Kailan ba ako huling nagsulat ng love letter?

Nakakatuwa naman ang araw na ito, simula ng stu­dent elec­tions sa DLSUD pero heto ako, nasa bahay pa at nag­susu­lat. Dapat kagabi pa, pero sobrang pagod ako mula kahapon kaya nag­basa na lang ako ng emails, nag­bura ng spam at nat­u­log na.

Bakit naman nakakatuwa ang araw na ito? Sala­mat kay Sir Martin, sa kanyang post na "The Lost Art of the Love Letter" binalikan niya ang sining ng pag­susu­lat ng mga liham ng pag-​ibig.

Mula nang siya ay nasa ele­men­tarya pa hang­gang sa mag-​kolehiyo. Hindi ko mai­wasang matawa sa aking sarili dahil halos kapareho kami ng nararam­daman tungkol sa pag­susu­lat ng mga love letter. Mula sa takot at kaba sa kung ano ang isusu­lat, paano ko sisim­u­lan hang­gang sa paano ko tatapusin.

Kasama rin ang talaga namang nakakasakit ng ulo (at nakaka­suka sa ka-​cornihan) na pagsin­git sa mga gasgas nang 'love cliche' o kataga na ika ni Sir Martin, ay matindi ang epekto kapag gina­mit ng tama. Pero ang mas nakakatakot at nakakak­aba para sa akin, noon nang nag­susu­lat pa ako ng love letter at mala­mang hang­gang ngayon kapag mag­susu­lat muli ako, ay ang akto ng pag­bibi­gay o pag­pa­padala nito sa aking sinusulatan.

Sa sobrang takot, hiya at kaba ko noon (torpe! hahaha) nai­ipon ang mga love letter na sinusu­lat ko. O kaya naman, ang ibang pinaghi­ra­pan isulat at tala­gang hinana­pan pa ng mag­a­n­dan sta­tion­ary ay hindi na naipadala. Marahil magugu­lat ang mga makak­abasa nito at sasabi­hing, "Si Kuya Julius?! Kabado sa pag­su­lat at pag­bi­gay ng love letter? hahaha"

Isa rin sa mga maha­la­gang bagay na binalikan ni Sir Martin ay ang nakakalungkot na kato­to­hanang, bihira na sa mga kabataan ngayon ang nag­susu­lat ng mga love let­ters. Sabi niya,

This is why I express a mild alarm in seeing the vir­tual death of the love letter among my stu­dents. In ret­ro­spect, I haven’t really encoun­tered much out­side of those love let­ters Eng­lish teach­ers require their stu­dents. Through my con­ver­sa­tions with stu­dents, I dis­cover that the text mes­sage and the instant mes­sage are their media of choice. Com­pared to the brevity and speed of text and IM, the love letter just seems too “snail mail” for this younger gen­er­a­tion. Love how­ever, isn’t as instant.

Sala­mat sa email, text, friend­ster, at iba pang mabil­isang teknolo­hiya na pang-​komunikasyon, nawala na ang mga love let­ters. Naging 'intag­i­ble' at elek­tronik na. At kapag nawala ang kuryente, naging "bat­tery empty" o kaya maubu­san ka ng load, ay tapos na rin ba ang pag­susuyuan at pag-​iibigan? Ito rin ba ang dahi­lan ng mga mabil­isang pagkaka­roon at pag­tat­a­pos ng mga relasyon sa mga kabataan ngayon? Mag­a­n­dang balikan ang mga tanong na ito sa iba nang pagkakataon.

Pero tulad ng sabi ni Sir Martin, mag pag-​asa. Sala­mat din sa teknolo­hiya, nag-​iba rin ang anyo ng pag­susu­lat, hindi man ng love let­ters pero pag­susu­lat pa rin. Ito ay dahil sa blog­ging. At dahil tao ang nag­susu­lat ng blogs, may damdamin ito at nagha­hanap ng kanyang iibi­gin. At kapag tina­maan, mala­mang ang kanyang pag­susu­lat sa blog ay maaapek­tuhan, sa positibo at nakakak­ilig na paraan.

Huli akong nag­su­lat ng love letter noong nasa hayskul pa ako. Iisa lang ang sinusu­la­tan ko noon, at hang­gang ngayon ay siya pa rin ang aking susu­la­tan. Hindi man niya sagutin, ang maha­laga ay mabasa niya ang aking mga liham. Roman­tiko at nakakatuwa lalo na ngay­ong nasa malay­ong lugar siya.

Masu­la­tan na kaya siya?

Tags: , ,

4 comments

  1. Haha­ha­haha! Bigla akong natawa sa post na ito. Halos sumariwa sa akin yung first time po akong mag­su­lat ng love letter. First year high school po ako nun, at sapil­i­tang pina­su­lat ng guro sa 'crush' namin. Fil­ipino. Magkat­a­pat pa naman ang rooms namin sa bin­tana. Ang ginawa ba naman ng teacher namin, bini­gay yung let­ters namin. Ayun... wala na. Ako na tuloy nahiya sa kanya dahil ni minsan, di ko siya nakausap man lang.

    Haha­haha. Err.

  2. Buti na lang hindi rin pina­gawa sa amin yan. Kung hindi napa­hamak na ako. hahaha

    Pero dapat kin­ausap mo siya. Tsk tsk ang mga nasayang at pinalam­pas na pagkakataon nga naman. :P

  3. hehe kuya same 2 me hexhex 'nkaka 2wa ung post' nalala ku ng smulat aku ng letter na kahorni­han ,at matindi sa lhat ung tym na bbgay mu na saung pgbibi­gyan halus paw­isan ka at kbahan kung pnu mu ito ibbgay,hehjehhehhe that was tym i have xpiri­ence that pero nsayang dhil,,my bf na pala hehe­hehe :{

  4. wow, harry potter,,isipin mo yun ang isang makatang taong tulad mo ay kinakaba­han din pala hahaha,,natuwa ako ng nabasa ko blog mo,,napaisip tuloy ako noong pana­hong nagump­isa din ako mag­su­lat ng love letter...dko kin­aba­han kasi tatay ko nagsulat..taga- abot lang ako whahahaha..yung ang nakakakaba,,whahahahaa....

Leave a comment