Sorry, pero walang litrato na kasama ang sulatin na ito. Hinding-hindi ako mapaghuhubad sa harap ng camera. Kung curious talaga kayo sa kung ano ang magiging hitsura, tumingin na lang kayo sa pinakamalapit na model ng human skeletal system.
Pero bakit nga ba ganito ang titulo ng sulating ito? Mainit! Mainit na mainit na! Summer na kasi kaya kalbaryo na naman ang pagtigil ko sa aking kwarto, lalo na tuwing hapon. Dahil ito ay nasa kanlurang bahagi ng aming bahay, saktong-sakto na dito tumatama ang sikat ng araw habang ito’y papalubog sa kanluran.
Pakiramdam ko ba’y may higanteng magnifying lens na nakatutok sa aking kwarto kaya kahit ang singit ko ay pinagpapawisan. (OMG!) Kung kaya, kahit bihirang-bihira kong gawin, hubad-baro akong nakaharap sa kompyuter mula nang sumapit ang ika-1 ng hapon.
Matakaw na payatot
Bakit naman bihira? Dahil hindi kaaya-ayang tingnan na ako’y walang baro o t-shirt. Lubos kayong mahahabag sa akin at isiping hindi na talaga ako kumakain. Pero ang totoo nito, wala akong ginawa maghapon kung hindi ang kumain nang kumain.
Kanin at giniling ang aking meryenda, bukod sa panghimagas na kamote-que. Hindi pa ako nasiyahan doon at inubos ko ang isang plastic ng chicharon. Buti na lang wala akong problema sa puso o high-blood kung hindi ay tumirik na ang mata ko kaninang hapon pa.
Mabilis talaga ang aking metabolismo kaya ang aking mga kinakain, gaano man kadami ay nagagamit agad bilang enerhiya. Subukan kong magtulog bukas pagkatapos mananghalian. Baka sakaling maging nakatagong enerhiya o taba ang aking makakain bukas.
Sana nga lang, sana nga lang talaga…






0 comments ↓
There are no comments yet...Kick things off by filling out the form below.
Leave a Comment