Jollibee vs KFC Mascot sa pagsayaw ng “Nobody”

Isang pata­las­tas muna para kahit papaano ay mapawi ang pagod, pangamba, hinag­pis at paghi­hi­rap ngay­ong dinaranas natin ang mga kalami­dad na idin­u­lot ng bagy­ong Ondoy.

Ang video ay kinuha bago dumat­ing ang bagy­ong Ondoy, pero mag­a­n­dang hal­im­bawa na kahit kung ang mga magkakaribal sa indus­triya ng pagkain ay kayang magsama sa isang gawain, kayang-​kaya ng mga Pilipino na magkaisa para makat­u­long sa mga nan­gan­gailan­gang kababayan.

Ang hindi ko lang masik­mura ay ang hindi pag­tu­long ng Jol­libee branch sa Kalin­isan, Bacoor, Kabite sa mga taong nagha­hanap ng masisilun­gan noong kasagsagan ng bagy­ong Ondoy. Sabi ng aking kaibi­gan na mis­mong nakakita nito, pinaalis daw ang mga taong sum­i­long sa loob ng Jol­libee kahit na matindi ang ulan sa labas at halos umabot sa dibdib ang baha.

Nakaka­suk­lam! Naturingang ang Jol­libee ay tubong-​Pinas at Pilipino ang may-​ari nito.

This entry was posted in Uncategorized and tagged , , . Bookmark the permalink.

2 Responses to Jollibee vs KFC Mascot sa pagsayaw ng “Nobody”

  1. arsh says:

    :) )

    kuya
    may mali din p0 ang mga empleyad0 ng nasabing fast food chain ngunit para po sa aking pananaw di po tama na pag­balin­gan agad ntin ang may ari ng j0libee dhil ang mga empleyad0 tlga ang my kasalanan
    cgur0 po
    kulang cla ng m0ral ethics pag dating sa pag ttrab­haho
    :) )
    per0 mas mganda nga sana kung tin­u­lun­gan nla ang mga ta0ng gipit ng mga panah0ng iy0n

    • jhay says:

      Kap­atid,

      Ang mga gawain ng mga emp­leyado sa oras ng tra­baho ay gawain din at pananag­utan ng kani­lang mga amo at may-​ari ng kom­pa­nyang kani­lang pina­pa­sukan.

      At mal­abong gawin ito ng mga emp­leyado kung walang utos o pahin­tu­lot ng pamunuan o man­age­ment.

      Pero tama ka at kailan­gan silang mag-​aral muli ng tamang pakikipagkapwa tao.

      PS
      Sana sa susunod ay nasa wastong baybay ang mga pan­gun­gusap o sen­tences mo. Hindi kasi tinatang­gap sa blog na ito ang jeje­nese o mala-​jejenese na pagkaka­su­lat ng mga komento. :D

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>