Hindi lang si Palparan, isama si GMA

Kahit papaano ay may positibo namang lum­abas sa Melo Com­mis­sion na nlikha upang imbesti­ga­han ang mga kabi-​kabilaang pag­paslang sa mga mama­mayan par­tiku­lar ang mga aktibista, mamama­hayag at sim­pleng sibilyan at karami­han ay kung nasaan pa ang mga militar.

Sa ulat ng Inquirer.net na kung saan inirekomenda ni dating SC Jus­tice Jose Melo na may pananag­utan si retired Gen. Jovito Pal­paran sa mga pag­paslang na ito dahi­lan sa "com­mand respon­si­bil­ity" dahil ang mga pag­paslang ay naganap sa lugar na kani­lang at pana­hon panunungku­lan sa militar.

Si Pala­paran ay binansagang "berdugo" ng mga pro­gre­si­bong sama­han, mga aktibista at mamama­hayag dahi­lan sa kanyang kon­trober­syal na paraan na pan­gangam­pa­nya kontra sa insurekyson ng mga maka-​Kaliwang grupo.

Ang tanong na lang ay kung may maha­la­gang o konkre­tong aksyon na ibubunga ang ulat at rekomen­dasyon ng Melo Commission.

Pero may ilang tanong din na tumu­tum­bok o nan­gan­gahu­lu­gan ng isang mas maha­la­gang punto na maaar­ing magsabi kung may mangya­yari ba talaga o mababaon na lang sa limot ang isyung ito at ang ulat ng komisyon. Sinabi ni Melo na:

“But we don’t want to tag the whole mil­i­tary estab­lish­ment, only ele­ments of the mil­i­tary who were allowed to do their thing with­out super­vi­sion from higher officers,”

Sa aking pag­didiin, mali­naw na sinasabing pin­abayaan ang mga sun­dalo at mga opisyal na ito na gawin ang kahit anong gusto nila. Mali­naw ding ibig sabi­hin nito na ang mga gani­tong uri ng tak­tika at polisiya ay "okay" lang sa AFP. Kung may magreklamo man o makakita at mahabag sa mga kaba­bal­aghang pinag­ga­gawa ng mga mil­i­tar, magsampa na lang ng kaso, reklamo at mag­paimbestiga. Ang saya diba?

Bukod pa dito, bakit si Pal­paran lang at iba pang mga mil­i­tary com­man­ders ang sinasabing may pananag­utan sa mga pag­paslang na ito sa dahi­lang "com­mand respon­si­bil­ity"?
Dahil kung "com­mand respon­si­bil­ity" man lang ang base­han, dapat ding man­agot ang pinaka­mataas na opisyal ng mil­i­tar; ang Commander-in-Chief dahil respon­s­able din siya sa lahat ng kilos ng mga sun­dalo at mga nakak­aba­bang opisyal ng militar.

Pero sino nga ba ang Commander-in-Chief? Sino nga ba uli Garci?

This entry was posted in karapatang pantao, opinyon. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>