Julius Rocas » buhay tambay

Huling araw ng Hulyo
Hindi naman ata tama na ang personal kong blog ay mapabayaan ko ng buong buwan ng Hulyo. Dahil sa buwang ito ako ipinanganak. Maraming salamat sa mga bumati!

90% ng oras ko onlayn ay naubos sa pagpapasalamat sa mga bumati sa akin sa Facebook. Sadyang nakakataba ng puso. Kahit papaano, may tumataba pa rin sa akin.

Nitong mga nakaraang araw, ay sadyang nakakalungkot dahil wala ang mag-ina ko sa bahay. Habang wala naman sila, inaliw ko na lang ang aking sarili sa mga gawaing matagal nang dapat gawin. Una dito ang paglilinis ng aming kwarto. Nai-saayos ko na din ang lahat. Pero kahit maayos, malinis at maaliwalas ang loob ng kwarto, pakiramdam ko ay may kulang pa rin. Ang aking mga-ina shempre.

Dahil din sa bakanteng mga araw, malapit ko nang matapos ang librong mahigit pitong buwang ko nang binabasa. Nakakatuwa talaga, mas kapana-panabik ang ikalawang bahagi ng nobelang "The Birth of Venus" at sadyang napanganga ako sa mga rebelasyong nabasa ko! Tiyak akong matatapos ko na rin ito ngayong Agosto.

Bukod dito, muling napukaw ang interes ko sa pagsusulat ng kwento at dula. May isang konseptong matagal nang tumatakbo sa aking isipan at sa aking wari ay panahon na para simulang itong isulat. Hindi para matapos agad ngunit para maipanganak lang kumbaga. At habang lumalakad ang mga araw, patuloy kong uusisahin at rerepasuhin ang kwentong ito na gagawin kong dula. At sana, balang araw, maging materyal ito para sa isang pelikula.

Related Posts

Kalahating tulog, kalahating gising

Wala namang maisulat…pero madaming kwento

Inspired Magsulat

Kailan ba ako huling nagsulat ng love letter?

Bagong oras ng pagtulog?
Ngayong sembreak at walang pasok ay maghapon ako sa bahay. Walang ibang gagawin kung hindi ang umupo sa harap ng kompyuter at magbasa nang magbasa ng mga blogs, maghanap ng mga mp3, magbasa ng mga balita at mang-away ng mga tao sa forums. (Biro lang,  )

Shempre hindi talaga maghapon akong nakababad sa harap ng kompyuter. Papatayin ako ng nanay ko kapag ganoon. Nagpapahinga rin kaming dalawa ng kompyuter ko. Lalo na kapag hapon at mainit na sa kwarto ko dahil nakatutok na ang sikat ng araw. Para bang pugon ang aking kwarto sa init.

Hindi ko kayang tiiisin ang init at wala naman akong airconditioner. Higit sa lahat ay ayaw kong masobrahan sa init ang kompyuter ko kaya pinapatay ko ito at lumalabas ako ng kwarto para malamigan. Nanonood ako ng telebisyon sa ibaba o kaya sa kwarto ng mga magulang ko kung saan malamig. Iyun ay kung bakante ang mga lugar na iyon.

Kung hindi, ay nagbabasa ako ng libro. Sa aking pagbabasa, hindi ko talaga maiwasang antukin, hindi dahil sa nakakaantok ang binabasa ko, marahil dahil sa itinanim ko sa aking isipan na ngayong sembreak ay babawi ako sa tulog. Yung oras na sana ay nasa pamantasan ako ay ilalaan ko sa dalawang gawain ngayong nasa bahay lang ako. Ang maginternet mula umaga hanggang tanghali at sa hapon naman ay matulog. Para makapagpahinga at kahit pano ay tumaba naman daw ako. Ganoon din ang gagawin ko sa gabi. Hindi na ako masyading magpupuyat ngayong sembreak. Mga alas-onse o 11pm ay matutulog na ako.

Sana lang ay matupad ko ang mga munting planong ito na humihingi sa akin ng kakaibang antas ng pagkontrol o disiplina sa sarili. Kakayanin ko kaya?

Random posts

Licensed Guns, Goons and Gold

Nakakabobo ba ang gulay?

Mahina na ang tubig sa Silang

Karapatan at convenience

Mag-blog ng naka-hubad?