Julius Rocas

Karanasan, mga pananaw at kwentong buhay

Archive for the ‘Daily Dose’ Category

Balik Dial-up sa Globe Broadband

without comments

Ika-4 na araw na ngayon na ang Globe Broad­band con­nec­tion ko sa bahay ay mas maba­gal pa sa Dial-​up. Badtrip!!!

Kanina, tumawag ang Globe at sin­abing nalili­gaw daw ang kani­lang Tech­ni­cal Crew. Mali ang address na hawak nila. Nasa Das­mari­nas pa sila kaya tala­gang hindi nila mapupun­ta­han ang bahay ko na nasa Silang.

Baba­lik daw sila bukas ng umaga bago mag tang­hali. Sana lang. Nakak­abu­wiset na talaga ang Globe!

Written by jhay

April 2nd, 2011 at 10:19 pm

Posted in Daily Dose

Tagged with ,

Kahit papaano may post formats

without comments

Natutuwa sa bagong theme na gamit ng blog na ito dahil sa pwede nang gumamit ng Post For­mats. Sala­mat kay Andrew Spittle!

Written by jhay

March 31st, 2011 at 10:11 pm

Posted in Daily Dose

WordPress o Tumblr

without comments

Gusto kong tipunin sa isang web­site ang lahat ng mga bagay na hindi bagay sa The Four-​eyed Jour­nal. Sa ngayon,mayroong akong Tumblr at ito para sa paglagyan ng mga bagay na iyon (random quote, litrato, mai­iks­ing posts, atbp), pero hindi ko alam kung ano ang gagawin.

Ilipat ang blog na ito sa Tumblr

Naisip ko na gamitin na lamang ang domain na ito (julius​ro​cas.com) sa Tumblr. Dahil nan­doon ang mga Post For­mats na gusto kong gamitin. Ang pumipigil lang sa akin ay ang mga sumusunod:

Themes/design - hindi ko alam kung paano ayusin o lagyan ng sar­il­ing dis­enyo ang Tumblr kasi hindi ako mahusay sa CSS.

Kalig­tasan ng aking mga posts - Pat­u­loy na dumadami ang mga gumagamit ng Tumblr kaya minsan ay hindi na kinakaya ng kani­lang mga servers. Natatakot ako na baka mag-​loko ang Tumblr at maglaho lahat ng posts ko.

Ang mga problema ko sa WordPress

Post for­mats - wala pang WP theme ang gumagamit ng Post For­mats kahit lum­abas na ang WP 3.1. Tang­ing 2010 Theme pa lang ang gumagamit ng Post For­mats pero nakuku­lan­gan ako sa dalawang sinusu­por­ta­han nito: Asides at Gallery.

Masyadong hilaw pa kasi ang Post For­mats ng Word­Press sa ngayon. Pero hihin­tayin ko pa ba dumat­ing ang araw na iyon? Masisir­aan na ata ako ng bait. :(

Written by jhay

March 28th, 2011 at 10:04 pm

Posted in Daily Dose

Tagged with , ,

Gullible = Uto-uto

without comments

Ganoon talaga minsan, may mga pana­hong ang mga taong inaasa­han na maalam at mapa­nuri sa pag-​iisip ay nakuku­lan­gan o nasoso­bra­han nito.

Gullibe Columnist

Kaya mga bata, makinig sa sinasabi ng mga guro na huwag basta pani­walaan ang inyong mga nababasa, lalo na sa Internet.

Con­grats sa Mos­quito Press!

Written by jhay

March 26th, 2011 at 6:01 pm

Posted in Daily Dose

Tagged with , , ,

Bakit mukhang may sayad o nakatira ang Tea Master?

without comments

Tea Master

Sa totoo lang hindi ako nakumbinse ng "Tea Master" na uminom ng Real Leaf Green Tea. Alam kong medyo kakaiba tingnan magsalita sa Fil­ipino ang mga Intsik, pero sa tuwing mapa­panood ko ang com­mer­cial na ito hindi maalis sa isip ko ang impresyon na kung hindi may sayad sa ulo ang "Tea Master" ay nakatira ito ng opium at bigla na lang sumakay sa kotse ni Piolo Pascual.

Ano sa tingin nyo?

Written by jhay

March 25th, 2011 at 10:16 am

Posted in Daily Dose

Tagged with , , , ,