Julius Rocas

Karanasan, mga pananaw at kwentong buhay

Mahina na ang tubig sa Silang  

Noong nasa ele­men­tarya pa ako ay takut na takot ako maligo sa umaga. Dahil dito sa Silang, bago dumat­ing ang mga ika-8 ng umaga ay napakalamig ng tubig na nag­mu­mula sa mga gripo. Paki­ram­dam mo ba'y galing sa refrig­er­a­tor ang tubig na ibubuhos mo sa iyong katawan. Sa sobrang lamig ng tubig, lalo na kapag may bagyo o kaya ay pana­hon ng tag­u­lan, mga buwan ng Oktubre hang­gang Pebrero ay nag­pa­pakulo kami ng tubig bago ito gamitin sa paliligo. 'Pag­patay' sa tubig ang tawag ng mga matatanda sa amin dito.

Bukod sa malamig ang tubig dito, malakas din noon ang tulo ng tubig. Hindi mo na kailan­gan pang buksan ng todo ang gripo dahil kahit kala­hati nito ay sapat na para mapuno ang isang balde sa loob ng mga dalawampu o tat­long­pung minuto. Mas ramdam mo ito kapag mapalad kayong may shower sa inyong banyo. Ito ang mas iki­nakaba ko sa tuwing maliligo ako sa umaga bago puma­sok sa eskwela. Nakapikit akong bubuk­san ang shower at iha­handa ang sarili sa bugso ng malamig na tubig na mag­mu­mula dito na animo'y ginagami­tan ka ng hose ng gamit sa pag­patay sa sunog.

Tiyak, pagkat­a­pos naming maligo ay nag­ma­madali kaming maka­pag­punas at maka­pag­patuyo dahil nan­gan­gatal kaming lal­abas ng banyo dulot ng lamig ng tubig dito sa Silang. Katabing bayan lang namin ang lung­sod ng Tagay­tay na kilala ng halos lahat na isa sa mga malalamig na lugar sa Pilip­inas. Kung wala kang sapat na pamasahe papun­tang Baguio, sa Tagay­tay ka na lang pumunta kung nais mong makalayo sa init ng Maynila at makalasap ng malamig na klima at makaligo sa malamig na tubig. Upland Cavite kung tawa­gin ng mga taga-​Maynila ang lugar na kinalalagyan ng Silang.

Pero noong tumuntong ako ng kole­hiyo, napansin kong hindi na ganoong kalamig ang tubig dito sa Silang tuwing umaga. Kung dati ay kinakaba­han ako sa tuwing mag­bubuhos ng tubig mula sa tabo o kaya ay bubuk­san ang shower, ngayon ay kaunt­ing lamig na lang. Minsan nga ay hina­hanap ko pa ang malamig na tubig na iyon dahil tila nagig­ing mas mainit na ang klima ngayon dito sa Silang. Yung lamig na hindi nakakan­gatal pagkat­a­pos mong maligo, yung lamig na sa unang buhos mo lang mararam­daman, nawawala na ang lamig ng tubig sa Silang.

Bukod sa pagkawala ng nakakan­gatal, nakak­ag­in­hawang lamig ng tubig, tila ay umuunti at nawawala na rin ang tubig mismo dito sa Silang. Kung dati ay kaunt­ing pihit lang ng shower ay malakas na ang bagsak ng tubig, ngayon ay kahit itodong bukas mo ito, mahina at parang gumagamit ka lang ng laru­ang rigadera o pandilig ng bata. Mas mainam at mas matipid pa ngang gumamit na lang ng tabo sa paliligo. Pero kung gusto mo pa ring mak­agamit ng shower, kailan­gang mas agahan mo ang ligo mo dito sa Silang para masulit o mag­a­mit mo ng husto ang shower. Gumis­ing at maligo ka ng mga ban­dang alas-​tres hang­gang alas-​singko ng umaga. Nakakata­mad buman­gon ng ganoong oras hindi ba? Pero walang mag­a­gawa, pagkalam­pas ng alas-​singko ng umaga ay mahina ang tulo ng tubig dito sa Silang, hindi na tulad ng dati.

Isa pa sa mga napans­ing kong pag­babago sa tubig ng Silang bukod sa paghina ng tulo nito at pagkawala ng lamig nito ay ang tuluyang pagkawala nito tuwing mawawalan ng kuryente. Tumitigil ang mga pam­bomba ng tubig ng lokal na water dis­trict dito tuwing walang kuryente. Pero noon, kahit walang kuryente ay malakas pa rin ang tulo ng tubig. Ano kaya ang dahi­lan? Saan napunta ang tubig?

Oo nga pala, naka­pag­tayo pala ng isang golf course mala­pit sa Emilio Aguinaldo Hi-​way na tumatawid sa pobla­cion ng Silang. Sala­mat sa isang dating pres­i­dente ng Pilip­inas na madalas naming nakik­i­tang pumupunta doon at humi­hithit ng kanyang tabako ay may­roon na kaming 'world-​class' na golf course sa mala­pit mismo sa bayan ng Silang.

Ang galing 'diba? Tanga...este...Angat Pinoy talaga!

Written by jhay

December 5th, 2006 at 8:55 pm

  • http://echomixednuts.blogspot.com manzkee

    Next year baka pupunta ako ng Tagay­tay. Hindi ko pa kasi nararat­ing yan eh. LOLzzzz!

    BTW, Are you inter­ested in link exchange? Just let me know! Inter­est­ing blog you've got here.

  • nhuj

    Tama ka jhay, ang Silang ay hindi lang maya­man sa tubig bagkus maya­man din sa lupa. Pero iba na ang mundo ng Silang. Hindi na and magsasaka ang ng hahari kundi mga maliit at malalak­ing kom­pa­nya na malaki rin ang tin­u­tu­long sa pag unlad ng Silang.

    I agree with you jhay because I expe­ri­ence the same thing like you before. But we have to agree that because of this huge changes in terms of eco­nomic, pol­i­tics, and tech­nol­ogy, some are advan­ta­geous and some are not.

    One exam­ple is the technopark indus­try in Laguna, just bound­ary of Silang. They have sev­eral big water tanks w/ high pow­ered motors that sip water under­ground. This technopark is a huge com­mu­nity. Imag­ine how much water they con­sume. Now what is the dis­ad­van­tage. Maybe you know. Next time you take a bath, think of the com­peti­tors.

    Nice know­ing your blog,
    Nhuj

  • V

    Nasira na ang Silang! isa sanang napaka gan­dang bayan na magkakak­i­lala ang lahat, nag­dadamayan at namu­muhay ng masagana. Mali­nis sa bayan sa tubig, hangin at kapali­gi­ran.
    Isang bayan na pinag hira­pang ipag­tang­gol at paun­larin ng ating mga ninuno.
    Ano ngayon ang nangyari?--mga lupang napabenta sa mga dayuhan, mga intsik, mga naglalak­i­hang tin­da­han ng mga kap­i­tal­ista na nag­pa­pahi­rap sa mga taga Silang. Mga damak na Bisaya!- na nagkalat sa kalye at nama­mal­imos! wala noong araw niyan dahil lahat ay kumakayod, nag-​hahanapbuhay.
    Tala­mak na ang krimen na dulot ng mga dayo mula sa Area sa Das­mari­nas at kung saan saan pang probin­sya. Itong mga taong ito na pinagsasaman­ta­la­han ang kagan­da­han ng Silang at kabu­ti­han ng mga taga Silang ay dapat sipain, alisin, pur­gahin!
    Kailan­gang mag­is­ing ang mga taga Silang.

  • Taga Area

    I think it will be more useful, if this site crit­i­cize not on gen­eral terms (When you say "Tala­mak na ang krimen na dulot ng mga dayo mula sa Area sa Das­mari­nas at kung saan saan pang probin­sya. Itong mga taong ito na pinagsasaman­ta­la­han ang kagan­da­han ng Silang at kabu­ti­han ng mga taga Silang ay dapat sipain, alisin, pur­gahin!"). Below the belt na yan tol, think of some­thing that you will address what's the real score and not blam­ing on people!