Julius Rocas

Karanasan, mga pananaw at kwentong buhay

Hindi nakasasapat ang pera  

Dalawa ang kahu­lu­gan nito:

1) lit­eral na hindi nakasas­apat ang pera sa mga pan­gan­gailan­gan mo.

2) Hindi nakasas­apat ang pera, gaano man ito kalaki, para masabing masaya ka sa gina­gawa mo.

Kapag sinabi namang masaya sa gina­gawa mo, maram­ing pwe­deng maging dahilan.

Kung sa tra­baho, ayaw mo sa mga katra­baho mo. O kaya ayaw mo sa mga boss mo, o ayaw mo sa kul­tura at kala­gayan ng iyong tra­baho o lahat nang ito.

At dahil dito, kahit pa mag­a­nda o sapat ang iyong kita, maayos ang iyong mga katra­baho, hindi ka magdadalawang-​isip na umalis at lumi­pat ng ibang trabaho.

Sadyang ganito talaga kapag nasa bansa ka na lim­i­tado ang mga pag­pip­il­ian, lalo't ang mga nati­ti­rang pag­pip­il­ian ay hindi tugma sa pagkatao, pinag-​aralan, o gusto mong gawin.

Hindi kalayaan ang iyong hina­hanap, kung hindi kaginhawaan.

Written by jhay

September 19th, 2011 at 11:25 am