Archive for the ‘personal’ Category
Ngayong sembreak at walang pasok ay maghapon ako sa bahay. Walang ibang gagawin kung hindi ang umupo sa harap ng kompyuter at magbasa nang magbasa ng mga blogs, maghanap ng mga mp3, magbasa ng mga balita at mang-away ng mga tao sa forums. (Biro lang,
)
Shempre hindi talaga maghapon akong nakababad sa harap ng kompyuter. Papatayin ako ng nanay ko kapag ganoon. Nagpapahinga rin kaming dalawa ng kompyuter ko. Lalo na kapag hapon at mainit na sa kwarto ko dahil nakatutok na ang sikat ng araw. Para bang pugon ang aking kwarto sa init.
Read the rest of this entry »
Ngayon, ang pinsan kong si Diana, na nagmula sa Noveleta, Cavite ay sinasalinan ng dugo sa San Lazaro hospital. Siya ay may sakit na Dengue. Kagabi ay dinala na siya sa ospital dahil malubha na ang kanyang kalagayan. Hindi naman inakala ng kanyang mga magulang na dengue ang sakit niya, hindi rin naman ganoon kadami ang alam nila tungkol sa dengue at mga sintomas nito kaya inakala nilang trangkaso lang ang dumapo sa kanya.
Matibay ang pananalig kong gagaling din siya at manunumbalik ang kanyang dating lakas. Lubos akong magpapasalamat at ang Dakilang Manlilikha na rin ang gaganti sa inyong mga mag-aalay o isasama sa kanilang mga panalangin ang paggaling ng aking pinsang si Diana.
Walang dahilan upang hindi ito loobin ng Manlilikha. Mabait, masipag, tapat at mapagmahal na anak si Diana. Nakakalungkot lang na dahil sa layo ng kanilang bahay ay hindi kami ganoong malapit sa isa't-isa, kahit kami ay magpinsang buo. Nagkikita at nagkakasama lamang kami kapag kaming mga taga Silang ay pupunta sa kanilang kapistahan. Isa itong petsa sa kalendaryo na lagi naming inaabangan, dahil laging masaya ang pista sa kanila.
Kaya sa paggaling ni Diana, at sa pagdating ng kanilang pista sa susunod na taon, uubusin ko ang maghapon kong kasama ko sila.