Julius Rocas

Karanasan, mga pananaw at kwentong buhay

Kaya gustong humiwalay ng Mindanao  

Sa nakaraang eleksyon noong May 14, lum­abas ang mga dahi­lan kung bakit gus­tong humi­walay ng mga kap­atid nating Pilipino sa Min­danao mula sa kabu­uan ng Repub­lika ng Pilip­inas. Ito ang naging layunin ng mga MILF at MNLF noong kapanahu­nan nila.

Hindi dahil lamang sa pagkakaiba sa reli­hiyon ngunit dahil sa gina­gawang pag­trato ng gob­y­erno sa Maynila ang pala­gay kong pinaka­mat­i­bay na dahi­lan para sila ay nag­nanais na humi­walay sa Pilip­inas at maging indipen­di­en­teng isla na may sar­il­ing gob­y­erno at soberanya.

Saan ka nakakita ng 12-0 na boto para sa Team Unity ng admin­is­trasy­ong Arroyo? Tang­ing ang mga taong wala sa sar­il­ing kat­in­uan ang manini­walang ito ay kato­to­hanan at ang mga botong ito ay walang bahid ng pandaraya.

Matindi talaga, gara­palan na kung gara­palan. Ngunit wala naman halos magawa ang mga res­i­dente doon sa Min­danao dahil sa takot para sa kani­lang kalig­tasan o kaya ay para sa kani­lang panawid gutom kahit ngay­ong pana­hon ng eleksyon lamang.

Ang mga detalye ng dayaan, kag­u­luhan at anom­alya sa Min­danao ay mababasa sa ulat na ito mula Phil. Daily Inquirer.

Dagdag-​dagdag, dagdag-​bawas, mga mul­tong bumoboto, walang indeli­ble ink, sobra sa tala ng mga rehistradong botante ang mga inilis­tang boto, kaduda-​dudang SOVs, ERs at atbp. Pati ang mga dayuhang mamama­hayag ay inalok ng suhol at pinag­ban­taang patayin!

Kesyo hindi raw nangam­pa­nya ang Opo­sisyon sa Min­danao kaya naging 12-0 ang boto ng Team Unity. Loko­hin nila ang mga lelong nilang kalbo!

Kung ako ay isang taga Min­danao, lalo na kung nakatira ako sa isa sa mga barangay kung saan gara­palan talaga ang ginawang pan­daraya at kara­hasan, kung saan ang aking nag-​iisang boto ay mama­nip­u­lahin lamang at isasawalang-​bahala kapalit pa ay banta sa aking buhay kung sakali ako ay makialam, tuluyan nang mawawala ang tiwala at panini­wala ko sa demokrasya at pama­mama­hala ng mga dayo mula sa Luzon.

Kasunod ng pagkawala ng aking tiwala ay pagsidhi ng aking galit sa kanila. Kaya, hindi mal­abong mang­yari na ako sumama sa mga pagk­i­los, armado man o hindi, para sa pag­susu­long ng tunay at ganap na kasarin­lan ng Mindanao.

Kung ayaw kaming tulun­gan sa halip ay ginagamit, pinagsasaman­ta­la­han, pina­p­atay at inaal­isan ng kara­p­atang demokrar­tiko ng pama­ha­laang Kristyano mula sa kata­galu­gan, mabuti pa'y mag­tayo na lamang kami ng sarili naming pama­ha­laan, na siyang nakakau­nawa, nag­ma­malasakit at tunay na maglilinkod sa interes naming mga taga Mindanao.

Sala­mat sa Team Unity ng pekeng Pan­gu­long Arroyo, lalong magkakahati-​hati ang Pilip­inas. So much for Unity.

Written by jhay

May 24th, 2007 at 6:52 am

Posted in Daily Dose

  • http://awbholdings.com/ Arbet

    May isang prob­lema sa iyong argu­mento. Sang-​ayon ako na mali talaga ang TUTA, pero eto lang ang masasabi ko: baga­mat ang Kapi­tolyo ng Imperyo ang nag-​uutos, ang mga lider Muslim ang nag­pa­p­atu­pad. Kon­tro­lado ng isang pam­ilyang Muslim ang Maguin­danao. Ginagamit nila ang kul­tura at panini­walang Muslim para matu­pad ang kagus­tuhan nila. Iyan ang suli­ranin, sa aking kuro-​kuro.

  • http://jrocas.com.ph jhay

    May punto ka. Pero sa aking pala­gay, ang mga pam­ilyang Muslim na mas naglilinkod sa interes ng mga mula sa kapi­tolyo ay hindi na maitu­tur­ing kaba­hagi ng Maguin­danao, ang sino mang nag­tatak­sil sa kani­lang mga kababayan ay hindi na muling maka­pagu­u­gat sa lugar na iyon.

    Sila ay pawang mga "ligaw o masamang damo."

  • http://tesstermulo.com Prudence

    The gov­ern­ment only remem­bers Min­danao during elec­tions.

    Very sad.

  • http://jrocas.com.ph/sumilang/kaya-gustong-humiwalay-ng-mindanao/ jun

    sa akin lang hindi siguro yan dahi­lan upang sila humi­walay sa repub­lika ng pilip­inas maram­ing paraan upang tumigil sila sa pag dadaya kung totoo kayo na mahal natin ang pilip­inas hindi natin papaya­gan mapunta sa ibang mga kamay.ito ang bansa ng na pinalit ang mga buhay nating mga ninino tapos papayag tayo na makuha ng ibang bansa o humi­walay, ibag laban natin to tulad ng dati kung buhay ang pinalit nila buhay rin ang ipalit natin para sa hindi baboy na nag lilin­god sa lipunan.

  • http://juraileyahoo.com juraile

    bigyan po ninyo ako ng kul­tura at panini­wala ng muslim

  • Romeo Bravo

    May punto ka sa mga bagay na yan. Pero mas malalim pa ang dahi­lan kung bakit gus­tong ihi­walay ang Min­danao sa Pilip­inas. Kung ikaw ay naka­punta na sa mga kanayu­nan ng Min­danao kung saan ang mga pinuno ay mga muslim din paano mo masasabi na sila'y pinagsasaman­ta­la­han, inaapi at pina­p­atay kung ang kapwa nila muslim na kani­lang pinuno ang guma­gawa din ng karumal­du­mal sa mis­mong lugar nila? Walang kristyanong namu­muno sa lugar ng kamus­li­man. Ang mga makap­ng­yari­hang muslim lang ay may gus­tong ihi­walay ang Min­danao sa Pilip­inas dahil kat­u­lad din ng ibang ganid na kristyanos may pansar­il­ing inter­est din ang mga ito at ginagamit lamang na kasangka­pan ang ide­lo­hiyang muslim at pag sasaman­tala sa kamang­man­gan ng mga kap­atid na muslim na nag hihi­rap.