35 taon na ang nakalipas mula nang idineklara ng diktadurang Marcos ang Batas Militar o Martial Law sa Pilipinas upang sugpuin ang mga pwersang nais magpabagsak sa pasistang si Ferdinand Marcos at wakasan ang pagpapahirap sa mamamayang Pilipino.
Dahil sa Batas Militar, daan-daan ang nabilanggo, tinortyur, pinaslang, at nalapastangan ang mga karapatang sibil at pangtao. 35 taon na ang nakalipas ngunit tila walang pinagkaiba ang panahong kasalukuyan. Halos 900 kaso na ng paglabag sa karapatang pantao, mga pinaslang na mamamahayag, mga aktibista, mga estudyante at lider-manggagawa ang hanggang sa ngayon ay nawawala.
Patuloy pa rin ang giyera sa Mindanao kung saan libu-libong mga Muslim ang naghihirap. Hanggang sa ngayon, ang mga biktima ng pang-aabuso ng pasistang rehimeng Marcos ay patuloy na naghahanap ng hustisya. Mas nakakalungkot pa nito'y ang mga tulad nilang biktima ng garapalang pang-aabuso sa karapatang pantao ay nadadagdagan pa.
May mga nagsasabi na hindi naman bumalik ang panahon ng Martial Law, tama sila, sapagkat wala namang deklarasyon mula sa pekeng pangulo na nagsasabi nga ng ganito. Ngunit, sa istilo ng paggamit sa kinamkam na kapangyarihan, sa mga polisiya at batas na ipinasa ng administrasyong Arroyo, hindi na nga kailangan ng deklarasyon ng Batas Militar, dahil sa kabuuang epekto ng mga ito, wala nang pinagkaiba ang kalagayan ng bansa 35 limang taon na ang nakalipas.
Nariyan ang EO 464, PD 1017, "No Permit, No rally", ang mga political harrasment sa mga progresibo at maka-kaliwang mambabatas, at ngayon ang huling elemento sa pagsisistematisa ng 'Martial Rule' ang Human Security Act of 2007 o ang Anti-Terrorism Law. Kung buhay si Marcos ngayon, sa aking palagay ay mamamangha siya sa nagawa ni GMA. "Small but terrorist, terrible" ika nga.
Kaya nga kahit 35 limang taon na ang nakalipas, hindi lamang ang mga mapangabusong gawain ni Marcos ang nabibigyan ng buhay at nanunumbalik sa ating mga alaala. Kung hindi, ang mga pagkilos na ginawa ng mga manggagawa, maralita, kabataan, layko at relihiyoso at lahat ng lumaban sa diktadura at pasistang rehimen ni Marcos.
Partikular dito ang isang mensahe at talumpati ng isa sa mga tanyag na lider-manggagawa na buong tapang, lakas, at talinong lumaban sa diktador, at sa huli'y buhay niya ang naging kapalit. Ang tinutukoy ko ay ang mensahe ni Felixberto Olalia, Sr. sa huling araw ng kanyang huling araw ng pag-aayuno sa Plaza Roma noong ika-4 ng Disyembre, 1983. Mula ito sa librong "20 Speeches that Moved a Nation" - mga koleksyon ng mga talumpating naglalarawan ng makulay na kasaysayan ng Pilipinas at ang mayamang tradisyon ng mga Pilipino sa pakikipagtalumpati - ni Manuel Quezon III, o MLQ3.
Sa kanyang talumpati o mensahe na pinamatagang "Mensahe sa Limang-araw na Pag-aayuno Para sa Pagpapalaya ng Lahat ng Detenidong Lider-manggagawa at iba pang Bilanggong Politikal" ginunita niya ang tula ng isang rebolusyunaryo, ni Mano de Verdades Posadas upang isalarawan ang kalagayan ng Pilipinas noong panahon ng Batas Militar, isang malaki at malawak na bartolina:
Gapos sa kamay, piring sa mata;
Suntok, bayo, tadyak, sampal,
Iniksyon, kuryente, hipo, sakal,
Plantsa, panggugutom,
panggagahasa.
Buhos ng tubig o paso ng sigarilyo;
At pagkatapos ay ilantaong
pagkakulong
Nang walang paglilitis o
wala man lang kaso.
Ganito ang pinaiiral na kalagayan
Sa bartolina ng piitang kapuluan.
Sa bandang huli ng kanyang mensahe, kung saan hinimok niya ang mga mamamayan na kumilos at lumaban muli niyang ginunita ang isa pang tula, muli ni Mano de Verdades Posadas:
Ang pagkakapiit
Sa halos pusikit
Na karimlan
Ay di dhilan
Upang tayo'y
Sa kababaan ng kisame
Huwag na tayong dumapa
Sa malamig na sahig;
Sa kaliitan ng silid,
Huwag na tayong sumiksik
Sa suok at humalukipkip.
Ang pagkakulong
Sa panahong
Wari'y di matatapos
Ay di dapat makaupos
Sa ating pagkilos
Tungo sa paghulagpos
Upang lalong makakilos.
Makulay, makubuluhan at hanggang sa ngayon ay nananatiling tumpak sa ating kasalukuyang kalagayan ang mga tulang ito, kahit na 35 taon na ang nakalipas. Hanggang kailan pa kaya ito magtatagal? Hanggang kailan pa natin ito hahayaan? Kapag tayo o ang ating mga mahal sa buhay ay bigla na lang rin maglalaho?
Para wakasan ang munting pagbabahagi na ito, isang dalangin ang aking iaalay, para sa mga naging biktima ng karahasan at pangaabuso sa mga karapatang pantao noong panahon ng Batas Militar at ngayong sa panahong kasalukuyan:







ano poh b ang mga katotohanan nung martial law?
may mabuti ba itong naitulong s bansa?
ano naman ang masama nitong nagawa?
hi sayo!!!
Salamat po sa impormasyon.ngunit ano po ba ang naitulung ng Martial Law sa Pinas? Bakit po ito ieneklara sa ibang dahilan na higit pa sa aking nabasa?
bakit kaya hindi na lamang pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang problema sa ekonomiya ng bansa kay sa sayangin ang pera ng pilipinas sa walang kabuluhang gawain ng mg numumuno sa puwesto.maari bang kalimutan na lamang ang mga kapalpakan ng m=namumuno at simulang muli ang tunay na may pagmalaksakit sa bansa na pagtatrabaho?why dont give a second chace to those made wrong decision for the country to make it right?pls......be cared for our country, not in your own wallet in future but for the future of everybody and for the country.
...thanks poh...sa publisher po nito.....
...maka-kagawa na po ako ng mga research papers koh...
...tnx sa informations...
...sana di na maulit ang martial law...
sino ba ang may kasalanan si imelda o si marcos?
totoo bang buhay pa si marcos?
ano nga ba kasalanan ni marcos?
bakit idineklara ni pangulong marcos ang batas militar
maraming kabataan ang sa ngayon ay walang alam sa kunga ano nga ba ang martial law dahil hindi man lang ito nasulat sa libro ng ating kasaysyan. Bakit nga ba hindi isinulat dahil ba sa takot ng mga namumuno sa ating bansa ang buksan ang isip at kamalyan ng bawat isa sa atin tungkol sa bulok na sistema ng kanilang pamamlakd?
ang hirap ng nararnasan ng mga pilipino noong martial law diba!
para sa akin kung wala kang itinatago laban sa gobyerno wala kang dapat ikatakot kc wala kang ginagawan masama..at ginawa man ni marcos yun kc nasa delekadong stuation ang bansa..dahil dumarami na ang masaasama.sa bansa..heheheheh
at ang mga catholic kl nila cla ng ang pinaka nangunguna sa edsa rebulosyon..hindi nila alam maraming ding ang ibang- ibang paniniwala hindi lng cla....political na haloan ang edsa reb. hehehehe