Sana ay maunawaan natin itong lahat.
Tandaan natin na sila ay nahalal upang paglingkuran ang interes ng mga mag-aaral. Ang pagbibigay ng scholarship ay isa sa mga pinakadakila at malaking obligasyon nila dahil sa bandang huli, ang perang nakapaloob sa kanilang pondo o badyet ay nanggaling din sa ating mga mag-aaral ng DLSUD. Samakatuwid, higit ang ating karaptan sa perang iyon.
Huwag din sana kalimutan ang pangarap ng De La Salle Philippines na maging katotohanan ang One La Salle Scholarship  kung saan 20% ng buong populasyon ng mga estudyante sa mga La Salle schools ay mga iskolar pagdating ng 2011. Sa nangyayari ngayon, tila hindi makakapagambag ang ating mga lider-estudyante sa pangarap na ito.
Kasiyahan o pangangailangan?
Isa pang bagay na mapupulot natin dito ay makita ang prayoridad o mga mahahalagang bagay sa isang pamunuan, na siyang makikita natin sa kung paano ginagamit o saan inilalaan ng Konseho ang badyet o pera ng mga estudyante. Kung mas malaki ang bahagi ng badyet para sa serbisyong estudyante tulad ng scholarships, student loans at sponsorship sa mga student orgs, (mga basic student needs) masasabi natin na "student-service oriented" ang Konseho. Pero kung napupunta sa mga ibang gawain at proyekto na makakapagpasaya sa estudyante (student wants) masasabi natin na "student-entertainment oriented" ang ating konseho.
Pero, malaki ang aking pag-asa na ang nauna at hindi ang huling uri ng panunugkulan ang dala-dala ng mga lider-estudyante natin ngayon. At para maging patas naman, nag-uumpisa pa lang ang bagong pang-akademikong taon.
Related Posts
Nakatengga at darating na gawain…
Simula ng student power sa DLSUD
MASA: Tumaas ang Matrikula, Estudyante Kakasa Ka Ba?
Ang mapanupil na Exam Permit
Debate naman…para sa Finals
Nakatengga at darating na gawain…
Dalawang linggo na lang at simula na ng pasukan. Simula na uli ng mga akademikong gawain at shempre, para sa akin, simula na muli ng mas madaming extra-curricular na gawain.
Marahil magtataka ang mga nakakakilala sa akin sa DLSUD dahil tapos na ang termino ko sa University Student Council pero bakit nasabi ko pa ring mas madami ang aking extra-curriculars ngayon.
Nariyan ang pagpapatuloy at pag-pokus ko sa mga gawaing pang-adbokasiya, partikular sa pag-oorganisa ng mga estudyante sa DLSUD upang tugunan ang mga tawag ng panahon at pagpapatuloy ng Lasalyanong misyon. Sa mga darating na araw ay ikukwento ko ito ng mas detalyado.
Sumunod naman ang panunumbalik ko sa SERVE Volunteers ng LCDC. Ang organisasyon pinagmulan naming mga nanungkulan sa USC nitong nakaraang taon. Nakakalungkot lamang na nagsipagtapos na ang mga kasabayan kong boluntir at lider-estudyante. Kung hindi ako nagkakamali, ako ang pinka-kuya ngayon sa SERVE. Sana lang ay maging maayos at produktibo ang taong ito para sa aming mga boluntir. Kung gusto nyo maging SERVE boluntir, pumunta lang kayo sa LCDC, 2nd floor ng SBC canteen at handa kaming salubungin kayo ng may libreng mamon pa. (jowk lang! pero welcome na welcome kayo mag boluntir)
Bukod sa SERVE volunteers, nariyan din ang pagtulong ko sa Vox La Salle Debating Society, isang organisasyong binuo ko kasama ng mga ilang kaibigan upang buhayin ang kultura ng pakikipag-debate at kritikal na pag-iisip ng mga Lasalyano.
Shempre, nariyan pa rin ang pagtulong ko uli sa Genshiken, may isa pang proyekto kasi na naisantabi noong nakaraang taon na malaki ang aking naging bahagi. Gusto kong matuloy ito ngayong taon. Pero shempre, nasa sa kanila pa rin ang desisyon.
Hindi rin mawawala ang pagsuporta ko sa bandang Mannequin. Maraming magandang nangyari nitong nakaraang taon sa aking tingin ay naging mabuti ito para sa kanilang pag-unlad bilang isang banda, rakista at musikero. (Kailangan ko na talagang tapusin ang websayt nila  )
Dahil nabanggit ko na rin ang mga websayt, hahay! Madami din akong nakatenggang gawain at proyektong onlayn.
Nariyan ang pagtapos ko sa websayt ng LIFE, ang pagbubukas ko ng isa ko pang blog at ang pagbabalik-sulat ko sa Sumilang. Balak kong ituloy ang pagsusulat tungkol sa mga kaganapan sa lipunang Pilipino at tungkol sa kalikasan. Ang dami no? Goodluck talaga sa akin.
Related Posts
Drama sa USC Scholarship
Debate naman…para sa Finals
Pasaway na Globe technicians…
Libreng WiFi sa DLSUD, Libre ba Talaga?
Wala namang maisulat…pero madaming kwento