Julius Rocas

Karanasan, mga pananaw at kwentong buhay

Hindi pa tapos ang pasko para sa AFP?  

2008 na, pero mukhang nasa pana­hon pa rin ng pasko at paghi­hiling ang AFP.

Min­ungkahi nito na buhayin muli ang national ID system, nang sa ganoon ay tuluyan daw masugpo ang mga rebeldeng NPA at mga teror­ista. Talaga lang ha?

Ang mungkahi/hiling na ito ay base sa sinabi nilang ito na raw ang pinaka-​mahinang estado o kala­gayan ng NPA sa loob ng 20-taon, kung saan 6,000 na lang daw ang mga akti­bong rebelde na nakalat sa buong bansa.

May mga dagdag 'kahilin­gan' din ang militar:

  • Buhayin muli ang ROTC
  • Dagdag na P3.5 bily­ong piso para sa kani­lang mga programa
  • Karagda­gang 6 na bataly­ong sundalo
  • Karagda­gang 20 kom­pa­nya ng mga CAFGUs

Nahi­hibang na ba talaga ang mil­i­tar? Kung totoo nga na ngayon na ang pinakamahi­nang estado ng mga NPA sa loob ng 20-taon, bakit pa nila kailan­gan ng karagda­gang armas, pondo, sun­dalo at isa­s­ailalim muli ang mga kabataan sa kara­hasan at puno ng korup­sy­ong mundo ng ROTC?

Marahil ibig sabi­hin nito ay mas malaki ang nala­gas sa kani­lang panig kaya humi­hingi sila ng mga dagdag pwersa at kagami­tan. Muli, para saan ang mga pagsasanay na natatang­gap nila mula sa mga Kanong sun­dalo? Hindi ba dapat naging mas 'effi­cient' at hindi matakaw sa rekurso ang operasyon ng mil­i­tar dahil sa mod­er­nong pama­ma­raan ng pakikipaglaban?

Tapos na ang pasko, kung may hahabol man sa kani­lang mga kahilin­gan na dapat tugu­nan ng pama­ha­laan ay wala nang iba pa kung hindi mga pam­pub­likong paar­alan at pamantasan.

Written by jhay

January 8th, 2008 at 10:03 am

Posted in opinyon

Tagged with , , ,

  • http://awbholdings.com/blog/ Arbet

    Eto ang wish ko para sa mga hen­eral ng AFP:

    * brain lobot­omy
    * one-​week inten­sive course in logic