Baka isipin ng iba na como nag-iba ng bahagya ang tono ng pananalita nina JDV at ng Administrayong Arroyo kung saan isinusulong nila ngayon ang isang Constitutional Convention sa halip na Constituent Assembly, ay maayos na ang lahat at pwede na tayong mag-relax. Hindi pa.
Kung susuriin ng mas malalim ang mga pahayag ni JDV kaugnay sa biglaang pagbabago ng kanyang tono tungkol sa CHA-cha, mapapansing umiiwas lang sila sa 'pressure' mula sa CBCP, El Shaddai at ng iba't-ibang sektor ng lipunan at ibinato ang bola sa Senado. May drama pang nalalaman si JDV na ganito:
De Venecia immediately passed the buck to the Senate, giving the upper chamber 72 hours beginning Monday -- or until Thursday -- to pass a resolution calling for a constitutional convention or the House would continue to convene a constituent assembly and approve changes to the Charter.
“On behalf of the House and the Filipino people who clamor for constitutional reforms to provide the lasting structures for political stability and economic growth, we challenge the Senate to muster immediately the constitutional requirement of two-thirds vote of its members to call foe the election of [delegates to the] constitutional convention,†De Venecia said.
72 oras o tatlong araw ang ibinibigay niyang sa Senado para sagutin ang hamon niya na magdesisyon kung sasang-ayon ba ito sa Con-con o hindi. Malinaw na ipinapakita nito na ang House of RepresentaTHIEVES talaga ang may gusto ng CHA-cha, at kalokohan ang bukambibig nila na mayroong "overwhelming clamor for constitutional reforms." Kung totoo ito ay sana'y nagtagumpay ang 'people's initiative' pero dahil ito naman ay peke at malaking pagmamaniobra lamang ng kasalukuyang administrasyon, ibinasura ito ng Korte Suprema.
Hanggang ngayon ay garapal pa rin sila. Sila pa ang may lakas ng loob na magbigay ng taning sa Senado, samantalang nasa kanila naman ang problema. Silang ang may apog na hamunin ang Senado na siya namang kapantay nila na sangay ng gobyerno o 'co-equal branch of government.' Sila lang ang nagmamadali, sila lang ang atat, dahil sila lang talaga ang makikinabang.
Garapal talaga. Kung ganito ang asta ng mga kasalukuyang Kongresista, paano pa kaya kapag sila naman ang naluklok sa ipinipilit nilang "Parliament"?
Tama lang ang gagawing pagkilos ng mga tao sa pangunguna ng CBCP, El Shaddai, Bayan Muna, UNO at iba pang grupo na kontra sa ginagawang kalokohan at kasakiman ng mga Kongresista. Dahil dito, lalo nating nakita ang tunay na kulay ng Administrasyong Arroyo, JDV at iba pang mga Kongresista na sakim sa kapangyarihan.
Tuloy ang sulong kontra CHA-cha!







hi there. lagi ko nakikita posts mo sa pinoyblog.com. nakakatuwang basahin ang mga sinusulat mo. keep it up. btw we have syndicated your blog at http://www.philippinestoday.net - sana okay lang sa yo. happy posting!
Hello kathy, salamat sa pagbisita at sa positibong komento. Maraming salamat din at ibinabahagi mo sa inyong site ang mga sinusulat ko. Maraming maraming salamat talaga.
I-link up ko din ang mga sites mo.