Kaninang hapon, habang walang magawa sa bahay at nagsawa ng kaunti sa internet, binasa ko ang librong MacArthur na isinulat ni Bob Ong. Ito ata ang pinakabagong libro niya, kung hindi ako nagkakamali.
Manipis lang ang libro at mabilis ang daloy ng istorya kaya natapos ko ito sa loob ng isa at kalahating oras.
Mahusay ang pagkakasulat, lalo na sa mga eksena at mga karakter sa libro. Parang nakikinig ako ng mga awitin ng Eraserheads o Rivermaya dahil hindi nagkakalayo ang buhay, sitwasyon at karanasan ko sa mga nangyari, naiisip, nararanasan at pinagdaanan ng mga karakter sa libro.
Pero pa hindi ako nagdodroga, nang-agaw ng mga celfon at alahas, o nagnakaw sa mga kapitbahay. Ang ibig kong sabihin ay kapareho ko ang mga karakter sa libro sa puntong, sa aming kabataan ay kay dami nang problema at suliraning kinakaharap, ginusto man namin o hindi.
Sa gitna nito, naroon ang paghahanap ng katwiran sa mga bagay-bagay sa mundo, ang halaga at dahilan kung bakit nabuhay at higit sa lahat ang pagkakaroon ng mga pangarap sa buhay, gaano man kasimple o engrande, at kung paano ito mabibigyang katuparan.
Tulad ng dati, natawa talaga ako sa mga hirit, linya at mga pangangatwiran ng mga karakter sa libro tulad ng sumusunod:
“O, nasan ni Noel?” tanong ni Cyrus.
“Umuwi sa inyo. Magtitikol.”
“Ano?”
“Maliligo daw muna sya.”
Mahusay din ang pagsasalarawan ni Bob Ong sa mga lugar sa kwento, ang mga eskinita, ang palengke, ang squatters’ area, at ang public CR. Detalyado at malupet din ang pagkakasulat ni Bob Ong sa mga pangyayaring aksyon, mga naiisip ng mga karakter at ang mga nararanasan nila. Ramdam mo ang mga bawat suntok ng buwayang pulis kay Cyrus, pero bago yun, ang pagbaliktad ng iyong sikmura matapos lunukin niya ang pakete ng shabu na nahulog sa inidorong barado at puno ng “champoradong” gawa ng bituka ng tao.
Anu’t ano pa man, ang katapusan ng kwento ay simple lang. Matapos ang lahat-lahat ng kaguluhan, katarantaduhan, pagsubok, suliranin at pagkakamaling nagawa ng mga karakter, bumalik sila sa kanilang pinagmulan at tila ba, magiging maayos na din ang lahat kahit hindi ito pinag-usapan para magawan ng solusyon. Basta ganoon na lang nagtapos ang kwento.
Walang kamatayang “the prodigal son” na gustung-gusto ng mga konserbatibong relihiyoso at matatanda.
Pero hayaan na lang, mahusay naman ang pagkakasulat ni Bob Ong sa MacArthur.
Sunod naman ang Stainless Longganisa…
















4 responses so far ↓
1 ren // Oct 12, 2008 at 5:06 pm
kuya tama ka po.. hehehe sang ayon ako sa mga cnv mo.. ang galng tlga ni Bob Ong,.. nabibigyan nya ng buhay ang bawat karakter ng mga isinusulat nyang libro..
2 jasmine // Nov 3, 2008 at 11:24 am
hai .. grabe napakagaling ni kua b0b 0ng .. hanga kme lahat ng mga kaibigan Q sa mga gawang libr0 nya..
3 phrm po ng book.. kelangan lng po namin e... s mga taong my gnntuang puso................ pwde po bng phiram!!!!!!!! bob ong ang galing mo po tlga sobra.........tnx and GOD BLESS...=> // Nov 11, 2008 at 4:41 pm
p.s. I Love You Bob Ong and to Mr. C.E ng life ko…
4 rose ann bacod_PNM // Nov 11, 2008 at 4:47 pm
hi!!!!!!!!!!!!!! ellow po……………. alam u poh excited na poh aqng mbsa ung book mo but sa mga my book pwd poh bang phram kc kelangan lng poh nmin,,,,project poh kc nmin. cge poh tnx…………. GOD BLESS=>……………………………………………………………. P.S. i LOVE YOU BOB ONG AND TO mR. Roseller A. Dilag JR.
Leave a Comment