Category Archives: kasaysayan

Paggunita sa ika-35 taon anibersaryo ng Martial Law

35 taon na ang nakali­pas mula nang idineklara ng dik­tadu­rang Marcos ang Batas Mil­i­tar o Mar­tial Law sa Pilip­inas upang sug­puin ang mga pwer­sang nais mag­pabagsak sa pasis­tang si Fer­di­nand Marcos at wakasan ang pag­pa­pahi­rap sa mama­mayang Pilipino.

Dahil sa Batas Mil­i­tar, daan-​daan ang nabi­langgo, tinortyur, pinaslang, at nala­pas­tan­gan ang mga kara­p­atang sibil at pang­tao. 35 taon na ang nakali­pas ngunit tila walang pinagkaiba ang pana­hong kasalukuyan. Halos 900 kaso na ng paglabag sa kara­p­atang pantao, mga pinaslang na mamama­hayag, mga aktibista, mga estudyante at lider-​manggagawa ang hang­gang sa ngayon ay nawawala.

Pat­u­loy pa rin ang giyera sa Min­danao kung saan libu-​libong mga Muslim ang naghi­hi­rap. Hang­gang sa ngayon, ang mga bik­tima ng pang-​aabuso ng pasis­tang rehi­meng Marcos ay pat­u­loy na nagha­hanap ng hus­tisya. Mas nakakalungkot pa nito'y ang mga tulad nilang bik­tima ng gara­palang pang-​aabuso sa kara­p­atang pantao ay nadadagda­gan pa.

May mga nagsasabi na hindi naman buma­lik ang pana­hon ng Mar­tial Law, tama sila, sapagkat wala namang deklarasyon mula sa pekeng pan­gulo na nagsasabi nga ng ganito. Ngunit, sa istilo ng paggamit sa kinamkam na kapang­yari­han, sa mga polisiya at batas na ipinasa ng admin­is­trasy­ong Arroyo, hindi na nga kailan­gan ng deklarasyon ng Batas Mil­i­tar, dahil sa kabu­uang epekto ng mga ito, wala nang pinagkaiba ang kala­gayan ng bansa 35 limang taon na ang nakalipas.

Nariyan ang EO 464, PD 1017, "No Permit, No rally", ang mga polit­i­cal har­ras­ment sa mga pro­gre­sibo at maka-​kaliwang mam­ba­batas, at ngayon ang huling ele­mento sa pag­si­sis­tem­a­tisa ng 'Mar­tial Rule' ang Human Secu­rity Act of 2007 o ang Anti-​Terrorism Law. Kung buhay si Marcos ngayon, sa aking pala­gay ay mama­mangha siya sa nagawa ni GMA. "Small but ter­ror­ist, ter­ri­ble" ika nga.

Kaya nga kahit 35 limang taon na ang nakali­pas, hindi lamang ang mga mapangabu­song gawain ni Marcos ang nabibi­gyan ng buhay at nanunum­ba­lik sa ating mga alaala. Kung hindi, ang mga pagk­i­los na ginawa ng mga mang­ga­gawa, mar­alita, kabataan, layko at reli­hiyoso at lahat ng lum­a­ban sa dik­tadura at pasis­tang rehi­men ni Marcos.

Par­tiku­lar dito ang isang men­sahe at talumpati ng isa sa mga tanyag na lider-​manggagawa na buong tapang, lakas, at tal­i­nong lum­a­ban sa dik­ta­dor, at sa huli'y buhay niya ang naging kapalit. Ang tin­u­tukoy ko ay ang men­sahe ni Felixberto Olalia, Sr. sa huling araw ng kanyang huling araw ng pag-​aayuno sa Plaza Roma noong ika-4 ng Disyem­bre, 1983. Mula ito sa librong "20 Speeches that Moved a Nation" - mga koleksyon ng mga talumpat­ing naglalarawan ng maku­lay na kasaysayan ng Pilip­inas at ang maya­mang tradisyon ng mga Pilipino sa pakikipag­talumpati - ni Manuel Quezon III, o MLQ3.

Sa kanyang talumpati o men­sahe na pina­mata­gang "Men­sahe sa Limang-​araw na Pag-​aayuno Para sa Pag­pa­palaya ng Lahat ng Detenidong Lider-​manggagawa at iba pang Bilang­gong Poli­tikal" gin­unita niya ang tula ng isang rebo­lusyu­naryo, ni Mano de Ver­dades Posadas upang isalarawan ang kala­gayan ng Pilip­inas noong pana­hon ng Batas Mil­i­tar, isang malaki at malawak na bartolina:

Gapos sa kamay, piring sa mata;
Suntok, bayo, tadyak, sampal,
Iniksyon, kuryente, hipo, sakal,
Plantsa, pang­gugutom,
pang­ga­ga­hasa.
Buhos ng tubig o paso ng sigar­i­lyo;
At pagkat­a­pos ay ilan­taong
pagkaku­long
Nang walang paglili­tis o
wala man lang kaso.
Ganito ang pinai­iral na kala­gayan
Sa bar­tolina ng piitang kapuluan.

Sa ban­dang huli ng kanyang men­sahe, kung saan hin­imok niya ang mga mama­mayan na kumi­los at lum­a­ban muli niyang gin­unita ang isa pang tula, muli ni Mano de Ver­dades Posadas:

Ang pagkakapiit
Sa halos pusikit
Na karim­lan
Ay di dhilan
Upang tayo'y
Sa kababaan ng kisame
Huwag na tayong dumapa
Sa malamig na sahig;
Sa kali­itan ng silid,
Huwag na tayong sumik­sik
Sa suok at humalukip­kip.
Ang pagkaku­long
Sa pana­hong
Wari'y di matat­a­pos
Ay di dapat makau­pos
Sa ating pagk­i­los
Tungo sa paghu­lag­pos
Upang lalong makakilos.

Maku­lay, makubu­luhan at hang­gang sa ngayon ay nana­natil­ing tumpak sa ating kasalukuyang kala­gayan ang mga tulang ito, kahit na 35 taon na ang nakali­pas. Hang­gang kailan pa kaya ito mag­tata­gal? Hang­gang kailan pa natin ito hahayaan? Kapag tayo o ang ating mga mahal sa buhay ay bigla na lang rin maglalaho?

Para wakasan ang munt­ing pag­baba­hagi na ito, isang dalan­gin ang aking iaalay, para sa mga naging bik­tima ng kara­hasan at pan­gaabuso sa mga kara­p­atang pantao noong pana­hon ng Batas Mil­i­tar at ngay­ong sa pana­hong kasalukuyan:

Posted in Pulitika, adbokasiya, karapatang pantao, kasaysayan | Tagged , , , , , | 12 Comments

KABATAAN party-list convention

This after­noon, I just came from the national con­ven­tion of the Kabataan party-​list as I was invited by Mong Palatino - the party's national pres­i­dent and amongst its nom­i­nees - at the San Juan Gym­na­sium. With me were my new friends and com­rades in pro­gres­sive youth activ­i­ties Kalai and Cyrus also from Cavite. We arrived there at 3pm and Rep. Peter Cayetano was already in the heat of his speech. We weren't able to hear and under­stand much of what he said partly because we were seated in the back-​most row and back there, it was noisy, rowdy and lots of youth were moving to and from their seats. Who could blame them? Not all the youth are that inter­ested in actively par­tic­i­pat­ing in pol­i­tics let alone listen to what politi­cians have to say.

Now that's where Kabataan party-​list steps in and changes things up. Mobi­liz­ing and edu­cat­ing the youth to become more aware and inspir­ing them to actively par­tic­i­pate in polit­i­cal life of the coun­try is as noble and worthy cause as any. Sure the teens at the back were noisy, rowdy and seemed to care less of what's going on stage but their pres­ence at the national con­ven­tion is a good start given the party's goals:

  1. Isu­long ang mga batayang kara­p­atan ng Kabataan para sa edukasyon sa pama­m­ag­i­tan ng pagigiit ng dagdag na pondo sa edukasyon at kagyat na pag­pa­p­atigil ng tumitind­ing kom­er­sal­isyon ng edukasyon.
  2. Itaguyod ang mak­abayan at maka-​masang edukasyon at pagya­manin ang siyen­tipikong edukasyon na malaya mula sa mga palasak na ideya.
  3. Igiit ang kara­p­atan ng Kabataan at mama­mayan para sa dis­en­teng emp­leyo, pantay na opor­tu­nidad at makataong kondisyon ng pamumuhay.
  4. Supor­ta­han ang mga batayang kara­p­atan ng bawat Pilipino na mamuhay sa isang lipunang malaya mula sa krimen, pagkalu­long sa droga, giyera, mil­i­tarisas­yon, peli­gro sa kapali­gi­ran, dekaden­teng kul­tura, pros­ti­tusyon, kagutu­man at diskrim­i­nasyon sa kasar­ian, edad, kapansanan at relihiyon.
  5. Pagya­manin ang sports, cul­ture and arts para sa pagun­lad ng Kabataan.
  6. Tiyakin ang parisi­pasyon ng Kabataan sa lahat ng aspeto ng pamu­muno ng gob­y­erno at pagdedesisyon ng mga kinatawan ng pamahalaan.
  7. Mag-​ambag sa sis­tema ng pag­babago ng lipunan sa pama­m­ag­i­tan ng pagkakaisa ng dedikasyon ng Kabataan na paglingku­ran ang sam­bayanan at palakasin ang pakikipagkaisa sa sektor ng mang­ga­gawa, magsasaka, mar­al­i­tang taga-​lunsod, pam­bansang mino­rya at iba pang mar­gin­al­ized sec­tors sa lipunan.
  8. Ipag­tang­gol at ban­tayan ang kalayaan, respeto sa pam­bansang pat­ri­monya, pag-​ibig at debosyon sa Inang Bayan.
  9. Pagya­manin ang tunay na pam­bansang indus­triyal­isas­yon, repor­mang agraryo at maka­masang polisiya sa ekonomiya.
  10. Payabun­gin ang pandaigdi­gang pagkakaisa ng Kabataan at mama­mayan sa mga bansang kahal­in­tu­lad ang prin­sipy­ong isi­nusu­long sa KABATAAN Partylist.

Need more rea­sons why to join Kabataan Partylist? The goals above is more than enough to con­vince any youth to join and give his voice and efforts to the col­lec­tive will of mem­bers of the party.

At the con­ven­tion, I met a few of the student-​leaders from the sea­soned and well respected youth orga­ni­za­tions in the coun­try; Lengua de Guzman of Anakbayan, (apolo­gies if I mis­pelled her first name) and National Union of Stu­dents of the Philip­pines' Secretary-​General Alvin Peters whom has asked me to make com­ments and help them in making a better web­site and web pres­ence for the NUSP. Talk about off line mar­ket­ing, net­work­ing and project oppor­tu­ni­ties. Any­ways, it was a suc­cess­ful day for the Kabataan partylist, they never expected that they would be able to almost fill the San Juan gym with youth mem­bers from almost all walks of life. They had Shara Sotto singing on stage and actu­ally sign­ing up to join the party. With these little achieve­ments will follow even more achieve­ments with the ulti­mate one in the near future, rep­re­sent­ing the youth in Congress.

I'm look­ing for­ward to join­ing more activ­i­ties in sup­port of the Kabataan party and its allies. Until then, Mabuhay ang KABATAAN!

Posted in Daily Dose, Pulitika, kasaysayan | 34 Comments

Ang mga Maranao – Isang pagninilay

*Isin­u­mite bilang isang reaksy­ong papel tungkol sa isang dokyu­men­taryo tungkol sa mga Maranao, bilang bahagi ng akademikong pan­gan­gailan­gan sa Kasaysayan at Kul­tura ng Pilip­inas. Paman­tasang De La Salle Dasmariñas, Agosto 2006.

maranaoTunay na nakaka­mangha ang yaman at kulay ng kul­tur­ang Pilipino. Isa na sa mga matit­ingkad na kul­tur­ang ito ang kul­tura ng mga kap­atid nating Maranao na nanini­ra­han sa Min­danao at mga karatig pulo. Bago pa man dumat­ing ang mga dayuhang man­anakop ay maun­lad at yumayabong na ang kani­lang kul­tura, reli­hiyon, at lipunan. Ang kani­lang pagkikipagkalakalan sa mga kap­atid nating Asyano ang isa sa mga pan­gu­nahing tumu­tu­long sa pag-​unlad at pagya­man ng kani­lang lipunan at kul­tura. May sarili silang sis­te­mang pan­lipunan, mga panini­wala at tradisyon, reil­i­hiyon, at iba pa na mata­gal na nilang pina­paun­lad bago pa man dumat­ing ang mga dayuhang mananakop.

Sa katu­nayan, ang mga Pilipino sa Min­danao ang may pinaka­mataas na antas ng kaun­laran. Ang kani­lang lipunan ay nasasaayos na sa isang porma ng pyu­dal­is­mong Asyano na pina­mu­munuan ng mga datu at mahar­lika. Tali­was ito sa mga maling panini­wala na ang mga dayuhang man­anakop ang nag­dala ng sibil­isas­yon at nag-​ahon sa ating mga ninuno mula sa pagig­ing prim­itibo. Ito ay mali, dahil tulad ng nabang­git kanina, mata­gal nang maun­lad ang mga lipunang Pilipino at nan­gun­guna sa mga ito ang mga Muslim sa Min­danao, kabi­lang na ang mga Maranao.

Ang kani­lang makuku­lay na tradisyon, panini­wala, ritwal at umuus­bon na industriya't tekonolo­hiya at pat­u­loy na uunlad kung hindi lang sana nanghi­ma­sok ang mga dayuhan. Ngunit naging mat­i­bay at tapat sila sa kani­lang kinag­is­nan sapagkat tumu­tol sila sa ganap na pananakop ng mga dayuhan. Nag-​alay ng dugo at buhay upang mapa­natil­ing buo at ori­hi­nal ang kani­lang kultura't lipunan na hang­gang sa ngayon at pat­u­loy na umuu­sad kasabay ng panahon.

Imahe mula sa Ethno-​liguistic Group­ings in Mindanao

Posted in kasaysayan, kultura, opinyon | 26 Comments