Julius Rocas

Karanasan, mga pananaw at kwentong buhay

Nakatengga at darating na gawain…  

Dalawang linggo na lang at simula na ng pasukan. Simula na uli ng mga akademikong gawain at shempre, para sa akin, simula na muli ng mas madaming extra-​curricular na gawain.

Marahil mag­tataka ang mga nakakak­i­lala sa akin sa DLSUD dahil tapos na ang ter­mino ko sa Uni­ver­sity Stu­dent Coun­cil pero bakit nasabi ko pa ring mas madami ang aking extra-​curriculars ngayon.

Nariyan ang pag­pa­p­at­u­loy at pag-​pokus ko sa mga gawaing pang-​adbokasiya, par­tiku­lar sa pag-​oorganisa ng mga estudyante sa DLSUD upang tugu­nan ang mga tawag ng pana­hon at pag­pa­p­at­u­loy ng Lasalyanong misyon. Sa mga darat­ing na araw ay ikuk­wento ko ito ng mas detalyado.

Sumunod naman ang panunum­ba­lik ko sa SERVE Vol­un­teers ng LCDC. Ang organ­isas­yon pinag­mu­lan naming mga nanungku­lan sa USC nitong nakaraang taon. Nakakalungkot lamang na nagsi­pag­ta­pos na ang mga kasabayan kong bol­un­tir at lider-​estudyante. Kung hindi ako nagkaka­mali, ako ang pinka-​kuya ngayon sa SERVE. Sana lang ay maging maayos at pro­duk­tibo ang taong ito para sa aming mga bol­un­tir. Kung gusto nyo maging SERVE bol­un­tir, pumunta lang kayo sa LCDC, 2nd floor ng SBC can­teen at handa kaming salubun­gin kayo ng may libreng mamon pa. (jowk lang! pero wel­come na wel­come kayo mag bol­un­tir)

Bukod sa SERVE vol­un­teers, nariyan din ang pag­tu­long ko sa Vox La Salle Debat­ing Soci­ety, isang organ­isas­y­ong binuo ko kasama ng mga ilang kaibi­gan upang buhayin ang kul­tura ng pakikipag-​debate at kri­tikal na pag-​iisip ng mga Lasalyano.

Shempre, nariyan pa rin ang pag­tu­long ko uli sa Gen­shiken, may isa pang proyekto kasi na naisantabi noong nakaraang taon na malaki ang aking naging bahagi. Gusto kong mat­u­loy ito ngay­ong taon. Pero shempre, nasa sa kanila pa rin ang desisyon.

Hindi rin mawawala ang pag­su­porta ko sa ban­dang Man­nequin. Maram­ing mag­a­n­dang nang­yari nitong nakaraang taon sa aking tingin ay naging mabuti ito para sa kani­lang pag-​unlad bilang isang banda, rak­ista at musikero. (Kailan­gan ko na tala­gang tapusin ang web­sayt nila :P )

Dahil nabang­git ko na rin ang mga web­sayt, hahay! Madami din akong nakateng­gang gawain at proyek­tong onlayn.

Nariyan ang pag­ta­pos ko sa web­sayt ng LIFE, ang pag­bubukas ko ng isa ko pang blog at ang pagbabalik-​sulat ko sa Sum­i­lang. Balak kong ituloy ang pag­susu­lat tungkol sa mga kagana­pan sa lipunang Pilipino at tungkol sa kalikasan. Ang dami no? Good­luck talaga sa akin.

Written by jhay

May 22nd, 2008 at 9:58 am

  • http://dashhadoukyuu.multiply.com dash_taicho

    GAM­BARE!!
    AJA!!
    SUGOI!!

    haha... kau pu muna bahala sa mga alaga ko..
    2nd sem naka­planong ituloy ang proyek­tong yun, sana nga at mat­u­loy at sana maka­punta ako u_u