Julius Rocas

Karanasan, mga pananaw at kwentong buhay

Archive for the ‘Daily Dose’ Category

Naiinip na sa WP 3.1- compatible themes

without comments

Naiinip ako na sa Word­Press 3.1 at sa mga themes na gagamit ng mga post for­mats. Mag­a­nda naman itong Twenty Ten theme pero hindi ko masyado trip gamitin ito kaya sana lang, sana please meron nang ibang theme na gumagamit ng post_​formats ng WP 3.1

Written by jhay

February 1st, 2011 at 10:08 pm

Posted in Daily Dose

Tagged with ,

Old school na WP themes

without comments

Nakakatuwa at nakita ko ang Almost Spring theme na ito. Isa sa mga paborito na klasikong themes para sa Word­Press. Una ko itong nagamit noong 2006 kung kailan­gan kakasim­ula ko pa lang sa blogging.

Simple lang ang mga themes noon. Wala masyado kaek-​ekan tulad ng custom hooks, fea­tured posts, mga image thumb­nails. Wala. Deretso ang aten­syon mo sa pag­susu­lat ng post.

Hindi naman sa sinasabi kong pangit ang mga fea­tures na iyon, iba pa rin talaga kapag mga gani­tong klasikong dis­enyo ang ginagamit mo paminsan-​minsan.

Written by jhay

October 19th, 2010 at 11:35 pm

Posted in Daily Dose

Tagged with , ,

Kalahating tulog, kalahating gising

without comments

Ang nakakai­nis sa aking sarili ay kung kailan ako inaan­tok saka dumarat­ing ang malakas na motibasyon para mag­su­lat. Bukod sa motibasyon, dumadagsa din ang madaming ideya o pak­sang gus­tong kong isulat.

Pero dahil nga sa inaan­tok na ako, hindi ko na naga­gawang isulat ang mga ideyang puma­sok sa aking isipan at ang motibasyon kong mag­su­lat ay natat­alo ng pan­gun­gulila ng aking katawan sa malam­bot na higaan.

Minsan nga ay nai­isip kong subukan 'yung tinatawag nilang "power naps" o mai­iks­ing pag­tu­log - mga 30 minuto - saka muli gigis­ing at ipag­pa­p­at­u­loy ang naud­lot o bagong gawain, tulad ng pag­susu­lat. Pero palpak ako sa "power naps" dahil ang dapat sana'y 30 min­u­tong pag­tu­log ay nagig­ing 6 hang­gang 8 oras na pagkakaidlip!

Sa katu­nayan, ang artiku­long ito ay sinusu­lat ko habang nasa bingit ako ng matind­ing pagkaan­tok at hina­hayaan ko na lang ang aking mga kamay na tumipa sa aking laptop sa saliw ng kumpas ng aking isipan.

Pero hindi tungkol sa reaksyon ko sa huling pama­maalam ni Gloria Macapagal-​Arroyo bilang pekeng Pan­gulo ng Pilip­inas ang naisu­lat ko. Bagkos, ang paki­ram­dam ng pag­susu­lat habang kala­hat­ing tulog at kala­hat­ing gising.

Written by jhay

June 24th, 2010 at 12:33 am

Posted in Daily Dose

Tagged with ,

Babalik na ang Batibot sa TV5

with 4 comments

Humahataw talaga ang TV5 ngayon. Bukod sa pagdagsa ng mga batikang artista na pin­abayaan ng mga GMA 7 at ABS-​CBN Chan­nel 2 sa ista­sy­ong ito, may ilang mga pal­abas na sadyang nakakahuli sa interes ng mga manonood.

Pur­sigido kasi si Manuel V. Pangili­nan na palaguin ang ista­sy­ong ito at maging Numero Uno sa buong bansa. Ang dagdag na 5 bily­ong pisong pamu­muhu­nan o invest­ment ay senyales na seryoso talaga siya.

Ang mag­a­n­dang bunga nito, may alter­nat­ibo na sa GMA 7 at ABS-​CBN na minsan naman talaga'y nakaka­sawa na at nakakai­nis lang ang kom­petisyon nilang dalawa.

Pero ang pinaka-​ikinatutuwa ko sa bal­i­tang ito ay iba­ba­lik daw ng TV5 ang paborito kong pro­grama sa telebisyon noong nasa ele­men­tarya pa lang ako, ang walang kaparis na "Bat­i­bot".

Nagsim­ula ito noong 1984 bilang Sesame! o Fil­ipinong bersyon ng "The Sesame Street" na sikat noon sa Amerika. Hang­gang sa naging 100% Fil­ipino ito sa wika at laman at tawag­ing "Bat­i­bot" na ang ibig sabi­hin ay "small, but strong and robust" o maliit ngunit malakas at matikas.

Hindi malil­imu­tan ang mga karak­ter sa Bat­i­bot, lalo na sina Pong Pagong at Kiko Mats­ing. Ang mga kwento ni Kuya Bodjie na tala­gang inaa­ban­gan tuwing umaga.

At shempre, hinding-​hindi malil­imu­tan ang pan­im­u­lang kanta ng Bat­i­bot na siyang kinakanta ng lahat ng bata sa bansa tuwing umaga:

Ito at "Ang Huling El Bimbo" ng Eraser­heads ang kabi­lang sa mga kan­tang hinding-​hindi ko malilimutan.

Sana ngay­ong bakasyon maiba­lik ng TV5 ang Bat­i­bot para kahit papaano ay mapanood ko ito at makita kung anong pag­babago ang ginawa nila dito. Sana buma­lik ang mga ori­hi­nal na puppet at mga karak­ter lalo na si Kuya Bodjie. At sana tuma­gal ito sa ere hang­gang sa magka­roon ng muwang ang aking anak para mapanood niya rin ito.

Tayo na sa Batibot!

Written by jhay

March 27th, 2010 at 12:07 pm

Posted in Daily Dose,kwentong-buhay

Tagged with ,

Ticket sa John Mayer Live in Manila pang-enrol ko na

without comments

Ubod ng mahal ang tiket sa con­cert na John Mayer Live in Manila. Gaganapin ito sa May 16, 2010 sa Mall of Asia Con­cert grounds. Ito ang halaga ng mga tikets:

VIP - 12,000 pesos
Gold - 8,000 pesos
Silver - 5,000 pesos
Bronze - 2,000 pesos
GA - 600 pesos

Hindi ko kayo niloloko, at sana ay nagka­mali ako ng pag­babasa, pero ganyang kama­hal ang mga tiket sa con­cert na ito. Fan ako ni John Mayer, tunay na gusto ko ang mga kanta niya, pero hindi ako maglal­abas ng ganyang kalak­ing pera para lamang mapanood siya ng Live.

Sa VIP at Gold na tiket ay pwede ka nang mag-​enrol sa DLSUD o kaya ay may bagong cell­phone ka na. Ok lang din sana kung sa ganoong tiket ay makakaupo ako ng kom­portable, may aircon at bubong kung sakaling umulan. Pero ito ay gaganapin sa MOA con­cert grounds, walang upuan, walang bubong at nakatayo ako sa kabu­uan ng con­cert. Parang hindi ata makatarun­gan ang ibabayad ko, mawalang-​galang na kay John Mayer, pero sa susunod na lang.

Manood ba kayo ng con­cert niya? Anong tiket ang bibil­hin nyo?

Written by jhay

March 22nd, 2010 at 10:30 pm

Posted in Daily Dose,music

Tagged with , ,