Julius Rocas

Karanasan, mga pananaw at kwentong buhay

Maagang pasko mula kay Arroyo  

Nakakasira talaga ang umaga ang bal­i­tang nabasa ko a INQ7.net: Pro-​Charter change mayors get up to P50,000 in ‘X'mas love’

Sinasabing ang mga mayor daw sa West­ern Visayas na sumu­porta sa CHA-​cha ay nakatang­gap ng Php20,000.00 hang­gang Php50,000.00 bawat isa. Ang hala­gang ito na malaki sana ang maitu­tu­long sa mga bik­tima ng bagy­ong Reming sa Bicol ay napunta lamang sa kamay ng mga mayor na nag­pauto at ibi­nenta ang kani­lang mga kalu­luwa sa demonyo.

Nakakahiya, nakakai­nis, nakakapang-​init talaga ng ulo ang gara­pal na pagk­i­los ng admin­is­trasy­ong Arroyo at ng mga kaalyado nito upang isu­long ang kani­lang makarasar­il­ing CHA-​cha. Hindi ko lubos mau­nawaan na ganito na pala talaga kab­u­lok ang pama­ha­laan natin. Sa mga gani­tong pagkakataon ay dinadalan­gin ko na lang na sana ang mga lintik na Kon­gre­sis­tang iyan ang bin­gayo ni Reming, tinan­gay ng malakas na hangin, inanod ng tubig at tinabunan ng mga bato at putik mula sa Mayon.

Christ­mas love? Kaloko­han! Kalakip ng mga Christ­mas cards ang Php20,000.00 na naka­so­bre. Nais lang daw makapil­ing ng Pan­gulo ang mga mayor ngay­ong pasko?! At hindi daw nila pina­gusapan ang tungkol sa Char­ter Change?! Sinong mga niloloko nila?! Ang taum­bayan?! Mga nasisir­aan na talaga ng ulo ang mga nasa admin­is­trasyon ngayon. Pero nat­ural na nga lang naman na hindi na nila pagusapan ang tungkol sa Char­ter Change dahil ang pera na ang magsasalita tungkol dito. At kapag pera ang kaharap mo, napakadali ng usapan.

Maaga ang pasko para kina Arroyo, maaga ang pasko para kina JDV et. al.

Papalubog na ang araw para sa sam­bayanang Pilipino....

Written by jhay

December 8th, 2006 at 10:31 am

Posted in opinyon,Pulitika