Julius Rocas

Karanasan, mga pananaw at kwentong buhay

Archive for the ‘Love-life’ Category

Love 2.0

with one comment

May bagong ver­sion na ba ng pag-​ibig? Wala naman. May bagong paraan lamang ng pagha­hanap nito at ito ay sa pama­m­ag­i­tan ng internet.

Shempre nariyan na ang mga chat ser­vices tulad ng Yahoo! Mes­sen­ger, mIRC atbp. Dumagdag na nga lang ngay­ong ang mga "social net­work­ing sites" tulad ng Friend­ster, MySpace, Mul­ti­ply, Face­book etc. Kung hindi ako nagkaka­mali, bukod sa pagkaka­roon ng koneksyon sa mga nawalay na kaibi­gan at pagha­hanap ng bagong kaibi­gan, ang mga web­site na ito ay naitayo upang tulun­gan ang mga nagha­hanap ng pag-​ibig na matag­puan ang kani­lang "true love"

Pero may mga tutol o galit pa nga sa paraang ito. Wala daw delikadesa ang babaeng nag­pa­pali­gaw sa inter­net at dapat ito ay gina­gawa sa bahay. Bakit naman daw mag­pa­pali­gaw kung sa inter­net mo lang naki­lala ang lalak­eng iyon at hindi ka nga sig­u­rado kung tunay nga ang kanyang iden­tity. Marami pang dahi­lan kung bakit tutol ang iba sa paraang ito. Pero ang hindi maipagkakaila, wala na silang mag­a­gawa pa.

Ang inter­net at social media ay nan­dito na at hindi na aalis.

Ang tang­ing mag­a­gawa na lamang ay mak­iba­gay, alamin ang paggamit ng mga ito at gamitin ito ng tama at para sa ikabubuti ng iyong sarili, pam­ilya at kapwa. Ito ay mag­a­gawa lamang kung ang inter­net, chat, social net­work­ing at isama na rin ang tex­ting, ay gagamitin ng may talino at maayos na pag-​iisip.

Mahi­rap na kasi, baka gumas­tos ka sa inter­net con­nec­tion, gumu­gol ng napakaram­ing oras, dead-​mahin ang mga nanlili­gaw sa iyo o nilili­gawan mo na hindi lamang sa inter­net nila gina­gawa, padal­han mo na ng load ang ka-​text mong taga malay­ong lugar pero sa ban­dang huli ay hindi rin pala mapupunta sa iyong inaasa­han o kagustuhan.

Tapos iiyak ka, mag­ma­mak­tol ka, magpapaka-​emo ka, idadamay mo pa ang mga kaibi­gan mo online at offline, pupun­uin mo ng emo-sh*t ang bul­letin sa Friend­ster, magig­ing bitter ang mga shoutouts mo, basta!

Hindi kasi como madal­ing makatagpo ng magu­gus­tuhan sa inter­net o text ay ganun-​ganun na lang. Iba pa rin ang nakikita mo ng harap-​harapan, nakakausap mo ng walang head­set at nakaka-​holding hands mo kahit puno ng pawis ang kanyang kamay. Ang inter­net ay pan­tu­long lamang sa pagha­hanap ng makakare­lasyon, kung wagas na pag-​ibig nga o panan­daliang ugnayan, makakayanan mo ang lahat nang ito kung mula sa simula ay ginagamit mo ito ng tama at may mali­naw na kaisipan.

Napakarami na kayang EB ang nauwi sa masal­imuot na indi­anan. Gusto mong mat­u­lad o sawa ka na?

Written by jhay

April 10th, 2008 at 7:31 am

Posted in Love-life

Tagged with , , ,

Kailan ba ako huling nagsulat ng love letter?

with 5 comments

Nakakatuwa naman ang araw na ito, simula ng stu­dent elec­tions sa DLSUD pero heto ako, nasa bahay pa at nag­susu­lat. Dapat kagabi pa, pero sobrang pagod ako mula kahapon kaya nag­basa na lang ako ng emails, nag­bura ng spam at nat­u­log na.

Bakit naman nakakatuwa ang araw na ito? Sala­mat kay Sir Martin, sa kanyang post na "The Lost Art of the Love Letter" binalikan niya ang sining ng pag­susu­lat ng mga liham ng pag-​ibig.

Mula nang siya ay nasa ele­men­tarya pa hang­gang sa mag-​kolehiyo. Hindi ko mai­wasang matawa sa aking sarili dahil halos kapareho kami ng nararam­daman tungkol sa pag­susu­lat ng mga love letter. Mula sa takot at kaba sa kung ano ang isusu­lat, paano ko sisim­u­lan hang­gang sa paano ko tatapusin.

Kasama rin ang talaga namang nakakasakit ng ulo (at nakaka­suka sa ka-​cornihan) na pagsin­git sa mga gasgas nang 'love cliche' o kataga na ika ni Sir Martin, ay matindi ang epekto kapag gina­mit ng tama. Pero ang mas nakakatakot at nakakak­aba para sa akin, noon nang nag­susu­lat pa ako ng love letter at mala­mang hang­gang ngayon kapag mag­susu­lat muli ako, ay ang akto ng pag­bibi­gay o pag­pa­padala nito sa aking sinusulatan.

Sa sobrang takot, hiya at kaba ko noon (torpe! hahaha) nai­ipon ang mga love letter na sinusu­lat ko. O kaya naman, ang ibang pinaghi­ra­pan isulat at tala­gang hinana­pan pa ng mag­a­n­dan sta­tion­ary ay hindi na naipadala. Marahil magugu­lat ang mga makak­abasa nito at sasabi­hing, "Si Kuya Julius?! Kabado sa pag­su­lat at pag­bi­gay ng love letter? hahaha"
Read the rest of this entry »

Written by jhay

February 28th, 2008 at 8:53 am

Posted in Love-life

Tagged with , ,

Mahirap maging kuya

without comments

"Kuya", "Kuya Jhay", "Kuya Jules" o "Kuya Julius" ito na 99% ang mga pan­galang ginagamit ko ngayon.

Noong una ay sa bahay lang, ngayon, halos kahit saan mapunta ito ang tawag sa akin. Shempre ng mga mas nakak­a­bata sa akin mula class­mate, kak­i­lala, nakakak­i­lala at mga ka-​barkada. Sa aking pagkakaalam, malalim o hindi biro ang tawa­gin ka na "Kuya" ng mga taong nasa paligid mo.

Tulad ng isang ranggo o lebel sa mil­i­tar o kahit anong organ­isas­yon, ang tit­u­long ito ay may kadikit na kahu­lu­gan o kono­ta­syon. Kapag ikaw ay "kuya", ibig sabi­hin ay mas nakakaalam ka, mas marami kang karanasan, may­roon kang awtori­dad at ikaw ang madalas lap­i­tan ng mga taong tinatawag kang "kuya".

Mas madal­ing lap­i­tan kumpara sa "mag­u­lang" at "lolo" at "lola". Swerte ko at hindi pa ako natatawag sa kahit alin sa dalawang iyon. hehehe

Sa aking karanasan, bilang "kuya" hindi lamang ng aking mga kap­atid sa dugo, lalo't higit sa mga kaibi­gan, kak­lase, kabarkada; ako raw ang "kuya" na maaasa­han, papak­ing­gan at kahit nakakaasar, pina­pani­walaan. Ayaw kong magya­bang dahil wala naman akong monopolyo sa tama o mali, lahat ng aking mga gina­gawa at ipina­payo ay batay lamang sa aking mga karanasan, nababasa, natu­tu­nan sa iba at sar­il­ing pag-​iisip. Minsan nga ay sablay pa.

Pero duma­dat­ing ang punto na hindi lahat ay kaya kong tulun­gan, hindi lahat ng tumatawag sa akin na "kuya" ay nagig­ing masaya o may napupu­lot na aral. Mas mahi­rap pa, kapag ako ang nalala­gay sa pag­i­tan ng dalawa o higit pang mga "nakak­a­bata" sa akin. Pare­hong lumapit sa akin, sa panini­walang makakat­u­long sa kanila si "Kuya Jhay".

Ano ang aking gagawin? Ano ang aking gina­gawa? Isa sa mga nag­pat­i­bay ng pan­galan kong "Kuya Jhay" ang pagig­ing "mara­has, pranka at tap­atan" kong pakik­i­tungo o pag­bibi­gay ng opinyon o payo sa mga luma­la­pit sa akin. Ito ang paraan ko ng pagig­ing "Kuya", ang imulat at ipakita sa iba ang kato­to­hanan ng kani­lang sit­wasyon na dapat naman nilang tang­gapin o gawan ng aksyon, na kadalasan ay hindi madali para sa kanila.

Pero ang mas mahi­rap, ay yung dumat­ing ang pagkakataon na makita ng iba na "iba ang gina­gawa ni kuya jhay sa mga sinabi, payo at aral niya." Nakak­ag­u­lat, nakakawin­dang, nakakasakit sa iba, at itong bagay na ito ang labis na nakakaapekto sa akin. Sa gani­tong sit­wasyon, nau­ubu­san ako ng sasabi­hin, nawawalan ako ng maipa­payo; paanong hindi eh ako mismo ang lumal­abag sa mga sasabi­hin o ipa­payo ko.

Dito minsan ay nawawala ang tiwala, bilib at kumpyansa ng iba sa akin. At lubos na mahi­rap talaga ito para sa akin.

Kaya sa gani­tong pagkakataon, hinahanap-​hanap ko ang mga pana­hong "jhay" o "julius" na lang ang iti­natawag nila sa akin.

Kasi kahit ako, lalo na sa mga ganoong sit­wasyon, nagha­hanap din ng matatawag kong "kuya".

Written by jhay

February 17th, 2008 at 11:48 pm

Posted in Love-life

Tagged with , ,

Kapag Sinabi Ko S’yo by Gary Granada

without comments

May isang intere­san­teng thread sa Kujibiki Forums at ito ay tungkol sa pag-​ibig.

Dumat­ing na sa punto na ang topic ay napunta na dun sa mga "sawi" sa pag-​ibig, kesyo hindi sinuk­lian ang kani­lang nararam­daman, iti­nago na lang ang nararam­daman sa takot na hindi pa rin ito pansinin o suk­lian at dahil dito nabang­git ang kanta ng Kamikazee na Narda.

Naks, sapul talaga ang men­sahe ng kan­tang narda para sa mga may minama­hal, pero parang hindi mabibi­gyang katu­paran ang pag-​ibig na iyon, dahil sa tingin nila ay hindi sila bagay o sadya para sa isa't-isa.

Pero sa tingin ko ay masyadong vain ang Narda, para bang sinabi at tinang­gap mo tala­gang hindi na kayo bagay o hindi na talaga kyo para sa isa't-isa.

Pano mo naman nasabi eh, di mo pa naman nasusubukan diba?

Kaya nga sa gani­tong sit­wasyon, share ko lang itong isang love song na alam kong ngayon nyo lang siguro mababasa, pang-​aktibista kasi, hehehe

ito ay ang kantang

Kapag Sinabi ko Sayo ni Gary Granada

kapag sinabi ko sa iyo, na ika'y minama­hal
sana'y manuwaan mo, na ako'y isang mortal.
na di ko kayang abutin ang mga bituin at buwan,
o di kaya ay sisirin perlas ng karagatan.

kapg sinabi ko sayo, na ika'y ini­ibig
sanay mau­nawaan mo na akoy taga daigdig.
kagaya ng karami­han, karani­wang karansan,
dala-​dala kahit saan, pangaraw-​araw na pasan.

akoy hindi roman­tiko, sayo'y di ko mati­tiyak,
na kapag akoy kapil­ing mo, kailan ma'y di ka iiyak.
mag­a­n­dang hina­harap, sikapin nating maabot,
Ngunit kung hindi man mag­a­nap, sana'y di ikalungkot.

kapag sinabi ko syo, na ika'y sin­is­inta,
sanay yakapin mo ako, mulat ang iyong mga mata.
ang kaya­manan kong dala, ay pan­dama at kamalayan,
na natu­tu­nan sa iba na nabighani sa bayan.

halina't ating pan­dayin, isang malayang daigdig
upang doon payabun­gin isang malayang pagibig

kapag sinabi ko sayo, na ika'y sinusuyo
sanay yakapin mo ako, kasama ng aking mundo

==============

At sala­mat sa teknolo­hiya at inter­net, pwede nyo na itong mapak­ing­gan dito dahil bihira lang talaga ang nakakaalam at may kopya ng kan­tang ito.

Malu­pet diba? inaamin nitong tao lang tayo, hindi per­pekto, hindi pinak­ag­wapo o roman­tiko o ganda o sweet, nagkaka­mali, may pagkuku­lang, pero ang pinakama­ha­laga, totoo ang nararam­daman para sa ating 'sig­nif­i­cant other'

At sana, sa gani­tong pananaw, matu­tu­nan tayong tang­gapin ng mga inaasam natin, nakz naman, hehehe

So ano masasabi nyo?

Written by jhay

November 4th, 2007 at 10:46 pm

Posted in Love-life,music

Tagged with , , ,