Huwag itago, tuluyang ibasura
Huwag masyadong magpapalinlang sa balitang ito mula INQ7.net; "Constitutional assembly ‘dead’ -- De Venecia"
Ito ay mga kataga mismo ni JDV kung saan sinabi niya na patay na raw ang Con-ass at ang resolusyong nagtutulak dito, ang House Resolution no 197 ay ilalagay na raw sa mga arkibo o archives ng Mababang kapalungan. Patay na nga naman ang Con-ass ano?
Pero mag-ingat dahil ito ay isa lamang palabas nina JDV, nagsasagawa na naman sila ng isang sarswela para tuluyang lumamig ang mga ulo ng taumbayan na inoorganisa ngayon ng CBCP para magrally sa Linggo sa Luneta park.
Walang kasiguruhan ang hakbang na ito para patayin ang Con-ass dahil kailangan lamang ng isang "no" vote ay hindi mapupunta sa Archives ang HR no 197. At kahit sabihin pa ni JDV na naniniwala siyang aaprubahan ito ng mayorya, makakapaghugas kamay siya dahil hindi sa kanya mapupunta ang sisi at galit ng mga tao kapag nanatiling aktibo ang HR 197, ito ay mapupunta sa kung sino mang boboto ng "no" para isama sa Archives ang naturang resolusyon.
Trapong trapo hindi ba? Ilipat at ibaling sa iba ang pressure at maduming trabaho nang sa ganoon ay manatiling malinis ang iyong kamay at hindi ka kamuhian ng mga taumbayan na siya ring botante. Ito rin ang dahilan kung bakit sinasabi niyang,
De Venecia said with the death of efforts to push the constituent assembly, he no longer saw any reason for the Church-initiated prayer rally at the Luneta on Sunday.
“I don't see any purpose†for the rally, he said.
Kunwari pa siya, alam niya kasing makikita ng iba pang mamamayan at ng buong mundo ang dami ng mga taong ayaw sa Con-ass, ayaw sa makasariling pagkilos ng House of Representatives, ayaw sa mga pinaggagagawa nina JDV. Ang laki ng rally sa Linggo ay magiging kumpirmasyon na ang mga trapong tulad nina JDV ay hindi na mabango para sa mga tao. At para hindi lalong umalingasaw ang kanilang baho, ginagawa nila ang kaya nilang gawin para hindi matuloy ang rally.
Pasensyahan na lang sa mga Tongressmen, sobra sobra na kasi ang ginagawa niyo.
Tama na! Palitan na!
-
whatever
-
http://sumilang.jrocas.com.ph jhay
-
http://echomixednuts.blogspot.com manzkee