Walang internet kasi walang kuryente kaya walang magawa sa bahay. Pero maganda na rin dahil nagawa ko ang ilang mga bagay na nalimutan na dahil sa pagiging adik ko sa internet. Hindi ang paggagawa ng mga assignments o school work, kung hindi ang pagbabasa ng mga librong nasa bahay. Hindi kasi lahat ay binili ko.
Sa dalawang maghapon na nasa bahay lamang ako, (lago! Hindi pumasok!) natapos ko sa isang higaan ang mga dalawang libro ni Bob Ong. Una ang MacArthur na sinimulan at natapos ko din kahapon ng Lunes at pangalawa ang Stainless Longganisa na sinimulan kong basahin matapos ang tanghalian at kakatapos lamang ngayong mga oras na ito. 3:11pm kung gusto mo talagang malaman.
Nakakaaliw at lubusan ko nang nauunawaan kung bakit kumakalat ang mga text quotes na base sa mga libro ni Bob Ong. Sadyang kapupulutan ang ito ng aral at kalokohan. Kayo na ang maghusga kung alin sa dalawa.
Dahil hindi naman ako atleta, hindi ako musikero, hindi ako mananayaw, hindi ako nagsasayang ng pera sa gym, isa akong manunulat.
Dahil sa pagbabasa muli ng libro, naenganyuhan uli akong magsulat o magkwento. Ebidensya na ngayon ang inyong binabasa. Dahil hindi naman ako atleta, hindi ako musikero, hindi ako mananayaw, hindi ako nagsasayang ng pera sa gym, isa akong manunulat. At ito ang ginagawa ko ngayon. Hindi pa man nakakapagsulat ng isang libro, pero sa patuloy kong pagba-blog, ilang hakbang, magiging ganap na akong manunulat. Pero pormal pakinggan ang titulong iyon, mas gusto kong madinig ang designasyong “kwentista” o taga-kwento.
Sana sa mga susunod kong kwento ay kasama ko kayo. Hindi niyo kailangang magsalita agad, pero kung gusto nyo ay mas astig ang ganoon, samahan niyo lang ako ay masaya na ako.
(ang totoo nito, kailangan ko nang tapusin ang maiksi at biglang intro na ito dahil wala pang kuryente at malapit nang maubos ang baterya ng laptop ko. Viva Meralco!)
















0 responses so far ↓
There are no comments yet...Kick things off by filling out the form below.
Leave a Comment