Julius Rocas

Karanasan, mga pananaw at kwentong buhay

Mainit na naman!  

Nawala na ang mga ulan at bagyo. Buma­lik naman ngayon ang mainit at maaraw na pana­hon. At kanina, muli kong hinan­gad na sana ay umulan o maging makulim­lim ang pana­hon para hindi ganoong kainit. Sa jeep pauwi ay tala­gang bumigay na ang anti-​perspirant ko at laking pasala­mat ko at hindi ko nakalimu­tang mag­dala ng panyo dahil lubu­san kong nagamit ito kan­i­nang hapon.

Ewan ba, hindi ko rin lubos mau­nawaan ang mga tao, lalo na ang aking sarili, kapag umuu­lan, naga­galit at nagha­hanap ng init at maaraw na pana­hon. Kapag mainit at maaraw naman, mas naga­galit at nagha­hanap naman ng malamig at medyo maulan na pana­hon. "Sala sa init, sala sa lamig" talaga minsan tayong mga Pilipino.

Nakakahiya bang mag-​Pilipino?

Kanina ay dumalo ako sa isang sem­i­nar tungkol sa wikang Pilipino, inter­aksyon at iba pang ped­a­gogikal (tama ba ang spelling?) na isyu sa Paman­tasang De La Salle Das­mari­nas. Pan­gu­nahing par­tisi­pants ang mga del­e­gado mula sa iba't-ibang paar­alan sa buong Rehiyon 4 pero may mga nakasama rin na mula sa Baguio City at Lucena. Naging masaya ang pag­dalo ko doon dahil napak­ing­gan ko lek­tyur ni Dr. Efren R. Abueg, and batikang manunulat na ngayon ay nag­tu­turo sa DLSU-D.

Tala­gang marami akong natu­tu­nan sa kanya nang pak­sain niya ang pagsasalin sa wikang Pilipino ng mga akda, babasahin, lit­er­atura at iba pang materyal ng iba't-ibang disi­plina tulad ng medisina, agham, saykologi ekonomiks atbp. Maha­laga ang pagsasalin sa wikang Pilipino dahil marami tayong matu­tu­nan mula sa iba't-ibang bansa mal­iban sa Amerika. Pagkatan­daan natin na hindi monopolyo ng Ingles ang kaala­man at karu­nun­gan sa mundo. Nariyan ang mga kaala­man at tal­i­nong matu­tu­tu­nan natin mula sa mga Intsik, Pranses, Aleman, Nor­we­gian atbp.

Min­sang sinabi ni Renato Con­stan­tino ang sumusunod:

Ang paggamit ng wikang banyaga bilang isang wikang pan­turo ay saga­bal sa pag-​iisip dahil dapat munang masanay ang mag-​aaral sa mga bagong tunog, tono, at balangkas ng pan­gun­gusap. Nahi­hi­ra­pan siyang ipa­hayag ang kanyang mga saloobin at ito'y pumipigil sa kanyang pag-​iisip. KAYA, MAKIKITA NATIN NA MARAMI SA ATING MGA KABABAYAN ANG HINDI SANAY NA MAG-​ISIP NG MALALIM. Hindi nila ganap na mau­nawaan ang mga aklat at pery­o­dikong nakasaulat sa Ingles. Hirap na hirap ang marami sa atin na nag-​iisip sa wikang Ingles pero hindi rin sila makapag-​usap ng mahusay sa sarili nilang wika dahil ito ay napabayaan.

Kaya dapat lang na gamitin ang wikang Pilipino sa lahat ng pagkakataon, labas at loob man ng mga paaralan.

Written by jhay

August 3rd, 2006 at 10:05 pm

Posted in Daily Dose

  • lenay

    tama ka...mayroon ka bang buong kopya nyan (ang paggamit ng ingles pumipigil sa pag-​iisip ng malalim)? wala akong makita dito sa cavite eh. libro ba yan or what? (bakit nga pala "..mal­iban sa ingles"?)
    sala­mat. sana mabasa mo ito at maka­pa­gre­ply ka bago tayo abutin ng pani­bagong bagyo. :-)

  • lenay

    sala­mat sa iyong mabilis na pagre­ply. :-)
    meron na kasi ako nyang excerpt na iyan (hindi ko lang matan­daan kung saan ko nakuha iyon). gusto ko siyang mabasa ng buo. well, kung isa syang libro, saan ko kaya iyon mabibili? saang librar ko siya maha­hanap?
    btw, sa dlsu-d ka napa­sok? (nai­tanong ko lang.)

    maram­ing sala­mat ulit.

    mag­a­nda ang blog mo.

    kip up.

  • lenay

    sala­mat sa iyong mabilis na pagre­ply. :-)
    meron na kasi ako nyang excerpt na iyan (hindi ko lang matan­daan kung saan ko nakuha iyon). gusto ko siyang mabasa ng buo. well, kung isa syang libro, saan ko kaya iyon mabibili? saang library ko kaya iyon maha­hanap?
    btw, sa dlsu-d ka napa­sok? (mai­tanong ko lang.)

    maram­ing sala­mat ulit.

    mag­a­nda ang blog mo.

    kip up.

  • http://jrocas.com.ph jhay

    Hindi ko nakuha ang pam­a­gat ng libro dahil hindi ako nagka­roon ng oras para pumunta ng librari. Oo, sa dlsu-d ako napa­sok at sa ngayon ay medyo magulo pa sa campus dahil sa dami ng mga nasir­ang puno dulot ng bagy­ong Milenyo.

    Babal­i­taan agad kita kapag nakuha ko na ang pam­a­gat ng librong tin­u­tukoy ko. Mabi­gat kasi siya at malaki, pala­gay ko ay hindi biro ang halaga nito kapag binili mo at hindi ko rin alam kung may­roon pang kopya nito sa mga book­store. Pero hindi naman masama ang sumubok.

    Maram­ing sala­mat sa pag­bisita. :D