Natapos na din ang 1st week ng 2nd sem. Sige, kalahati lang ng isang linggo ng 2nd sem.
Nakakapanibago ng konti, iba kasi ang araw ng u-break kaya kaning Biyernes ay halos walang tao sa campus. Maaga atang naguwian ang mga estudyante sa DLSUD.
Sa totoo lang, boring!! Maaga dumating ang weekend kaya ang mga naging abala lang talaga ay yung mga estudyanteng may kinabibilangang organisasyon.
Yung iba, umuwi, gumala o hindi na talaga pumasok.
Ano naman kaya ang mapapala ng pamantasan sa ganitong bagong ayos ng schedule?
Bakit pa kasi inilipat ang u-break sa Biyernes?!
-----
Katulad ng dati, wala halos pinagkaiba ang sem-break (kung maituturing mong sem-break ang araw-araw kang nasa school) at ang 2nd sem. Mas marami pa ring oras ang naigugol ko sa USC office kumpara sa klasroom.
Tsk tsk tsk, masamang panigtain ito. Pero 'understandable' naman dahil kakasimula pa lang ng 2nd sem kaya ang unang linggong ito ay "adjustment period" para sa lahat.
Pero shempre, pagdating ng susunod na linggo, balik na sa normal na buhay estudyante, medyo accelerated mode nga lang dahil maiksi talaga ang 2nd sem. Tapos, isasama mo pa sa oras mo ang mga gawain at activities sa pamantasan.
Wastong paggamit sa oras at disiplina sa sarili ang tunay na kailangan.
Oh may Gus! Sana lang ay maging matino ang grades ko ngayong 2nd sem.
-----
Nakakapagod man, ayos lang din. Dahil sa nakalipas na 3 araw, marami at makabuluhan naman ang aking mga pinaggagawa.
Sinimulan namin ang huling preparasyon para sa nalalapit na Students' Constitutional Convention. Astig talaga ang Genshiken dahil sa kanilang angking talento, kakulitan at kahusayan sa pagguhit ay nagiging matiwasay at suwabe ang mga plano ng USC para sa Con-Con.
Mabuhay ang Genshi-CON!!
Bukod sa pag-papatuloy ng mga plano para sa Con-Con, tuloy pa rin ang serbisyo para sa mga kapwa estudyante partikular ang pagtatanggol sa kanilang mga karapatan at kapakanan.
Nito lang ay may 2 kaso ang hinawakan ng USC.
Ang una ay ang pagpepetisyon ng mga 4th yr Civil Engineering para mabuksan ang isang mahalagang subject na kailangan nila para makatapos sila sa oras.
Tumutol kasi ang kanilang administrador kaya hayun, lumiham sila sa VCAR at dalanging paboran sila.
Sunod naman ang isang kaso sa pagitan ng isang estudyante ng CBA at ang SWaFO. Tungkol ito sa pagpapahiram ng student ID mo sa iba at katumbas nito ang isang major offense.
Pero kakaiba ang kasong ito dahil medyo komplikado ang storya at ang interesante dito, lumalabas mula sa aming imbestigasyon na ang kinasuhan ng SWaFO ay pawang biktima lamang ng mga pangyayari. Dahil dito, panatag ako na malaki ang pag-asa na gumaan ang parusa o tuluyang mapa-walang sala ang estudyanteng ito.
Sa November 13 na nga ang hearing kaya good luck sa amin!
Oo nga pala, pwede nang i-download ang Chapter 1 ng Con-Con manga "Con-Con The Beginning" sa blog ng USC.
Suportahan natin ang Con-COn!!!
Tags: college life, randomness