Kakagaling ko lang sa isang mahaba, madugo at nakakapagod na meeting. Kasama ko dito ang ilan sa mga College Student Council ng iba’t-ibang kolehiyo sa DLSUD at ang malapit naming student organization, ang Genshiken. Pinag-usapan namin kanina ang konseptong papel ng kanilang ‘pet project’ na G-Ken. Isang anime convention na may environmental awareness bilang tema.
Kung hindi kami nagkakamali, ito, kapag natuloy ay ang kauna-unahang anime convention na may makakalikasang tema sa Pilipinas. Astig diba?! hehehehe
Pero, sa ngayon, hindi ko alam kung magiging katotohanan ba ang proyektong ito, o manananatili na lamang na isang ideya o konsepto dahil sa kinalabasan ng pagpupulong kanina, madami pang bagay ang dapat gawin ng Genshiken. Hindi pa ito ang mismong paghahanda para sa G-Ken, bagkos, ito ay para mapa-aprubahan muna ang kanilang ‘project proposal.’
Para magawa ito, kailangan ng malupet na concept paper na syang kailangan para:
- ma-aprubahan ang proyekto
- makakuha ng mga sponsor
- pumayag ang Admin ng DLSUD sa proyektong ito
Bakit kailangan ng malupet na konseptong papel? Shempre, dahil hindi biro ang laki at saklaw ng proyekto, kailangang mabigyan ng malinaw at tamang pangangatwiran kung bakit dapat isagawa ang proyekto. Ito ang pangunahing gamit ng konseptong papel. Nang sa ganoon, ay makamit ang mga nabanggit na bagay sa itaas at mabigyang katuparan ang proyekto.
Dahil ang konseptong papel, at hindi ang mga miyembro Genshiken ang magtatanggol sa proyekto. Ang konseptong papel ang magsasabi sa kahit sino man, lalo na sa mga tao o grupong may kinalaman o may maitutulong sa proyekto ang mga dahilan kung bakit kailangan o makakabuti na sila ay tumulong nga sa pagpapatupad ng proyektong ito.
Ang konseptong papel din ang magiging susi para makakuha ng mga sponsor, partners atbp para sa proyekto. At kapag malupet ang pagkakasulat ng konseptong papel, mahinang mahina ang tsansa na ang proyekto ay hindi maisakatuparan.
Pero sa nangyari sa pulong kanina ay kailangan pa talagang ayusin ang konseptong papel ng G-Ken. May mga bagay na kulang, mahina, malabo at hindi makakatulong para sa proyekto. Sana lang ay maayos ito bago dumating ang Huwebes, dahil ito na ang huling araw ng pagsusumite ng mga project proposals dito sa aming pamantasan.
Good luck sa Genshiken!
















0 responses so far ↓
There are no comments yet...Kick things off by filling out the form below.
Leave a Comment