JhayR//Braingasms or brainfarts, photos & life

Ideas, you cannot kill ideas!

JhayR//Braingasms or brainfarts, photos & life header image 2

Nag-eexist pa ba ako? :P

September 20th, 2008 · No Comments · Daily Dose, buhay estudyante

Napakadami nang blogging events ang hindi ko napupuntahan mula nang magsimula ang paskuan. WordCamp, paglulunsad ng mga netbooks ng Acer, Dell at Asus, at bukas ang ikalawang Philippine Blog Awards.

Siguro kapag nakadalo ako sa mga susunod na event madaming hindi makakakilala sa akin. Bukod sa hindi naman talaga ako ganoon kakilala sa blogosphere, mas mahihirapan sila ngayon dahil magmimistulang baguhang blogger ako at ito ang unang blogger event na aking nadaluhan.

Pero kung hindi naman ako nakakadalo sa mga blogger events, saan naman kayo ako nagpupunta?

Simple lang, dito pa rin sa DLSUD kung saan may mga obligasyon at abbokasiya akong kailangan tutukan at paglaanan ng mas maraming oras at atensyon.

Hindi naman sa pinagsisisihan ko ang ganitong sitwasyon, nababagabag lang ako na ang daming mga imbitasyon na dumadating pero kahit isang event ay hindi pa ako nakakadalo.

Pero ngayong malapit na ang semestral break, mas mataas ang posibilidad na makasama na ako sa kung ano mang blogger event na dadating.

Iyon ay kung may mag-iimbita sa akin. :P

Tags: ·

0 responses so far ↓

  • There are no comments yet...Kick things off by filling out the form below.

Leave a Comment