Karanasan, mga pananaw at kwentong buhay
Archive for the ‘karapatang pantao’ Category
Mula sa:
PEOPLES' INTERNATIONAL OBSERVERS MISSION
NEWS RELEASE
May 16, 2007
Reference: Johan Fobbelets, Spokesperson, IOM Quezon team +639204441342 or +639206700864
Young pollwatcher threatened by suspected military agents,
Brings complaint to foreign observers
QUEZON PROVINCE ―Foreign observers expressed concern over the harassment of young poll watchers by suspected military agents in Sariaya, Quezon province,
Irene Anoso, a nineteen-year old pollwatcher of Kabataan (Youth) party list in Brgy. Poblacion, Sariaya, complained to members of the People's International Observers Mission (IOM) team in Quezon about being profiled, pursued, and sent malicious text messages by suspected military agents.
Anoso told the team that men in military haircut but wearing civilian clothes started taking pictures and videos of pollwatchers in precincts in Brgy. Poblacion at around 8:00 a.m. last May 14. These men carried dubious Commission on Election (Comelec) IDs lacking basic information, such as names, pictures, and authorized signatures.
When she and another Kabataan Party-list pollwatcher were on their way home that night in Sariaya, a red car with a government plate kept sidetracking the tricycle they were riding on. They were trailed for about an hour by the said vehicle. At around 7:42 pm that day, Anoso received a text message that read: "Kamusta ang binabantayan mo na party-list ng NPA?" (How is the NPA party-list that you are watching for?)
She received similar reports that men in motorcycles were roaming around that night, looking for Kabataan pollwatchers.
Kabataan party list is among the progressive party-lists being discredited by the Arroyo administration and by elements of the 74th and 76th Infantry Brigade of the Philippine Army deployed in Quezon as "front organizations" of the Communist Party of the Philippines-New People's Army.
In the IOM teams' travel across Quezon province, international observers noted the proliferation of black propaganda against progressive party-lists Bayan Muna (People First), Anakpawis (Toiling Masses), and Gabriela Women's Party.
"Slogans maligning progressive party-lists, usually painted on sacks or over campaign posters, are usually found in areas near military detachments," said Johan Fobbelets, a trade union leader from Belgium and spokesperson of IOM Quezon team.
He added that such testimonies and observations only confirmed reports of systematic efforts by the Armed Forces of the Philippines to prevent progressive party-lists from gaining congressional seats through black propaganda, threats, and actual violence.
"The attacks against progressive party-lists tend to show that the Philippine elections is an exercise in silencing the voices of the marginalized, rather than that of democracy ," said Fobbelets. ###
Kaytagal ding hindi ako nakapagsulat dito sa Sumilang. Ang ibang kakilala ko na may tiyagang basahin ito ay nagsasabi kung ako raw ba ay tumigil na sa pagiging 'aktibista' at wala daw akong sinusulat na bumabatikos sa sistema, gobyerno at sa iba pang bagay.
Natutuwa naman ako sa ganitong bulong ng mga kakilala ko, concerned din pala sila sa aking pagiging aktibista. Hindi ko na tuloy maintindihan kung sila ba talaga ay pabor dito o hindi? Pero ibang kwento na iyon.
Pansinin na lang natin ang titulo ng artikulong ito, (naks, parang manunulat na talaga diba?) una ko itong narinig at madalas makita sa mga lumang cartoons tulad ng Bugs Bunny at Tom 'n Jerry kung saan kapag ang isang bata o sinoman na nagsalita ng mga bagay na masama, kasinungalingan lalo, ay kailangang maghugas ng bibig gamit ang sabon. Sa ibang salita, masama ang magsabi ng mga maruruming bagay.
Bagay na madalas gawin ng mga alipores ng GMA. Mababasa niyo ito sa balitang ito sa Inquirer.net: Arroyo: ‘Let’s focus on plus points’
Sinasabing hindi raw maysado pinatulan ng pekeng pangulo ang mga tanong ng mga mamamhayag tungkol sa mga lumalalang kondisyon ng paglabagsa karapatang pantao ng mga mamamahayag, at progresibong mamamayan ng bansa kung saan ang UN at ang Senado ng Amerika ay bumibisita na ng madalas at nagsasagawa ng mga pag-aaral tungkol dito.
“Political issues are for my spokesman (Press Secretary Ignacio Bunye) to answer,†she said when the Inquirer sought her comment yesterday on the US Senate probe which concluded that her administration had not done enough to stop the killings.
Bakit kaya ipinauubaya sa kanyang mga alipores ang pagsagot sa mga tanong na ganito? Baka iniiwasan niya uling mapikon at magwalkout.
"We take the interest shown by the United States in the Philippine human rights situation as a constructive gesture coming from a time-honored ally,†Bunye said.
“This government has never faltered in its adherence to rule of law and respect of human rights and is closely in step with the world human rights community,†he said.
Ano daw?! Nahihibang na talaga mga alagad ng administrasyon. Marahil ay nalimutan na nila ang isang kataga sa Ingles na "When want something done, you have to do it yourself."
Isipin na lang, kung talagang maayos ang kalagayan ng pangangalaga sa mga karapatang pantao ng mga mamamahayag, progresibong grupo at mga ordinaryong mamamayan at walang nagaganap na kaliwa't-kanang patayan ng mga taong nangunguwestyon sa gobyerno, bakit pa kaya mag-aaksaya ng panahon at lakas ang United Nations at United States Senate na magpadala ng mga eksperto dito at mag-imbestiga? Nangangamusta lang? hahaha
At kung maayos nga talaga, bakit pa kailangang ipaubaya ng pangulo sa iba ang pagsagot sa mga tanong na may kinalaman dito?
“Perhaps some US military assistance could be dedicated toward human rights training in the field and the needs of the new Armed Forces of the Philippines Human Rights Office,†he said in a statement.
Ermita said that at the hearing in Washington, a US State Department official had said: “We stand ready to be of additional assistance to the Philippine authorities.â€
Seryoso ba siya? Ang militar ng Estados Unidos bibigyan ng human rights training ang AFP? hahahaha!!! Sige maganda yan, baka magkaroon pa ng field trip ang mga sundalong Pilipino sa Guantanamo Bay detention camp sa Cuba at sa Abu Ghraib prison sa Iraq para makita nila ng malapitan kung gaano kagaling sa pangangalaga ng human rights ang US military.
“So why are they here? Why is Toyota putting its transmission plant here? Why is Hanjin here [whose shipyard in Subic] is the fourth biggest in the world? It’s because of the confidence in our economy, because of our fiscal reforms, and these reforms are creating jobs,†she told the Inquirer.
Ah trabaho daw, totoo kaya iyon? At kung totoo man, sino ang magtatrabaho kung ang mga tao ay nabubuhay ng may takot na baka sila na ang susunod na bubulagta sa kasalda matapos dumaan ang isang motorsiklo na may mga sakay na mga lalakeng may baril, bonet at military fatigues?
Tsk tsk tsk. Kung mababasa ito ng aking guro sa Values Education, malamang susubuan niya ng isang baretang sabon ang mga opisyal ng gobyernong nagsabi ng mga bagay na ito.
Kahit papaano ay may positibo namang lumabas sa Melo Commission na nlikha upang imbestigahan ang mga kabi-kabilaang pagpaslang sa mga mamamayan partikular ang mga aktibista, mamamahayag at simpleng sibilyan at karamihan ay kung nasaan pa ang mga militar.
Sa ulat ng Inquirer.net na kung saan inirekomenda ni dating SC Justice Jose Melo na may pananagutan si retired Gen. Jovito Palparan sa mga pagpaslang na ito dahilan sa "command responsibility" dahil ang mga pagpaslang ay naganap sa lugar na kanilang at panahon panunungkulan sa militar.
Si Palaparan ay binansagang "berdugo" ng mga progresibong samahan, mga aktibista at mamamahayag dahilan sa kanyang kontrobersyal na paraan na pangangampanya kontra sa insurekyson ng mga maka-Kaliwang grupo.
Ang tanong na lang ay kung may mahalagang o konkretong aksyon na ibubunga ang ulat at rekomendasyon ng Melo Commission.
Pero may ilang tanong din na tumutumbok o nangangahulugan ng isang mas mahalagang punto na maaaring magsabi kung may mangyayari ba talaga o mababaon na lang sa limot ang isyung ito at ang ulat ng komisyon. Sinabi ni Melo na:
“But we don’t want to tag the whole military establishment, only elements of the military who were allowed to do their thing without supervision from higher officers,â€
Sa aking pagdidiin, malinaw na sinasabing pinabayaan ang mga sundalo at mga opisyal na ito na gawin ang kahit anong gusto nila. Malinaw ding ibig sabihin nito na ang mga ganitong uri ng taktika at polisiya ay "okay" lang sa AFP. Kung may magreklamo man o makakita at mahabag sa mga kababalaghang pinaggagawa ng mga militar, magsampa na lang ng kaso, reklamo at magpaimbestiga. Ang saya diba?
Bukod pa dito, bakit si Palparan lang at iba pang mga military commanders ang sinasabing may pananagutan sa mga pagpaslang na ito sa dahilang "command responsibility"?
Dahil kung "command responsibility" man lang ang basehan, dapat ding managot ang pinakamataas na opisyal ng militar; ang Commander-in-Chief dahil responsable din siya sa lahat ng kilos ng mga sundalo at mga nakakababang opisyal ng militar.
Pero sino nga ba ang Commander-in-Chief? Sino nga ba uli Garci?
Sa mga iilang nagbabasa ng blog na ito, marahil ay magtataka kayo kung bakit may salitang ingles sa titulo ng sulating ito. Ang totoo ay nang isulat ko ang titulong iyon ay hindi ko maisip ang katumbas ng salitang "convenience" sa Filipino. Marahil ay wala talaga,pero may mga kasingkahulugan nito.
Kaalwanan, magaan, madali. Ilan lang sa mga kasingkahulugan ng 'convenience' ayon sa aking diksyunaryo. Pero bakit ko nga ba tinatalakay ang ibig sabihin o katumbas ng salitang ito sa Filipino?
Bukod sa kagustuhan kong maging purong Filipino ang pagkakasulat ng blog na ito, ay gusto kong ikwento ang isang pangyayari na naganap kahapon sa tamabayan ng mga Lasalyanong voluntir.
Nagtungo ako doon matapos akong dumalo sa isang forum para sa ika-21 anibersaryo ng opisyal na dyaryo ng Pamantsang De La Salle Dasmarinas. Doon, nakita at nakausap ko sa personal si Mong Palatino, (http://www.mongpalatino.motime.com)isang kapwa blogger at ayon sa kanya ay taga-hanga ng Pinoy Explorer. Ang tagapagsalita sa isang programang aking nabanggit.
Sa workroom, ay naroon ang mga kasama kong voluntir din. Partikular sa kanila, si Precious, ang isang mag-aaral na nasa unang taon pa lang na lilipat na ng ibang pamantasan sa dahilang hindi na sapat ang kanyang pera para bayaran ang ubod ng mahal na matrikula sa DLSU-D.
Siya ay kinapos ng pera dahil biglaan siyang natanggal sa programang pangiskolar sa DLSU-D. May sapat na dahilan marahil ang pamantasan sa kung bakit hindi tinanggap bilang iskolar si Precious, pero ang masakit nito, nalaman lang niya ang katotohanang hindi na siya iskolar matapos ang dalawang linggo ng pasukan. Kung kailan siya ay nagsisimula nang mag-aral at pumasok sa mga sabjek na kanyang kinukuha.
Isipin mo iyon, dalawang linggo ka nang pumapasok ng ayos tapos matitigil lang ang lahat dahil sa malalaman mong hindi pala naaprubahan ang iskolarship mo?
Nasaan ang tamang proseso? Nasaan ang katarungan? Nasaan ang paglilingkod sa mga mag-aaral? Nasaan ang prinsipyong "edukasyong Lasalyano, para sa lahat"?
Hindi ba parang pinaasa at niloko ka lang? Akala mo ay maayos ka nang makakapag-aral ay hindi pala. Hindi ko kabisado ang proseso ng pagtanggap ng mga iskolar sa DLSU-D pero, diba hindi patas ang nangyari kay Precious?
Dalawag linggo na siyang pumapasok tapos bigla siyang sasabihan na hindi siya natanggap bilang iskolar na siya namang naging ugat ng kanyang paglipat ng pamantasan?
Ang sitwasyong ito ay lalong tumindi nang sinabi ng isa ko pang kasama na kumukuha ng kursong Political Science ang, "Okay lang naman yan. Bakit ka pa maghahabol sa scholarship kung meron ka naman palang pera?"
Sa mga katagang iyon ay nagdilim ang aking paningin at hindi ko napigilang harapin ang kasama kong iyon. Sinabi ko tuloy, "Buwang ka ba?! Hindi importante dito ang kakayanan ni Precious na magbayad o hindi, ang pinaguusapan dito ay ang karapatan ni Precious na masabihan ng mas maaaga na hindi siya natanggap bilang iskolar kaysa sa sabihin sa kanya kung kailan 2 linggo na siyang pumapasok."
Sa loob-loob ko'y nanghinayang ako sa kasama kong iyon. Wari ko'y naturingang Political Science ang kurso niya, pero ganoon siyang mag-isip. 'Hindi baleng masagkaan ang iyong mga karapatan dahil may mas convenient na paraan para makuha ang nararapat sa iyo."
Mas tumindi ang aking pangigigil nang nangatwiran pa ang kasama kong iyon para ipagtanggol ang kanyang baluktot na kaisipan. Hindi ko na siya pinakinggan bagkos tinanong ko siya, "Papayag ka bang isuko ang mga karapatan mo para lang sa convenience?"
Kahit na ilang beses niyang iniwasan ang tanong, kinulit ko siya at kanya namang sinagot ng "Oo." Kung ganoon ay tapos ang usapan.