Julius Rocas

Karanasan, mga pananaw at kwentong buhay

Inutil ang ITC?  

Matagal nang uso ang USB drives na unti-​unting puma­palit sa mga diskette bilang gamit na pag-​save o pagin­gat sa mga data na nakukuha mo sa inter­net; ris­erts, gawaing bahay, lyrics, atbp.

May libreng inter­net ser­vice ang aming paman­tasang De La Salle Dasmariñas, pero mas gaganda ang kani­lang ser­bisy­ong aming bin­aba­yaran kung papaya­gan na nila ang paggamit ng mga USB drives sa ERS, kung saan doon nakakapag-​internet kaming mga mag-​aaral ng libre, kahit may palugit na isang oras ang bawat sesyon.

Sa ngayon ay hindi pina­paya­gan ang paggamit ng USB drives sa ERS dahil sa mga seguri­dad daw ng mga com­put­ers, na baka magka­roon ng mga virus, mal­ware, spy­ware, atbp.

Sa tingin ko, at kasama ko ang karami­han sa mga kapwa ko mag-​aaral sa Paman­tasang De La Salle, ay mababaw at hindi ito sapat na dahi­lan upang ipag­bawal ng mga admin­istrador ng ERS ang paggamit ng mga USB drives.

Ano pa ang silbi ng ERS kung hindi mo rin pwe­deng "i-takeout" ang mga nare­search mo kung hindi mo naman siya kailan­gan i-print.

Para­noid dahil sa virus? Mal­ware? Tro­jans? at Worms? Sus maryosep!

Hindi ba nila alam gumamit ng mga fire­walls, anti-​spyware at anti-​virus softwares?

Huwag nilang idahi­lan na hindi masyadong marunong gumamit tayong mga estudyante ng mga ganoong soft­wares dahil nasanay na tayo na required sa karami­han ng mga com­puter shops na mag-​scan muna ng mga diskette at USB drives bago ito buksan.

Bakit sa mga opisina ng mga fac­ulty, mga admin ay nagli­pana ang mga USB drives na ginagamit ng mga emp­leyado saman­ta­lang tayong mga mag-​aaral na nag­pa­pa­suweldo sa kanila at guma­gas­tos para magka­roon ng com­put­ers ang ERS ay hindi pwe­deng gumamit ng USB drives?

Sana ay mga taga ITC ba nag­babasa ng mga threads doon sa "Sug­ges­tion Box" nila sa stu­dents forum ng MyDL­SUD portal at sana ay may mak­abasa ng sulat­ing kong ito. Sana naman ay may­roon at makita ang hinaing naming mga mag-​aaral at tugu­nan ang aming mga pangangailangan.

Written by jhay

August 15th, 2006 at 9:00 am

Posted in Daily Dose

  • kqt

    tama! mag­a­l­ing mag­a­l­ing mag­a­l­ing..