Kaninang madaling araw, habang nagmamadali akong gumawa ng PowerPoint presentation para sa isang seminar, nawalan ng koneksyon ang Globe Broadband ko.
Nakakainis talaga. Kung kailan kailngang-kailangan mo, saka nawawala. Buti na lang may Globe Tattoo at tumino ang 3G signal sa aming lugar kya napagtyagaan ko na kahit papaano.
Mabilis naman sya, umaabot ng 1Mbps ang koneksyon. Pero nadidisconnect pa rin kada 1 oras. Nakakainis pero buti na lang nakapag unlisurf ako.
Alas-4 na ng umaga nang natapos kong gawin ang slideshow. Tila ba sinasadya ng Globe na buwisiten ako dahil kung kailan tapos na ako gumawa ng presentasyon, saka bumalik ang koneksyon ng broadband.
Humahataw talaga ang TV5 ngayon. Bukod sa pagdagsa ng mga batikang artista na pinabayaan ng mga GMA 7 at ABS-CBN Channel 2 sa istasyong ito, may ilang mga palabas na sadyang nakakahuli sa interes ng mga manonood.
Ang magandang bunga nito, may alternatibo na sa GMA 7 at ABS-CBN na minsan naman talaga'y nakakasawa na at nakakainis lang ang kompetisyon nilang dalawa.
Pero ang pinaka-ikinatutuwa ko sa balitang ito ay ibabalik daw ng TV5 ang paborito kong programa sa telebisyon noong nasa elementarya pa lang ako, ang walang kaparis na "Batibot".
Nagsimula ito noong 1984 bilang Sesame! o Filipinong bersyon ng "The Sesame Street" na sikat noon sa Amerika. Hanggang sa naging 100% Filipino ito sa wika at laman at tawaging "Batibot" na ang ibig sabihin ay "small, but strong and robust" o maliit ngunit malakas at matikas.
Hindi malilimutan ang mga karakter sa Batibot, lalo na sina Pong Pagong at Kiko Matsing. Ang mga kwento ni Kuya Bodjie na talagang inaabangan tuwing umaga.
At shempre, hinding-hindi malilimutan ang panimulang kanta ng Batibot na siyang kinakanta ng lahat ng bata sa bansa tuwing umaga:
Ito at "Ang Huling El Bimbo" ng Eraserheads ang kabilang sa mga kantang hinding-hindi ko malilimutan.
Sana ngayong bakasyon maibalik ng TV5 ang Batibot para kahit papaano ay mapanood ko ito at makita kung anong pagbabago ang ginawa nila dito. Sana bumalik ang mga orihinal na puppet at mga karakter lalo na si Kuya Bodjie. At sana tumagal ito sa ere hanggang sa magkaroon ng muwang ang aking anak para mapanood niya rin ito.
Tulad ng kung kailan ako huling nagsulat dito, ay kay tagal din ng panahong muli kaming nagkasama-sama ng aking mga orihinal na kabarkada. Hindi sila simpleng tropa, hindi rin simpleng mga kaibigan. Mga tunay na kabarkada at kaibigan. Espesyal na bahagi sila ng aking buhay sapagkat sila ay mga nakasama ko noong mga panahong nabubuo pa lamang ang katauhan ko ngayon. Nagkasama-sama kami noong hayskul.
Kasama nila, una kong naransan ang umibig, mabigo, mamulat sa lipunang ginagalawan, mangarap, malasing sa puntong halos isuka pati ang laman-loob, tumawa hanggang sa mapa-iyak dahil sa mga simpleng bagay lamang at abutin ng hatinggabi sa kalsada dahilan sa simpleng kwentuhan lamang.
Hindi kami ang pinakasikat na barkada noong hayskul, pero ang bawat isa ay may pangalang inukit sa kasaysayan ng aming henerasyon. (naks!) Hindi kami mga anak mayaman, mga simpleng tao lang, na may simpleng kaligayahan at simpleng mga pangarap sa buhay. Hindi rin 'perpekto' ang aming pagtanda, ilan sa amin ay higit minsan nang naligaw ng landas, pero sa tulong ng bawat isa ay patuloy na nabubuhay, hindi man sa 'tamang landas' na nakagisnan ng karamihan, pero lumikha kami ng mga sarili naming daan. Pero iisa pa rin ang aming biyahe, ang makakamit ng maginhawang buhay.
Ngayong malapit na kami sa kalagitnaan ng buhay, hindi na kami mga bata pa. Ang ilan ay bumubuo na ng sarili naming mga pamilya. Pero ang mahalaga at masaya, patuloy pa rin ang samahan, kahit minsan na lang sa bawat taon magkasama-sama. Tiwala ako na magpapatuloy pa ito sa mga darating na panahon, lalong titibay, lalong lalakas at lalong magkakaroon ng kabuluhan para sa bawat isa.
2 linggo ko nang pinag-iisipan kung gagawa ako ng bukod na blog para sa mga ganitong uri ng posts, yung mga walang katuturan at magkukwento lang ako ng kung anong nangyari sa akin sa maghapon o mga nakalipas na araw. Bagay na hindi masyadong pagkakainteresan nyo o makakatulong sa inyo dahil hindi naman ako artista o prominenteng tao. Isang simpleng mamamayan lang na maraming pangarap, masyadong maraming organisasyon kinabibilangan at gustung-gusto nang makabili ng MacBook.
Bakit naman ako magboblog tungkol sa mga ganitong bagay kahit na alam ng karamihan na hindi ako "fan" ng personal blogging. Masyado akong seryoso sa mga sinusulat ko sa blog, pero dahil sa ganoong bagay, madalas ay nagkakaroon ako ng "blogger's block." Yung hindi makapag-blog dahil walang lumalabas sa aking isip. Kahit na humarap pa ako sa kompyuter maghapon ay wala pa ring maisusulat.
Kaya napag-isipan kong dito na lang sa Sumilang magsulat ng mga bagay na personal ang dating. Pero hindi ako magkukwento ng kung anong ginawa ko pagkagising, habang naililigo, o bago matulog. Mga kwentong buhay lang na sa tingin ko ay makakatulong sa inyo kahit papaano.
Pangalawa ay matagal-tagal na ding walang bago dito sa Sumilang, at pangatlo, mas gustong kong magkwento sa Filipino o Tagalog. Tingnan nyo na lang kung gaano na kahaba ito diba? hehehe
Pang-apat ay magandang ehersisyo ito para makapagsulat ako. Sabi nga sa pelikulang "Finding Forrester" kapag gusto mong magsulat, magsulat ka lang. Mamaya na mag-isip. Dahil ang manunulat ay nagsusulat, iwanan ang masyadong pag-iisip sa mga pilosopo at pantas.
Ika-lima, gusto ko na uling magsulat tungkol sa mga nangyayari sa ating lipunan, nang sa ganoon ay manumbalik at hindi kalawangin ang pagiging progresibo at aktibista ko. hehehe (Ewan ko lang kung masasako ng Human Security Act of 2007 ang blog na ito, tingnan na lang natin.)
Ika-anim, dahil nga gagawin kong "pseudo-personal" blog o mala-personal blog ang Sumilang mula ngayon, huwag sana kayong matakot o magtaka kung bakit paminsan-minsan ay may mga sulatin dito na sobrang iksi o mga simpleng sulatin lang. Hindi kasi ako mahilig sa Twitter kaya dito na lang sa blog. Sabi nga nila, "content is still content" kaya kung maraming content ang iyong blog, maraming babasahin si Google Bot.hehehe
Ika-pito, wala na sa ngayon at hanggang dito na lamang. Bukas, o mamaya, sunud-sunod na ang mga kwentong buhay, pagkokomento tungkol sa kalagayan ng lipunan at mga walang katuturang-bagay.
874 cases of human rights violations, 99, 011 individual victims, 14, 302 families in 288 communities, 282 victims of extra-judicial killings, 69 victims of massacres, 147 victims of forced disappearances, Migz Zubiri won as a Senator, Lintang Bedol and Virgillo Garcillano are still free men, Benjamin Abalos will also walk away safe from all this, soldiers are still dying in Mindanao, the Human Security Act in still in effect, Jonas Burgos and many others are still missing and worst of all GMA is still the President.