Litratong Pinoy: Bulaklak

Ito ang kauna-​unahang pagkakataon na sasali ako sa Litra­tong Pinoy, isang masaya at natatang­ing blog­ging project para sa mga litratis­tang pinoy na blog­ger din.

Tuwing Huwebes gina­gawa ang Litra­tong Pinoy at sa bawat linggo ay may iba't-ibang tema ang sinusunod.

Para sa ling­gong ito, ang tema ay 'bulak­lak' at narito ang aking kontribusyon:

Flowers

Isa ito sa mga bulak­lak na nasa hardin ng isang kaibi­gan ko sa Binondo, Manila. Bin­isita ko siya noong nakaraang Nobyem­bre para manga­musta. Nakakatuwa dahil kahit na nasa gitna siya ng lung­sod, napa­pa­natili niyang malu­sog at mag­a­ganda ang mga hala­man at bulak­lak sa kanyang maliit na hardin.

Bagay na gusto kong gawin din dito sa aming bahay sa probinsya.

May isang akda pa ako na gagawin upang maging opisyal na kasali sa Litra­tong Pinoy, at ito ay lal­abas sa susunod na Huwebes.

Tags: , ,

Share thy love

0 Comments so far

Trackback URI | Follow up comments through RSS Feed | Post a comment

You are the first one to start the discussion.

Leave a Comment

You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>