Julius Rocas

Karanasan, mga pananaw at kwentong buhay

Archive for the ‘Litrato’ Category

Litratong Pinoy: Bulaklak

without comments

Ito ang kauna-​unahang pagkakataon na sasali ako sa Litra­tong Pinoy, isang masaya at natatang­ing blog­ging project para sa mga litratis­tang pinoy na blog­ger din.

Tuwing Huwebes gina­gawa ang Litra­tong Pinoy at sa bawat linggo ay may iba't-ibang tema ang sinusunod.

Para sa ling­gong ito, ang tema ay 'bulak­lak' at narito ang aking kontribusyon:

Flowers

Isa ito sa mga bulak­lak na nasa hardin ng isang kaibi­gan ko sa Binondo, Manila. Bin­isita ko siya noong nakaraang Nobyem­bre para manga­musta. Nakakatuwa dahil kahit na nasa gitna siya ng lung­sod, napa­pa­natili niyang malu­sog at mag­a­ganda ang mga hala­man at bulak­lak sa kanyang maliit na hardin.

Bagay na gusto kong gawin din dito sa aming bahay sa probinsya.

May isang akda pa ako na gagawin upang maging opisyal na kasali sa Litra­tong Pinoy, at ito ay lal­abas sa susunod na Huwebes.

Written by jhay

February 26th, 2009 at 10:01 am

Posted in Litrato

Tagged with , ,

Paghahanda sa pagsali sa Litratong Pinoy

without comments

Para manum­ba­lik ang sigla at buhay sa blog na ito, naisi­pan kong sumali sa Litra­tong Pinoy at dito ito ilalagay.

Ang Litra­tong Pinoy ay isang ling­guhang gawain ng mga Pinoy blo­gista na mahilig sa pagkuha ng mga litrato gamit ang kani­lang mga kamera. Tulad nito ng Pho­to­Hunt na reg­u­lar(?) kong sinasaluhan pero ang Litra­tong Pinoy ay pinasim­u­lan at isi­nasagawa ng mga Pinoy.

Sana sa pagsali ko sa LP ay maging reg­u­lar ang mga bagong kwento sa blog na ito at mas humusay ako sa aking pagig­ing litratista.

Hang­gang sa susunod, magha­hanap muna ako ng mga litrato na pwe­deng isali sa LP.

Written by jhay

January 27th, 2009 at 11:37 pm

Posted in Litrato

Tagged with