JhayR//

Braingasms or brainfarts, photos & life

JhayR// header image 2

Pagbasbas sa La Salle Jeep-ikot

May 16th, 2008 · No Comments · buhay estudyante

Blessing ceremonyKahapon, sa kapis­ta­han ng pagkakaproklama kay San Juan Bautista De La Salle bilang patron ng lahat ng mga guro, idi­naos din ang pag­bas­bas sa kauna-​unahang jeep­ney ng La Salle Jeep-​Ikot na proyekto ng Uni­ver­sity Stu­dent Coun­cil 2007-2008 at ng POLCA o Par­ents' Asso­ci­a­tion of La Salle Cavite.

Kasama namin sa misa ang ilang opisyales ng POLCA, mga admin­istrador ng DLSUD, ang USC 07-08 Exec­u­tive Board at shempre ang malulu­pet na Gen­shiken na syang nagdis­enyo ng jeep na ito.

Mat­a­pos ang ser­e­monya at sumakay kaming lahat (yung mga nagkasya) upang pumunta sa gusali ng POLCA para doon ipag­pat­u­loy ang isang munt­ing pro­grama at salu-​salo. Nasa ibaba ang video ng aming uang byahe kung saan si Dr Antig ang nagmaneho.

Pag­dat­ing nami sa POLCA, inump­isa­han na ang maiks­ing pro­grama sa pama­m­ag­i­tan ng maiks­ing talumpati ni Sir Valdez, ang Pan­gulo ng POLCA. Muli, narito ang video kung saan naku­nan din ang masayang paghagis ng mga barya para makaakit ng swerte ang proyek­tong ito:

Labis kaming natu­tuwa na mak­i­tang nag­bubunga ang mga paghi­hi­rap at pag­susumikap naming mga nanil­bi­han sa USC 2007-2008. Sana ay ipag­pat­u­loy ang mag­a­n­dang nasim­u­lan na ito para sa pat­u­loy na ser­bisyo para sa mga estudyante ng La Salle Dasmarinas.

Ang tiket o stub sa Jeep-​ikot ay Php5.00 lang. Mabibili ito sa SBC Can­teen sa East Campus.

Mga kapwa namin Lasalyano, sakay na!

Tags: ···

No Comments so far ↓

There are no comments yet...Kick things off by filling out the form below.

Leave a Comment