JhayR//

Braingasms or brainfarts, photos & life

JhayR// header image 2

Isa pa la akong alahas!

March 25th, 2008 · 1 Comment · Daily Dose

Biro lang. Hindi ako alahas. Ako ay tao. Ako ay si Julius Rocas, hindi Roxas, hindi rin Rojas, bagkos Rocas.

Sala­mat sa isang artiku­long ito mula sa the Wall Street Jour­nal kung saan sinasabi na mahi­rap burahin ang iyong marka sa Inter­net, lalo na kung ang mga markang ito ay hindi mo gusto o hindi makak­abuti para sa iyong pan­galan at pagkatao.

Sino ba naman ang walang Friend­ster, blog, Mul­ti­ply, Twit­ter, e-mail address atbp pang iden­tity sa inter­net ngayon? Halos lahat ay may­roon diba?

Pero sa dami ng mga web­site na ito at dahil wala tayong gina­gawa kung hindi ikalat sa inter­net ang ating pagkatao sa pama­m­ag­i­tan ng blog­ging, social media, twit­ter at iba pa, hindi natin nama­malayan na madali na pala tayong mahanap sa pama­m­ag­i­tan lamang ng isang "Google search".

Ito ang ginawa ko kanina. Hinanap ko sa Google ang aking pan­galan "Julius Rocas" at narito ang resulta:

jrocasgoogleseach

Karami­han ng resulta ay mula sa mga blogs ko, sa aking Friend­ster, LinkedIn, Mul­ti­ply at Twit­ter accounts. Masasabi kong mali­nis at dis­ente ang mga web pages na makikita nyo kapag nag-​click kayo sa kahit anong mga links na ibibi­gay ni Google tungkol sa aking pan­galan. :D

Hindi ito kat­u­lad ng ibang tao na nabang­git sa artikulo mula sa Wall Street kung saan sila ay nagkaprob­lema tuwing hahanapin sa inter­net ang kani­lang mga pan­galan. May­roong litrato nila noong sila ay mataba pa, may­roong may account sa MySpace na hindi mag­a­n­dang mabasa ng kanyang employer, may­roon namang napag-​tripan lang ng mga kaibi­gan na "babuyin" ang kanyang imahe sa inter­net. Mga bagay na lub­hang nakaapekto sa kanila sa negat­i­bong paraan.

Pero ang isa sa mga bagay nakita ko sa aking pagha­hanap ay ang web­site na ito: Rocas - A world of Gems na matatag­puan sa gani­tong web address: (http://​www.​rocas.​com.​mt/​i​n​d​e​x​2​.html)

Wala akong kinala­man sa may-​ari ng web­site na iyon na si Ramona De Bat­tista, at hindi ko rin siya kamag-​anak. Nagkataon lang na nagus­tuhan niyang gamitin ang "Rocas" bilang pan­galan ng kanyang negosyo na guma­gawa ng mga alahas at eksperto sa mga mama­hal­ing bato.

At dahil sa kanya, nala­man kong ang "Rocas" pala ay isang sal­i­tang Kastila na nangangahulugang:

ROCAS is Span­ish for solid rocks

Buti na lang at JROCAS dot COM dot PH ang domain na kinuha ko para sa The Four-​eyed Jour­nal noong una kasi ay ROCAS dot COM dot PH lang sa pag-​aakalang mahi­himok kong mag-​blog din ang aking mga kap­atid o kamag-​anak. ;) Kung nagkataon pala ay pareho kami ng domain at mala­mang ay nagka­roon ng problema.

Nakaka­mangha talaga ang inter­net at ang pagig­ing aktibo dito. Maram­ing malala­man at madidiskubre kapag ang pan­galan mo mismo ang hahanapin mo dito.

Nasubukan nyo na ba ito?

Tags: ···

One Comment so far ↓

Leave a Comment