Julius Rocas

Karanasan, mga pananaw at kwentong buhay

Hipokrito ang militar  

Noong nakaraang Hunyo ay nagka­roon ng isang forum sa Paman­tasang De La Salle Das­mariñas tungkol sa komu­nismo sa Timog-​Katagalugan. Ito ay pinagsamang proyekto ng Kole­hiyo ng Malalayang Sining, Kole­hiyo ng Pag­pa­p­atu­pad ng Batas at Cavite Stud­ies Center.

Bidang ispiker ang mga kuman­der ng South­ern Luzon Com­mand - AFP sa nat­u­rang forum na dinaluhan ng mga mag-​aaral na kumukuha ng Krim­i­nolo­hiya, Agham Puli­tika, at mga pakul­dad mula sa Depar­ta­mento ng Agham Pan­lipunan, atbp.

Kasama ko sina Sir Edwin at Sir Lukcy mula sa Sentro sa Pag­pa­paun­lad ng Pamayanang Lasalyano o Lasal­lian Com­mu­nity Devel­op­ment Center at ang Pan­gulo ng Uni­ver­sity Stu­dent Coun­cil na si JM Amihan upang makinig sa pre­sen­ta­syon ng mga sun­da­long nakata­laga sa Kabite. Ang kani­lang paksa ay tungkol sa "banta ng komu­nismo" sa Timog-​Katagalugan. Ang mga forum na ito ay bahagi mala­mang ng kam­pa­nya ng AFP laban sa inser­gensi at komu­nismo, par­tiku­lar ang pagkakalat ng pro­pa­ganda, este "edu­ca­tional forums" upang "mali­wana­gan" ang mga mag-​aaral at kabataan tungkol sa Komu­nismo sa Pilipinas.

Baga­man hindi namin nasim­u­lan ang pro­grama, nala­man namin na naglek­tyur ang mga mil­i­tar tungkol sa kung ano Komu­nismo, sinu-​sino ang mga Komu­nista, at paano sila kumik­i­los upang makamit ang kani­lang mga layunin. Bagay na hindi papaya­gan ng estado, sim­ba­han at militar.

Hindi ko na idede­talye ang mga sinabi ng mga mil­i­tar mula sa Southern-​Luzon Com­mand dahil shempre, ito ay may bias sa kanila. Ilan lamang sa mga bagay na iki­nalaglag ko sa aking upuan dahil sa kakatawa ay ang mga sumusunod:

  • Ang mga komu­nista daw ang dahi­lan kung bakit pat­u­loy na naghi­hi­rap ang Pilip­inas. Hindi raw namu­muhu­nan ang mga dayuhang kap­i­tal­ista sa ating bansa dahil sa takot nila sa mga Komu­nista at rebelde.
  • Mas pina­pa­ha­la­ga­han pa rin daw ng gob­y­erno ang edukasyon kaysa sa gas­tusin ng militar.
  • Hindi raw mai­wasan ng mga sun­dalo ng bar­ilin ang mga bata, babae, matanda at iba pang sibilyan sa mga malalay­ong probin­sya dahil kapag sila ay naki­tang (nakita lang ha, hindi pa kum­pir­madong mga NPA nga) kasama ng mga hini­hi­nalang NPA ay NPA na rin sila kaya pwede nang pag­babar­ilin. Kung tamaan daw sila ay pau­man­hin na lang at iyon ay col­lat­eral damage o casualty.
  • Ang mga NPA daw o miyem­bro ng Par­tido Komu­nista ng Pilip­inas ay nag­pa­padala ng mga recruiter at infil­tra­tors sa mga paman­tasan upang mag-​organisa ng mga grupong aktibista at lumikha ng kag­u­luhan sa mga nat­u­rang pamantasan.
  • At ang pinaka-​nakakatawa ay ang AFP daw ang unang guma­galang sa mga batayang kalayaang demokratiko at kara­p­atang pantao na naka­paloob sa ating Sali­gang Batas tulad ng

    "...free­dom of speech, of expres­sion, or of the press, or the right of the people peace­ably to assem­ble and peti­tion the gov­ern­ment for redress of griev­ances." Art. III, Sec. IV 1987 Constitution

Dito ako labis na natawa dahil nakita mismo ng mga guro, admin­istrador at pakul­dad na naroon sa forum kung paano ito harap-​harapang nila­pas­tan­gan ng mga kuman­der mula sa Southern-​Luzon command.

Nang­yari ito nang sin­im­u­lan ang open forum at nag­tanong ang isa sa mga guro. Bakit daw mas malaki ang gina­gas­tos ng gob­y­erno sa PMA saman­ta­lang paliit nang paliit ang badyet para sa UP at iba pang pam­pub­likong paman­tasan at kolehiyo?

Dahil "nahuli" sa tanong na iyon, at medyo nagka­mali sa bari­rala o gram­mar ang nat­u­rang guro kung saan nasabi niya na nasa ilalim ng DepEd ang PMA na siya namang itin­uwid ng hen­eral sa paraang ganito:

Tuwing mag­pa­p­at­u­loy sa pag­tatanong ang guro mula sa De La Salle, magsasalita din ang hen­eral sa mas malakas at mataas na tono ng pananalita. Dagda­gan pa ng paggamit ng mikro­pono at tala­gang hindi na nar­inig ang boses ng gurong nag­tatanong lang naman.

Dahil dito, hindi na naka­pagsalita pa ang nat­u­rang guro, samakatuwid, nila­pas­tan­gan ng AFP ang kanyang kara­p­atang maka­pagsalita at maka­paghayag ng kanyang saloobin.

"We in the AFP are among the first to respect and uphold Human Rights and other demo­c­ra­tic freedoms."

Kaloko­han!

Ang mas nakakalungkot pa nito, ni wala man lang kahit isa mula sa mga pakul­dad, admin­istrador na mula sa De La Salle Das­mariñas ang tumu­long at umalalay sa kani­lang "col­league" na sa harap nila mismo, sa sarili nilang paman­tasan ay binas­tos at nila­pas­tan­gan ang mga karapatan.

Sa halip, tango at tango muli ang kani­lang gina­gawa sa bawat sinasabi ng mga mil­i­tar. Tsk tsk tsk

Ang lalakas pa namang tawa­gin ang mga sar­il­ing "Lasallians."

Written by jhay

July 19th, 2007 at 7:56 pm

  • http://tesstermulo.com Prudence

    The ways of the mil­i­tary are based on fear and author­ity, not on ratio­nal­ity. It's fear­some because one cannot ensure his own sur­vival by being the ratio­nal being that he is. Now that's scary.

    Nakakalungkot ngang isipin na ganun ang nang­yari. For a uni­ver­sity that upholds reason and ratio­nal­ity, hindi dapat pin­abayaan ang maging ganun.

    Pero mahi­rap bumangga sa mil­i­tar. I couldn't really blame some people for trying to play it safe while they can.

  • http://jrocas.com.ph jhay

    Nakakalungkot talaga na ganoon ang nang­yari. Naturingang may mga mas­teral at doc­toral degress pa naman ang mga pakul­dad na iyon. Tsk tsk tsk

  • uyri

    alam naman nating masyadong mapan­garap ang mga kap­atid natin sa mil­i­tary. kahit papaano naman kasi ay nais din nilang maka­paglingkod sa mama­mayan. ngunit sa sina­mang palad, ang mama­mayan na nais nilang paglingku­ran ay hindi naman talaga mga mama­mayang kara­pat dapat paglingku­ran pa sapagkat mayaya­man na ito at tunay na mapang-​abuso. kun­s­aba­gay, may pam­bayad ba naman ang mga dukhang pinoy sa ser­bisyo ng mga mil­i­tar (ser­bisyo kat­u­lad ng baril na hindi naman pumuputok sa harap ng kal­a­ban) harharhar kaya't ang masasabi ko lang, ang mani­wala sa mga pinagsasabi nila ay bulag, pipi, at bingi.

  • uyri

    para naman sa mga pakul­dad na walang imik...nakapagtataka pa ba iyon? sinanay kasi sila ng paman­tasang humubog sa kanila kung sa papaanong paraan man­anahimik sa gitna ng pan­gaalipin at paghi­hi­rap. kaya't sig­u­rado ko, k(iyong mga nanahimik na lang) kapag bini­gyan sila ng pag­susulit tungkol sa paba­galan mag-​isip, at paman­hi­dan, sig­u­rado ko, kuha nila ang PER­FECT SCORE!!! sowie! hehe­hehe