Category Archives: kwentong-buhay

Nakasama ang original barkada

Tulad ng kung kailan ako huling nag­su­lat dito, ay kay tagal din ng pana­hong muli kaming nagkasama-​sama ng aking mga ori­hi­nal na kabarkada. Hindi sila sim­pleng tropa, hindi rin sim­pleng mga kaibi­gan. Mga tunay na kabarkada at kaibi­gan. Espesyal na bahagi sila ng aking buhay sapagkat sila ay mga nakasama ko noong mga pana­hong nabubuo pa lamang ang katauhan ko ngayon. Nagkasama-​sama kami noong hayskul.

Kasama nila, una kong naransan ang umibig, mabigo, mamu­lat sa lipunang gina­galawan, man­garap, malas­ing sa pun­tong halos isuka pati ang laman-​loob, tumawa hang­gang sa mapa-​iyak dahil sa mga sim­pleng bagay lamang at abutin ng hat­ing­gabi sa kalsada dahi­lan sa sim­pleng kwen­tuhan lamang.

Hindi kami ang pinakasikat na barkada noong hayskul, pero ang bawat isa ay may pan­galang inukit sa kasaysayan ng aming hen­erasyon. (naks!) Hindi kami mga anak maya­man, mga sim­pleng tao lang, na may sim­pleng kali­gaya­han at sim­pleng mga pan­garap sa buhay. Hindi rin 'per­pekto' ang aming pag­tanda, ilan sa amin ay higit minsan nang nali­gaw ng landas, pero sa tulong ng bawat isa ay pat­u­loy na nabubuhay, hindi man sa 'tamang landas' na nak­ag­is­nan ng karami­han, pero lumikha kami ng mga sarili naming daan. Pero iisa pa rin ang aming biyahe, ang makakamit ng mag­in­hawang buhay.

Ngay­ong mala­pit na kami sa kalag­it­naan ng buhay, hindi na kami mga bata pa. Ang ilan ay bumubuo na ng sarili naming mga pam­ilya. Pero ang maha­laga at masaya, pat­u­loy pa rin ang sama­han, kahit minsan na lang sa bawat taon magkasama-​sama. Tiwala ako na mag­pa­p­at­u­loy pa ito sa mga darat­ing na pana­hon, lalong titibay, lalong lalakas at lalong magkaka­roon ng kab­u­luhan para sa bawat isa.

Posted in kwentong-buhay | Tagged | 1 Comment

Para maiba naman

2 linggo ko nang pinag-​iisipan kung gagawa ako ng bukod na blog para sa mga gani­tong uri ng posts, yung mga walang katu­tu­ran at magkuk­wento lang ako ng kung anong nang­yari sa akin sa maghapon o mga nakali­pas na araw. Bagay na hindi masyadong pagkakain­tere­san nyo o makakat­u­long sa inyo dahil hindi naman ako artista o promi­nen­teng tao. Isang sim­pleng mama­mayan lang na maram­ing pan­garap, masyadong maram­ing organ­isas­yon kin­abibi­lan­gan at gustung-​gusto nang mak­a­bili ng MacBook.

Bakit naman ako mag­boblog tungkol sa mga gani­tong bagay kahit na alam ng karami­han na hindi ako "fan" ng per­sonal blog­ging. Masyado akong seryoso sa mga sinusu­lat ko sa blog, pero dahil sa ganoong bagay, madalas ay nagkaka­roon ako ng "blogger's block." Yung hindi makapag-​blog dahil walang lumal­abas sa aking isip. Kahit na humarap pa ako sa kompyuter maghapon ay wala pa ring maisusulat.

Kaya napag-​isipan kong dito na lang sa Sum­i­lang mag­su­lat ng mga bagay na per­sonal ang dating. Pero hindi ako magkuk­wento ng kung anong ginawa ko pagk­ag­is­ing, habang naililigo, o bago mat­u­log. Mga kwen­tong buhay lang na sa tingin ko ay makakat­u­long sa inyo kahit papaano.

Pan­galawa ay matagal-​tagal na ding walang bago dito sa Sum­i­lang, at pan­gatlo, mas gus­tong kong magk­wento sa Fil­ipino o Taga­log. Tingnan nyo na lang kung gaano na kahaba ito diba? hehehe

Pang-​apat ay mag­a­n­dang ehersisyo ito para maka­pag­su­lat ako. Sabi nga sa peliku­lang "Find­ing For­rester" kapag gusto mong mag­su­lat, mag­su­lat ka lang. Mamaya na mag-​isip. Dahil ang manunulat ay nag­susu­lat, iwanan ang masyadong pag-​iisip sa mga pilosopo at pantas.

Ika-​lima, gusto ko na uling mag­su­lat tungkol sa mga nangya­yari sa ating lipunan, nang sa ganoon ay manum­ba­lik at hindi kalawan­gin ang pagig­ing pro­gre­sibo at aktibista ko. hehehe (Ewan ko lang kung masasako ng Human Secu­rity Act of 2007 ang blog na ito, tingnan na lang natin.)

Ika-​anim, dahil nga gagawin kong "pseudo-​personal" blog o mala-​personal blog ang Sum­i­lang mula ngayon, huwag sana kayong matakot o mag­taka kung bakit paminsan-​minsan ay may mga sulatin dito na sobrang iksi o mga sim­pleng sulatin lang. Hindi kasi ako mahilig sa Twit­ter kaya dito na lang sa blog. Sabi nga nila, "con­tent is still con­tent" kaya kung maram­ing con­tent ang iyong blog, maram­ing babasahin si Google Bot.hehehe

Ika-​pito, wala na sa ngayon at hang­gang dito na lamang. Bukas, o mamaya, sunud-​sunod na ang mga kwen­tong buhay, pagkoko­mento tungkol sa kala­gayan ng lipunan at mga walang katuturang-​bagay.

Hang­gang sa muli!

Posted in Daily Dose, kwentong-buhay, personal | Tagged , | 4 Comments

The State of the Nation

874 cases of human rights vio­la­tions, 99, 011 indi­vid­ual vic­tims, 14, 302 fam­i­lies in 288 com­mu­ni­ties, 282 vic­tims of extra-​judicial killings, 69 vic­tims of mas­sacres, 147 vic­tims of forced dis­ap­pear­ances, Migz Zubiri won as a Sen­a­tor, Lin­tang Bedol and Vir­gillo Gar­cil­lano are still free men, Ben­jamin Abalos will also walk away safe from all this, sol­diers are still dying in Min­danao, the Human Secu­rity Act in still in effect, Jonas Burgos and many others are still miss­ing and worst of all GMA is still the President.

Posted in Daily Dose, Pulitika, eleksyon, karapatang pantao, kwentong-buhay, opinyon | Tagged , , | Leave a comment

KABATAAN-Ateneo Chapter disowns FG Arroyo

What does "FG Arroyo" means? It means, well sup­pos­edly "First Gen­tle­man" but now the second word could mean any­thing but not includ­ing "Gen­tle­man" in light of what the fake President's hus­band has been doing for the past years. Throw­ing around law­suits to anyone who will go up against him or any other member of his family. Talk about flex­ing mus­cles and throw­ing one's weight around isn't it?

Well he had been doing just that but for­tu­nately, there are still those who are brave and right­eous enough to stand up and put up a fight. Just recently, he did some­thing no decent human being in the right state of mind would do; the story and its effects could be gleaned from this state­ment release from the Ateneo Chap­ter of KABATAAN party.

An Ate­nean must be a man for others

The First Gen­tle­man has some gall to invoke the name of the Ateneo at his appear­ance at the House Com­mit­tee Hear­ing last Jan­u­ary 23. Refus­ing to answer to Pateros Rep­re­sen­ta­tive Cayetano’s
alle­ga­tions of cor­rup­tion, Arroyo instead filed a com­plaint to the Com­mit­tee on Ethics to remove the con­gress­man from office last 2006.

“Ateneo de Manila seeks to pre­serve, extend, and com­mu­ni­cate truth and apply it to human
development…:” so says the Vision/Mission State­ment of the Ateneo de Manila University.

Clearly, Mike Arroyo does not man­i­fest the mis­sion and vision of the school thus, does not have the moral ascen­dancy to drag the name of the Ateneo in his per­sonal cru­sade to crush those who dare ques­tion his actions as a public figure and offi­cial. He does not man­i­fest the basic
prin­ci­ples of hon­esty, integrity and all the values an Ate­nean must possess.

Rep­re­sen­ta­tive Cayetano is not the first to feel the wrath of the First Gen­tle­man. In 2006, Arroyo filed sev­eral mul­ti­mil­lion libel cases against jour­nal­ists, edi­tors whose only objec­tive is to report mat­ters of public inter­est. In the end, the biggest vic­tims of Arroyo’s abuse of power are the Fil­ipino people who left with unan­swered ques­tions regard­ing cor­rup­tion issues pitted against him.

We are hon­ored to be from the Ateneo. We decry the use of the name of our alma mater by a person who refuses to be trans­par­ent in mat­ters of public inter­est. We always say that an Ate­nean must be a man for others. Mike Arroyo, clearly, is not.

Hyra Dela Cruz
Spokesper­son
Kabataan Partylist- Ateneo de Manila Uni­ver­sity Chapter

" Our sac­ri­fice is a con­cious one: it is in pay­ment for the free­dom we are building."

*This is not a paid post for KABATAAN party, this is to show my sup­port for the party in the means I can.

Posted in Daily Dose, Pulitika, kwentong-buhay | 2 Comments

Mahina na ang tubig sa Silang

Noong nasa ele­men­tarya pa ako ay takut na takot ako maligo sa umaga. Dahil dito sa Silang, bago dumat­ing ang mga ika-8 ng umaga ay napakalamig ng tubig na nag­mu­mula sa mga gripo. Paki­ram­dam mo ba'y galing sa refrig­er­a­tor ang tubig na ibubuhos mo sa iyong katawan. Sa sobrang lamig ng tubig, lalo na kapag may bagyo o kaya ay pana­hon ng tag­u­lan, mga buwan ng Oktubre hang­gang Pebrero ay nag­pa­pakulo kami ng tubig bago ito gamitin sa paliligo. 'Pag­patay' sa tubig ang tawag ng mga matatanda sa amin dito.

Bukod sa malamig ang tubig dito, malakas din noon ang tulo ng tubig. Hindi mo na kailan­gan pang buksan ng todo ang gripo dahil kahit kala­hati nito ay sapat na para mapuno ang isang balde sa loob ng mga dalawampu o tat­long­pung minuto. Mas ramdam mo ito kapag mapalad kayong may shower sa inyong banyo. Ito ang mas iki­nakaba ko sa tuwing maliligo ako sa umaga bago puma­sok sa eskwela. Nakapikit akong bubuk­san ang shower at iha­handa ang sarili sa bugso ng malamig na tubig na mag­mu­mula dito na animo'y ginagami­tan ka ng hose ng gamit sa pag­patay sa sunog.

Tiyak, pagkat­a­pos naming maligo ay nag­ma­madali kaming maka­pag­punas at maka­pag­patuyo dahil nan­gan­gatal kaming lal­abas ng banyo dulot ng lamig ng tubig dito sa Silang. Katabing bayan lang namin ang lung­sod ng Tagay­tay na kilala ng halos lahat na isa sa mga malalamig na lugar sa Pilip­inas. Kung wala kang sapat na pamasahe papun­tang Baguio, sa Tagay­tay ka na lang pumunta kung nais mong makalayo sa init ng Maynila at makalasap ng malamig na klima at makaligo sa malamig na tubig. Upland Cavite kung tawa­gin ng mga taga-​Maynila ang lugar na kinalalagyan ng Silang.

Pero noong tumuntong ako ng kole­hiyo, napansin kong hindi na ganoong kalamig ang tubig dito sa Silang tuwing umaga. Kung dati ay kinakaba­han ako sa tuwing mag­bubuhos ng tubig mula sa tabo o kaya ay bubuk­san ang shower, ngayon ay kaunt­ing lamig na lang. Minsan nga ay hina­hanap ko pa ang malamig na tubig na iyon dahil tila nagig­ing mas mainit na ang klima ngayon dito sa Silang. Yung lamig na hindi nakakan­gatal pagkat­a­pos mong maligo, yung lamig na sa unang buhos mo lang mararam­daman, nawawala na ang lamig ng tubig sa Silang.

Bukod sa pagkawala ng nakakan­gatal, nakak­ag­in­hawang lamig ng tubig, tila ay umuunti at nawawala na rin ang tubig mismo dito sa Silang. Kung dati ay kaunt­ing pihit lang ng shower ay malakas na ang bagsak ng tubig, ngayon ay kahit itodong bukas mo ito, mahina at parang gumagamit ka lang ng laru­ang rigadera o pandilig ng bata. Mas mainam at mas matipid pa ngang gumamit na lang ng tabo sa paliligo. Pero kung gusto mo pa ring mak­agamit ng shower, kailan­gang mas agahan mo ang ligo mo dito sa Silang para masulit o mag­a­mit mo ng husto ang shower. Gumis­ing at maligo ka ng mga ban­dang alas-​tres hang­gang alas-​singko ng umaga. Nakakata­mad buman­gon ng ganoong oras hindi ba? Pero walang mag­a­gawa, pagkalam­pas ng alas-​singko ng umaga ay mahina ang tulo ng tubig dito sa Silang, hindi na tulad ng dati.

Isa pa sa mga napans­ing kong pag­babago sa tubig ng Silang bukod sa paghina ng tulo nito at pagkawala ng lamig nito ay ang tuluyang pagkawala nito tuwing mawawalan ng kuryente. Tumitigil ang mga pam­bomba ng tubig ng lokal na water dis­trict dito tuwing walang kuryente. Pero noon, kahit walang kuryente ay malakas pa rin ang tulo ng tubig. Ano kaya ang dahi­lan? Saan napunta ang tubig?

Oo nga pala, naka­pag­tayo pala ng isang golf course mala­pit sa Emilio Aguinaldo Hi-​way na tumatawid sa pobla­cion ng Silang. Sala­mat sa isang dating pres­i­dente ng Pilip­inas na madalas naming nakik­i­tang pumupunta doon at humi­hithit ng kanyang tabako ay may­roon na kaming 'world-​class' na golf course sa mala­pit mismo sa bayan ng Silang.

Ang galing 'diba? Tanga...este...Angat Pinoy talaga!

Posted in kwentong-buhay, personal | 4 Comments